Lumipas ang mga araw at gabi gabi kamig nag-uusap sa chat ni Jepoy madalas naming mapag-usapan ang preassure na nararanasan namin mula sa aming mga magulang. Dahil sa kanya ay mas naintindihan ko na hindi pala porket mataas na ang grades mo ay magiging okay na ang lahat. The more that you achieve something the more that thay expect something to you, something higher, something tha cause more preassure kaya dapat hindi ka sumuko. You should set higher goals for you but not for them.
Naghahanda na kami ngayon para sa pasko katatapos lang ng misa at nakahanda ang mga pagkain. Maya-maya lang ay kumain na kami andiyan palabok, hamon, roasted chicke, black forest cake, at iba mang mga handa sa aming lamesa. Ang mga alak ay pinapalamig na din sa ref. Hindi conservative ang parents ko sa edad kong fifteen years old ay hinayaan na nila akong uminom ng mga flavored beer sa tuwing may mga okasyon.
Pagkatapos kumain ay nakatanggap ako ng mahabang mensahe mula kay Jepoy.
Jepoy: Hi Adie malapit na ang alas dose kaya ngayon pa lang ay gusto na kitang batiin ng Merry Christmas. Sa totoo lang Grade eight pa lang ay kilala na kita sa mukha napanood kitang sumayaw nung laban at mula pa man noon ay lodi na talaga kita dahil sa galing mong sumayaw. Natutuwa ako at nakilala kita sa maikling panahon na tayo ay magkakilala ay nagpapasalamat na agad ako sa iyo. Hiling ko na sana ay makasama pa kita sa susunod pang pasko. Sana ay hindi ka mawala sa susunod pang taon.
Hindi ko alam kung ano ba ang tamang tugon sa kanyang mensahe. Hindi ko alam na noon pa lamang ay nakita na niya pala ako.
Adie: Merry Christmas din. Pero legit nung grade eight???
Jepoy: Oo napanood kita nun cosmos ka di ba? Tapos ikaw yung lumaban ng best dancer ang galing mo kaya ung ako ang papipiliin, walang halong pambobola, ikaw ang panalo para sa akin.
Buong gabi ay nag-usap lamang kami hanggang sa sumapit na pala ang madaling araw ay wala pa ding tigil ang aming kwentuhan.
Jepoy: May aaminin ako sa iyo wag kang magagalit sa akin ah.
Adie: Hala hekhekhek ano ba iyon?
Jepop: Adie kasi nalilito ako sa inyo ni pat. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang gusto ko sa inyong dalawa.
Bumagsak ang aking balikat dahil sa aking na basa. Masyado akong nawili sa ilang araw naming pag-uusap na akala ko ay may something talaga sa aming dalawa
Adie: Baka naman dahil andito ako kaya ako yung gusto mo o baka naman dahil wala siya kaya para bang hinahanap-hanap mo siya.
Jepoy: Hindi ko alam hindi kasi kami talaga nag-uusap ni pat eh
Adie: Baka kapag pareho na kami ng stand sa buhay mo ay mas matimbang mo ang halaga naming dalawa sa iyo. Mas maganda siguro kung wag muna tayong mag-usap. Umaasa akong ako ang unang makaalam ng desisyon mo ah.
Jepoy: Pangako ikaw ang unang sasabihan ko.
Nung gabi iyon ay pinilit ko na lamang matulog ng may mabigat na dala-dala sa aking puso. Ilang paglipat nan g posiyon ngunit hirap pa din akong matulog. Pinilit ko na lamang matulog ang aking sarili at inalis ko ang aking iniisip sa aking utak.
Cedrick Morandarte sent a message
Akala ko ay message iyon mula kay Jepoy ikinabigla ko na mula pala ito sa isang lalaking hindi ko kilala.
Cedrick: Hi Addison! Ang tagal na nating hindi nagkikita at nag-uusap. Merry Christmas! Kumusta ka naman?
Na bigla ako sa paraan ng kaniyang pakikipag-usap sa akin para bang kilalang kilala niya talaga ako samantalang ni hindi nga pamilyar sa akin ang kanyang pangalan at ni hindi ko maalala kung saan ko siya nakilala
BINABASA MO ANG
SAYAw sAYAW
Novela JuvenilAkala ko ako na. Akala ko may tayo na. Akala ko masaya na, ayaw mo naman pala. Hindi naman pala ako.