Chapter 11

2 1 0
                                    

Natapos ang Christmas vacation at ngayon ay panibagong araw na naman ng pagpasok sa school. Five forty five pa lamang ng umaga ay na sa school na ako para sa ala siyete kong klase.

Habang naglalakad ay binuksan ko ang aking cellphone upang icheck ang mga messages na natanggap ko. Wala namang message kaya tinago ko na lamang ito at naglakad. Hindi pa ako  humahaba ang nalalakad ko mula sa gate n gaming school ay naramdaman ko na ang vibration nito baka si Cedrick lang iyan na may long sweet message kaya hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso na ako sa Filipino department upang kuhanin ang susi ng classroom namin. Ako kasi ang madalas na gumagawa nito dahil takot na takot akong ma late kaya inaagahan ko ang pasoj idagdag mo pa na malayo ang bahay ko mula sa school kumpara sa kanila.

  Nang makalapit ako sa room naming ay napansin ko na nakaupo si Jepoy sa may bench na malapit sa room naming. 

“Hi Adie! Good morning!” Masiglang bati niya sa akin.

“Good morning din! Bakit andiyan ka? “ Bati ko sa kanya pabalik at sinundan ng nagatataka ko tanong. Bihira naman kasi siya mapadapad dito kasi sa kabilang side ng campus ang classroom nila.

 “Ay naghihintay lang na magbukas ang ilaw sa may math dept wala pa kasing ka tao tao dun eh.” Sagot niya sa akin.

“Gusto mo na sumabay? Magkakailaw na dun dahil ako naman ang nagbubukas ng aming room. Maya maya lang rin paniguradong darating na yung mga teachers dun lalo na si Ma’am Grace around six na dating yun eh.” Paliwaag ko sa kanya. Tumayo naman siya at sumabay sa aking paglakad. 

Pagdating ay dumiretso na siya sa bench sa tapat ng math department at ito namang si Nicole na maagang pumasok ay sinalubong ako ng nakakalokong ngiti. Hindi ko na lamang siya pinansin at binuskan ko na ang pintuan n gaming room. Pagtapos ay naglakad ako papalabas ng classroom para ibalik ang susi sa Filipino department. 

“Ooops saan ka pupunta? Tatabi ka ba sa kanya dun sa bench?” Pigil sa akin ni Nicole mahihimigan ang kamalisyosohan sa kanyang boses at kita sa mata niya na para siya detective na nagiimbistiga habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa aking braso.

“Medyo OA ka diyan ano?” Sarkastiko kong tanong sabay tanggal sa kanyang kamay sa aking braso. 

“Ibabalik ko lang ito sa Filipino department.” Dagdag ko pa at tuluyan ng naglakad papalayo sa kanya at dumiretso sa Filipino department upang ibalik ang susi sa table ng aming adviser. 

Pabalik na ako sa aming classroom nang maramdaman ko ang sunod-sunod na vibration ng cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng aking palda. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang sandamakmak na messages mula kay Cedrick. 

Cedrick: Good Morning ate princess lagi kang kinukwento sa akin ni kuya cedrick. Inatake po siya kagabi kaya naisip ko na imessage ka ngayong umaga ga tulad ng ginagawa niya sa iyo dati ngayon kasi ay unconscious  pa siya eh 

Cedrick: Ate! Lumalala na po si kuya dinala na po siya ngayon sa operating room *crying emoji*

Cedrick: Ate kasalukuyan na po siya inooperahan ng mga doctor niya ngayon. 

Cedric: Ate baka po iwan na tayo ni Kuya huhuhuhu 

Parang may kung ano na naging dahilan upang bumigat ang aking dibdib. Bumagal ang aking mga hakbang kahit pa hindi ko siya gusto ay kaybigan ko siya at sa mga araw na nagkakausap kami ay mas lalo akong napapalapit sa kanya. 

Addison: Ano pong nangyari? 

Cedrick: inatake siya kagabi ate hindi nga po namin alam. Pero ate na basa ko po kasi na ang huli niyong topic ka kagabi ay tungkol kay Jepoy po ba yun? Pasensiya na po kung nakialam ako ah. Pero pakiramdam ko po ay nagselos siya dahil dun, kaya po siguro inatake.

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon