Prologue

114 2 1
                                    

Dancing, a passion I always love. I wasn’t sure about many things like how pretty I am, how smart I am, how nice my clothes are, my attitude, I’m not even sure about my future but I am sure about one thing, I am sure about dancing. I am sure about the possibility that I will make the crowd go wild when I enter the stage it feels like I was born for the stage, I was born to dance.

I have been performing in every school programs yearly. I have joined every school competition. My mom has doubts about it. Some of the people around me have doubts about my abilities. But I don’t. I am confident about it. I am confident in my skills and passion. Dancing is the the thing no one can take away from me.
Dancing is the greatest thing I can do. I am sure that in dancing, I am the best, and I can be on top.

Then I met him he’s good at mostly everything, good at dancing. A lot of people admire him because of that. I admire him for everything. He’s sure about everything, sure about the steps, the groove, and the music. But, he was not sure about me.
It sucks a lot.

“Addison! Gising na papasok ka pa!” napagitla ako at mabilis na tumayo dahil sa makas na boses na aking na rinig.

Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Pagtapos ay nagbihis na ako at inayos ko ang mga dadalhin ko dahil may performance kami mamaya.

“Bakit naka PE ka? PE na din ang suot mo nung nakaraan ah. Isang beses lang naman ang PE sa isang linggo.” Mapanuring tanong sa akin ni mama. Sa mga mata pa lamang niya ay halata mo na ang paghihinala.

“Ah eh mama may performance kasi kami sa school mamaya.” Sagot ko sa kaniya.

“Iyan na naman ang inaatupag mo kaya bumababa ang grades mo eh!” Hasik ni mama.

“Eh mama, sa MAPEH naman namin ito kapag na nalo kami ay exempted na kami sa departmental exam.” Paliwanag ko sa kaniya.

“At kung hindi? Sayang ang pagod. Sayang oras. At ano bagsak na grado?” sarkastikong sabi ni mama. Para bang wala siyang kumpiyansa na kami ay mananalo.

“Ang sabi ko sa iyo pag-aaral ang atupagin mo hindi iyang puro sayaw! Sayaw ka ng sayaw puro ka sayaw! Ano bang napapala mo diyan?! Wala! Minsan gastos pa iyang mga costume mo at kung ano anong props. Tapos sa dulo uuwi ka namang talunan! Hindi ka na preschool na pa sayaw sayaw lang sa klase! High school ka na! dapat mag-aral ka ng mabuti! Kaya ang baba ng grades mo kung ano ano kasing inaatupag.” Sanay na ako sa ganitong eksena pasok sa isang tenga labas sa kabila. Huwag ng iaakyat sa utak dahil wala naman iyong maidudulot na maganda. Pero minsan ay mahirap ding isawalang bahala.

“Ma alis na po ako. Baka gabihin ako ng uwi kasi after class yung laban.” Paalam ko na lamang sa kaniya.

“Ayan imbis na maaga kang makakauwi gagabihin ka pa dahil diyan. Kahit kailan ka talaga.”

Nanghihina akong lumabas ng bahay. Laban namin mamaya at sa dami ng sermon na sinabi niya ay hindi niya manlang na isip na sabihan ako ng good luck. Hindi ko na inasahan na pupunta siya para manood pero sana naman kahit minsan at kahit papaano ay maramdaman kong nakasuporta siya sa akin.

Nagtungo na ako sa South high school kung saan ako nag-aaral.  Kasalukuyan akong grade nine student turning fifteen years old. Hindi naman ako bumagbagsak ni hindi ako nagkakaroon ng line of seven sa card ko. Sa katunyan kasama ako sa list of honor students last year at ginagawa ko ang lahat ng  makakaya ko para makasama sa honors ngayong taon. Ni hindi nga bumababa ng eighty five ang average ko. Never kong pinabayaan ang pag-aaral dahil sa pagsasayaw. Pero hindi niya iyon na kita. Minsan napapaisip na lang talaga ako meron ba talagang nakakakita.

To be continued...

©Ms_Terpsichore

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon