Chapter 14

4 1 1
                                    

Kaslukuyan akong nakaupo sa aming campus field habang naglalaro ng spin the bottle kasama sina Trishia at Nicole. Kapansin-pansin din na madami ang tao ngayon sa field hindi kasi gaanong mainit sa katunayan nga ay mahangin ngayon dito. 

“Truth or dare?” Makahulugang tanong sa akin ni Nicole nang tumapat sa akin ang bote. 

“Dare.” Matapang kong sagot habang bahagya pang nag-uunat na akala mo ay handa nang sumabak sa ano mang laban. 

“Umikot ka sa buong SSC building nang tatlong beses.” Mapanuksong saad ni Nicole habang silang dalawa ni Trishia ay bahaygang nakangisi sa akin. 

“Game.” Sambit kong may lakas ng loob, saka tumayo nang tuwid. Alam ko kasing wala naman doon si Jepoy dahil kadalasan siyang nasa math department kung hindi naman ay baka nasa room lang siya kaya’t hindi mangyayari na magkakasalubong kami at hindi din naman niya malalaman. 

Lumakad kami patungong SSC building  na patuloy pa din ang kwentuhan. Walang masyadong tao sa hallway ng SSC building at dalawa na lamang ang room na bukas mula sa apat na room na nandoon ang isang room ay kokonti na lamang ang tao ang isa naman ay sarado ngunit sa loob nun ay may mga taong marahil ay gumagawa ng project or activity dahil maaninag mo na sila ay mga busy. Nang maaninag ko ang hagdan ay tila baa yaw ko na tumuloy. Umikot na lamang ako nang tatlong beses sa tapat ng SSC building. 

“Okay let’s go! Tapos na.” Saad ko matapos umiko. Nakita ko kasi si Jepoy na nakaupo sa isa sa mga hagdan kasama ang iilan sa kaniya mga kaklase at mukhang may pinaguusapan ang mga ito. 

“Andiyan si Jeffrey mas masaya ito!” Natutuwang sambit ni Trishia habang ang pareho niyang kilay ay tumataas-taas. Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niyang mangyari kinuhanan pa ni Nicole nang video ang nangyari. Buti na lang at mukhang busy sila Jepoy at hindi nila ako na pansin. 

Bumalik kami sa pwesto naming kanina at muli naming pinagpatuloy an gaming laro. Inikot ko ang bote at tinuro nito sa Trishia. 

“Truth or dare?” Tanong ko sa kaniya na para bang handa ng gumanti. 

“Pumulot ka ng limang basura at itapon mo ito sa basaruhan sa mag SSG quarters.” Utos ko sa kanya. Habang nagpupulot siya ng basura ay tawa kami nang tawa ni Nicole na pinanonood siya. 

Nang matapos siya ay kinuha niya ang bote at inikot ito mistulang handang- handa nang gumanti. Sa pagkakataong ito ay kay Nicole  naman tumapat ang bote na kaniyang inikot. 

“Truth or dare?” Tanong namin kay Nicole. 

“Mag iwan ka ng letter sa room nila Michael.” Mapang asar na sambit ni Trishia kay Nicole. 

“H-huh eh ayaw ko sabi niya ayaw dawn g adviser niya na madumi eh. Baka isipin pa ng adviser niya na kalat iyon mapagalitan pa sila.” Malumanay na saad ni Nicole. 

“Hindi nama tayo ag mapapagalitan eh.” Saad ni Trishia. 

“Isa pa bago pa dumating ang adviser nila for sure may makakakita na nun.” Mapanuksong dagdag ko naman sa kaniya. 

Wala nang naging laban si Nicole kundi sumulat ng maikling lette na may nakalagay na To: Michael sa harap nito. Lumakad kaming tatlo patungo sa room nila Michael saka inipit ang sulat sa nakasarang bintana upang hindi ito liparin. Madilim na ang room at wala nang tao ngayon dito kaya nakasara na ito pati sa kalapit nitomg room ay wala na ding tao. 

“Tara uwi na tayo gabi na din.” Saad ko sa kanilang dalawa. 

“Hindi last ikot na gaganti muna ako.” Pagpupumiglas ni Nicole halata kong nahihiya siya sa kaniyang ginawa kaya hinayaan ko na lang muna na ikutin niya ang bote at ito’y muling tumama sa akin. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon