Chapter 6

6 0 0
                                    

Days passed so fast nalalapit na ang foundation day meaning malapit na din ang laban namin. Madalas din kaming nagkakausap ni Jeffrey through chat this pass few days and it is nice talking to him okay siyang kausap. We talked about various things in our life and I am starting to feel that we have something in common. 

At ngayon halos buong araw na kami may practice at wala ng klase buong araw ko siya nakakasama but we never talked personally laging through chat and sa ilang araw na nagkakausap kami napansin ko na he always chat me at seven in the evening during weekdays pero pag weekend naman ay kapag may oras agad siyang nagmemessage. 

As of the moment we are talking about their section based in my observation and understanding sa mga sinasabi niya and na share niya sa akin na story parang hindi masaya sa section niya ngayon. 

Jeffrey: Kayo nga ang sayasaya niyo lagi. 

Addison: Legit sobrang saya talaga walang makakatalo

Jeffrey: Sa amin kasi kanya kanya may mga nagkokpyahan, yung iba nagkokodigo, at yung iba nagpapalakas sa teacher para mataas din grades. 

Addison: Ang swerte ko naman pala na nasa bayabas ako sobrang solid kasi ng section naming hindi maiiwasan na meron at meron talagang grupo grupo pero para there is something that binds us together. 

Jeffrey: Oonga nabalitaan ko din lagi daw kayo nag s-surpise ng teacher madami din akong naririnig tungkol sa inyo galing sa mga teacher na masaya ng daw yung section niyo at sobrang solid. 

Addison: Kayo edi ba two years naman na kayong magkakasama? Hindi ba dapat na bind niyo na yung relationship niyo as a section, or just at least up to do this point all of you are working on it? 

Jeffrey: hindi ko din alam two years na kaming magkakasama pero ganito pa din kami. Sana sa susunod na mga taon mas maging maayos pa kami. 

Addison: Magiging okay di ang lahat sa inyo you still have a long run to race at mukha namang okay naman kayo, mucha namang may unity kayo, you all just need to work somethimg out. 

That night we talked about our sections we share our thoughts about our school life. I felt bad kasi pakiramdam ko ang lonely ng school life niya. Pakiramdam ko masyado siya na left behind sa mga classmates niya dahil lang he is doing a little better than them , pakiramdam ko ang daming may gusto na mapababa siya sa posisyon kung nasaan siya ngayon. 

Kinabukasan mula ng gabing iyon ay isa buong araw na naman ang aming practice dahil bukas ay unang araw na ng foundation at sa second day naman gaganapin ang dance competition na aming sasalihan napaka bilis ng paglipas ng araw laban na agad agad. Umaga pa lamang ay nasa court na kami ngayon dahil inaayos naming an gaming magiging entrance at exit. 

“Kayo dito sa harapan magsisimula kayo dito sa pinakatabi ng stage ah, dito sa mismong baba. Tapos kayo naman diyan sa gilid gumilid pa kayo ng todo hanggang sa umabot kayo sa bleachers tapos hawakan niyo yung kamay ng katabi niyo” paliwanag ng magiging choreographer naming. 

Pagkabanggit nun ay naramdaman ko na lamang na kinukuha ni Jeffrey ang kamay ko sandal niya pa itong pinisil ng kaunti nang mag siklop ang aming mga kamay. Napabaling ako sa kanya at sa aking paglingon ay nag gawad siya ng ngiti kaya isang tipid na ngiti rin ang aking naging tugon. Parang normal lamang ang kanyang kamay kung tutuusin ngunit tila ba sobrang spesyal nito para sa akin. Bumubilis ang tibok ng aking puso at bigla akong nakaramdam ng pawis, maaga pa ala sais pa lamang ng umaga at ni hindi pa sumusilay si haring araw subalit sa paghawak niya ng aking kamay ay nakaramdama ako ng pawis. 

“Addison abante na daw tayo, lakad na.” Bulong niya sa akin na naging sanhi upang mas lalong lumalala ang pakiramdam na hindi ko maintindihan. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon