Chapter 3

14 0 0
                                    

It’s a new day! May  fun run kami ngayon sa math kaya napaka aga kong nagising. Sabado ngayon pero alas kwatro pa lang ng madaling araw at wala pang araw gising na ako at nag aayos. I am wearing my favourite BTS merchandise which include BTS cap, and string bag k-pop fan kasi ako specifically BTS, EXO, and Blackpink. Maya maya pa ay dinig ko na ang service ko na maghahatid sa amin papunta sa pag sisimulan ng fun run.

Malinis ang kalsada konting konti lamang ang sasakayan kaya mabilis kaming nakarating sa dapat naming puntahan. To my surprise si Jeffrey agad ang bumungad sa araw ko. Napalingon siya nung bumababa kami ng sasakayan. He is wearing a colored math is fun, run shirt indicating that he is one of the math officers. Wow pero hindi ko siya kilala baka nga tranferee siya tapos SSC kaya naging officer kadalasan kasi ng nagiging officer dito syempre yung famous so kung transferee siya it is quite impossible, but, we’ll never know. I really find him so interesting, bakit kaya?

After finding my classmates nagsimula na rin ang fun run hindi ako bumili ng shirt kasi feeling ko it is just a waste of money. Sa sandaling ito ang fun run ay naging fun walk yung mga bulilit na grade seven students lang ang tumatakbo. Yung mga magjojowa magka holding hands na akala mo naglalakad sa luneta, yung ibang babae nag retouch na ni hindi pa nga nasisinagan ng araw at pinagpapawisan, yung ibang kalalakihan naman naglalaro ng mobile legends at kahit yata nasa gitna sila ng kalsada hindi sila magpapatinag. 

Pagkatapos ng fun run slash fun walk ay may pa zumba ang math department na ginawang party ng mga classmate ko. 

“Hi bago ka ba dito?” banggit ng isa kong mga kaklase na akala mo umiinom ng alak kahit yakult naman ang hawak.  

“Oo eh ikaw? Do you regularly visits here?” pagsasakay ko sa trip niya at ginaya ko pa ang ginagawa niya. 

Sa totoo lang yung mga SSC, SPJ, grade seven at iilang grade eight lang naman ang sumasakay sa trip na ito. Yung iba nakaupo na lang sa field at yung iba puro picture ang ginagawa dahil pasikat na si haring araw. 

“That ends our zumba run! Kids we will have a quick break at magsisimula na ang ating mga pa contest na pangungunahan ng ating singing competition” banggit ng MC na nasa stage. 

Tumambay kami ng mga kaklase ko sa room hindi kami pwedeng umalis dahil kaylangan naming suportahan si Jean na kasali sa singing contes pati ang aming mga kaklase na sasali sa tower of hanoi, at rubics cubes contest. 

Maya maya pa ay nagkayayaan na kaming pumunta sa field dahil magsisimula na ang mga pa contest. Nagsipag kantahan na ang iilang mga contestant pero di ako nakikinig at nagbabasa lamang ng wattpad. Nung si Jean na ang nakasalang ay itinigil ko na ang aking pagbabasa. 

Kinanta niya ang all I ask ni adelle at pangalawa na at siya sa contestant na kumanta niyan ngayon 

“All I ask is if this my last night with you hold me like I’m more than just a friend give me a memory I can keep” di niya pa natatapos  ang ikalawang chorus ng biglang tumigil ang mic 

“Awwwwwww ulit! Ulit! Ulit!” pa ulit ulit na sigaw g mga kaklase ko na hindi talaga papayag na magpatalo. At dahil palaban si Jean kinanta na lamang niya ito ng acapella at walang mic 

“Cause what if I never love again let this be our lesson in life.” Walang mga mic pero palaban pa din siyang umawit. 

Natapos ang singing contest at dismayado kaming lahat. Natalo si Jean at ang lahat ay sinisisi ang mic sapagkat siya lang ang ka isa isang contestan na namatayan nito. Ilang saglit lang ay nagsimula na ang ilang contest na wala naman akong pakialam pero nung sumalang na ang kakalase naming si Yumi ay nag cheer kami para sa kanya. 

“Go Yumi! Kaya mo iyan!”

“Bayabas iyaaaaaaaan!” 

Sabay sabay naming hiyaw pero kung papansinin kami lang ang nag iingay dito. Tahimik kasi ang ibang section at ang iba naman ay nakaupo lang sa feild.

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon