Chapter 8

1 0 0
                                    

Ang araw na hinayaan ko lamang matapos ay sa wakas na tapos na. Ayon nga sa nabasa kong novel sa wattpad 'it can be a bad day today, but it can also be a bright day tomorrow' kaya today is another day. Ano naman kung ikinasal sila hindi naman totoo iyon isa pa crush ko lang naman siya eh, crush lang. 

Madilim pa lamang ay nag-aayos na ako upang magtungo sa school at dahil madilim pa ay ihahatid ako ng kakilala ni mama. Binabayaran naman nila ito kaya hindi ako gaanong nahihiya pero medyo nahihiya din kasi di ba madilim pa at mukhang antok pa si kuya. Sakay ng motor ay hinatid niya ako sa school at dahil hindi pa ganoon kahigpit ay ipinasok niya pa ang motor sa loob ng campus at saktong sa tapat ng aming room niya ito itinigil. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na din siyang umalis. 

Na pansin ko na mukhang napa-aga ako sapagkat iilan pa lamang ang mga nandito ngayon. Sa paglipas ng ilan pang mga minuto ay nagsimula na silang magdatingan. Nang dumating si 

Miguel ay ipinamigay na naming ang kanilang mga costume. 

“Pst Addison, ikaw magbigay nito kay Jeffrey.” Bulong sa akin ng isa sa aking mga kaklase. 

“Huh bakit ako? Hawak mo na eh.” Pagtangi ko habang inaabot pa ang iba pang mga t-shirt sa iba naming mga kaklase. 

“Mas malapit ka kaya oh.” Napalingon ako at nakita ko na malapit nga siya sa aking gawi kaya wala na akong ibang choice kaya kinuha ko mula sa kanya ang t-shirt upang mas makalapit kay Jeffrey na kasalukuyang nasa may pintuan. 

“Jeffrey ito na yung iyo oh” banggit ko ng tuluyan na akong makalapit sa kanya at inaabot ko sa kanya aang kanyang t-shirt. 

“Salamat” sagot niya. 

“Addison mag-ayos ka na!” Bigla namang tawag ng isa kong kaklase mula sa aking likod. Lumapit ako sa kanya at nagpatali tulad sa iba pa naming kasama. Ang aming buhok ay nakahati sa gitna at nakatali na mistulang dalawang pony tail, na itinali na sa pamamagitan ng pulang ribbon. 

Maya-maya pa ay nagsimula na kaming maglakad papapalabas ng classroom ang balita ko ay magkakaroon daw ng parade paikot ng buong campus hanggang makarating ng court. Hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw kaya hindi ito ganoon kasakit sa balat. Nang lumabas ang muse n gaming grade level ay agad kaming naghiyawan at nagpalakpakan suot nila ang baseball costume na nagmua pa sa mag-asawa naming MAPEH teacher na parehong baseball player noon. 

Nang masiguradong ang lahat ay nandoon na ay nagsimula na ang parade iniligay ko lamang ang aking ear phones at nakinig sa kpop music habang naglalakad may katangkaran si Trishia at Nicole kumpara sa akin kaya ay may kalayuan ang agwat naming sa isa’t isa. 

Matapos ang ilang minutong paglaka ay natapos ang parade at lahat kami ay pumasok sa court. Kahit nasa loob na kami ng court ay hindi ko pa din tinatangga ang aking earphones isinabay ko na din ang pagbabasa habang sumasayaw ang ilang alumni bilang intermission number. 

“Students of South High School let me here you scream!” Napatingin ako ng marinig ang sigaw ng master of ceremony sa stage. Napukaw ang aking atensyon ng makita ko na halos lahat ng studyante n gaming schoolay nagsama-sama sa loob ng court na ito upang masaksihan ang aming magiging performance. Kita ko din sa stage ang iilang mga opesyales ng school kasama ang iilan sa mga teachers ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang tatlong trophy na nakabalandra sa lamesa na nakalagay sa stage. Amin na ang isa diyan. 

“Let’s not keep the crowd waiting! Campus dance competition is now in! May we call on our freshmen the representatives of grade seven!” Ang mga grade seven ay naghiyawan ng lumakad ang kanilang mga kaklase pababa ng bleachers nagsimula silang umindak ngunit ibinalik ko ang aking atensyon sa pagbabasa. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon