Jeffrey: Sino kaya ang nag request nun?
Addison: Hindi ko nga din alam eh
Hindi ko magawang aminin sa kanya na ako ang nagbayad sa hand cuff booth kaya nangyari ang mga iyon kanina.
Addison: Galit ka ba o naiinis?
Jeffrey:Ay hala hindi napapaisip lang ako kung sino ang may gawa nun. Nga pala may kopya ka ba ng picture natin kay Miguel?
Ikinagulat ko ang tanong niyang iyon naisend naman na ni Miguel ang picture sa group chat naming bayabad kaya sinend ko na iyon sa kaniya.
Jeffrey: Ang panget ko hahahahahaha
Addison:Hala hindi naman, ako nga namumula ng todo eh!
Jeffrey: Oonga eh sobrang init kasi kanina eh
Addison: Oo grabe tapos sa buong field talaga tayo pinaikot
Jeffrey: Addison may tanong ako sa iyo
Addison: ano iyon?
Jeffrey: Sinong crush mo?
Addison: Hala siya, ikaw muna
Jeffrey: Dalawa ang akin salitan na lang tayo. Ikaw muna.
Addison: Sige. Crush ko si Migz
Jeffrey: ako naman si pat
Addison: Tapos ikaw
Jeffrey: ikaw din
Parang tumigil ang mundoko ng mabasa ko iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alamang dapat kong ireply sa kanya. Nakaramdam ako ng kilig kaya niyapos ko ng mahigpit ang aking unan at nagpaikot-ikot ako sa aking higaan.
Jeffrey: Pupunta ka bukas?
Addison: Oo naman, bakit?
Jeffrey: Wala lang hahanapin kita tapos huhulihin kita.
Addison: Hala siya hindi magandang biro iyan ah. Magtatago ako sa iyo bukas.
Nagkwentuhan kami buong gabi hanggang sa napagdesisyunan na naming dalawa na matulog.
Kinabukasan ay tanghali na akong pumasok sa school para sa foundation karamihan ay tanghali na din naman na pumapasok dahi wala namang klase. Hindi na din ganoon ka wild ang mga takbuhan ng mga studyante dahil konti na lang ang mga studyante marahil ay nag-sawa na dahil sa dalawang araw na nakalipas. Dumaan ako sa field at mukhang di ko naman na yata kaylangan mabahala dahil kokonti na lang ang nagtatakbuhan.
Habang naglalakad ako sa field at nagtitingin-tingin sa paligid nakaramdam ako ng may biglang humawak sa brason sa kamay pa lamang ay halatang pawisan na ito at kanina pa nagtatakbo.
“Sh*t kuya naman kararating ko lang!” Palahaw ko habang nagpupumiglas
“Sabi ko sa iyo huhulihin kita Addison hahahahaha.” Doon ko lamang napagtanto na si Jeffrey pala ang nakahuli sa akin.
“Hala Jeffrey naman kararating ko lang maawa ka please. Ano bang meron sa booth niyo?” Tanong ko sa kanya na tila ba nagmamakaawa na.
“Ano ka ba hahaha as if naman dadalhin kita sa booth namin . I-I j-just want to say Hi so ahmm Hi!” Saad naman niya sa akin. Kumaway siya at umamba nan g pag-layo sa akin.
“Hello!” Sagot ko naman sa kanya at tuluyan na siyang lumayo sa akin. Pinagmasdan ko na lamang ang likod niyang uniti-unting nawawala sa aking paningin habang papasok siya sa kanilang booth.
BINABASA MO ANG
SAYAw sAYAW
Teen FictionAkala ko ako na. Akala ko may tayo na. Akala ko masaya na, ayaw mo naman pala. Hindi naman pala ako.