Pagka-uwi ay gumawa lamang ako ng iilang mga gawaing bahay, dahil maaga akong umuwi ngayong gabi ay ako lang ng na atasan ni mama sa iilang mg utos mabuti na din ito dahil madalas ay gabi na ako kung umuwi dahil sa sunod-sunod na laban at sunod-sunod din naming mga ensayo.
“Nasaan na ba ang kapatid mo Addison?” Tanong sa akin ni mama habang pinupunsan ko ang aming lamesa at inaayos ito para sa aming hapunan.
“Ay naku Ma! Busy iyon sila para bukas, nag-aayos sila ng kanilang booth para bukas eh.” Sagot ko sa kanya pagkatapos ay ibinalik ko na ang basahan sa aming lababo.
“Bakit kayo naman ay wala?” tanong niyang muli sa akin bago ako tuluyang umakyat sa aking kwarto.
“Hindi ba ay sasayaw na kami sa second day ng foundation kaya hindi na kami nag-booth dahil busy na kami sa practice at hindi na namin iyon maasikaso.” Sagot ko at tuluyan ng nagtungo sa aking kwaro.
Ginalugad ko na ang aking damitan upang makahanap ng aking magiging outfit of the day bukas. Muli ay naaalala ko ang ginawang pagkausap sa akin ni Jeffrey kanina kaya’t muling nanumbalik ang kilig na aking nararamdaman kanina ramdam ko ang muling pag-init ng aking pisngi habang naghahanap ng damit na masusuot bukas. Pagkalipas ng ilang minutong paghahanap ay nagkagulo-gulo na ang aking damit sa aking higaan napili ko ang aking high waist denim jeans na ipapares ko sa aking white pocket t shirt na may nakalagay na queen at ang sapatos na madalas kong sinusuot tuwing nagsasayaw na black high cut converse.
“Addison! Andito na ang kapatid mo kumain na tayo!” tawag sa akin ni mama kaya’t agad akong bumababa.
“Siguro naman ay pagkatpos niyan wala na ah! Palagi ka na lagn wala at puro ka na lamang sayaw kaya siguro bumababa ang mga grades mo dahil diyan. Sinasabi ko sa iyo Addison ayusin mo iyang pag-aaral mo kung ayaw mong, naku sinasabi ko talaga sa iyo.” Saad ni mama habang kami ay nasa hapag.
Tila ba ay nawala ang gana kong kumain at napawi rin ang mga ngiti sa aking mukha na kanina lamang ay aking suot. Minadali ko ang pagkain at agad koi tong tinapos kahit kung ikukumpara sa madalas kong kinakain ay kalahati pa lamang ito. Pagkatapos ay agad kong inilagay ang buto ng aming ulam na tinolang manok sa kainan ng aso sa tapat n gaming bahay, ang aso naman ay agad lumapit sa pagkain. Pagpasok kong muli sa bahay ay nilagay ko ang aking pinagkainan sa lababo at nagpaalam na akong muling aakyat.
Kinuha ko ang aking cellphone par asana ay magbasa ngunit nakita ko na ako pala ay nakatanggap ng dalawang message ang isa ay galing group chat n gaming sayaw at ang isa naman ay galing kay Jeffrey.
Choreo: Bukas agahan niyo nakiusap ako na kung pwede ay sumaglit muna tayo ng practice sa court. Sa court na tayo magkita-kitang lahat. Ang mga bayabas na ang gagawa ng props dahil alam ko naman na yung iba busy sa kanilang mga booth yung ibang section na walang gagawin ay maari din namang tumulong.
Competitive talaga an gaming batch wala ng makakatalo dun kaya kahit ang iilan ay busy na bukas gusto pa din nila mag practice.
Jeffrey: Hi good evening
Addison: Hi sorry late reply
Jeffrey: Ayo slang kumusta? Kumain ka na ba?
Addison: katatapos lang hekhekhek, nasermunan pa nga eh. Ikaw?
Jeffrey: Tapos na din. Bakit ka naman nasermunan?
Addison: The usual issue grades, kulang kasi yung average ko sa quarter na ito para makasama sa honor, kulang 2 points.
Jeffrey: Ay jusq parang sila mama din.
Addison: Yung grades mo ikinagagalit pa nila? Baka kapag ako ang naging magulang mo every grading may party.
BINABASA MO ANG
SAYAw sAYAW
Ficção AdolescenteAkala ko ako na. Akala ko may tayo na. Akala ko masaya na, ayaw mo naman pala. Hindi naman pala ako.