Chapter 4

14 0 0
                                    

Panibagong araw na naman at medyo mas  maaga ang pasok namin ni Adelene

“Maaga pa kain muna tayo, Adelene” yaya ko sa kanya. 

“Ay wait pala bibili muna ako ng lip tint” sagot naman niya. 

Habang pumili siya ay na engganyo rin akong tignan ang mga ito. Iba’t ibang shades ang nandito at iba’t ibang design din ng lagyanan. May pink, may red, may parang popsicle, may parang candy at iba pa.

“Magkano iyan?” kuryoso kong tanong sa kanya.

“Thirty five lang iyan ate” sagot ng naka babata kong kapatid 

“Kung dalawa ang bibilhin niyo ibibigay ko na lang sa inyo ng thirty pesos kada isa” singit naman nung ale na nagbebenta. 

Tinignan ako ng kapatid ko yung tingin na mapapabili ka talaga daig niya pa yung tindera kaya napasabi ako ng...

“Sige” 

“Yung lightest shade sa iyo ate, bagay sa iyo yun kasi maputi ka naman” 

Di pa din kami umalis dun dahil tinitignan niya pa yung usong usong sun flower na pang tali. 

“Baka wala ka ng baon. May pera ka pa ba?” tanong ko sa kanya. At dinapuan niya na naman ako ng nakaka hypnothise na ngiti na kapag tinitigan mo ay butas ang wallet mo 

“Sige bili ka dalawa pero yungg pink akin, ang sakit sa mata niyang dilaw” 

“Salamaaaaaaaaaaaat” malapad ang ngiti niyang bati. 

Pagkatapos ay dumiretso ako sa room para ibaba ang gamit ko at dumiretso ako sa TLE department dahil andoon na din ang iilang kong mga kaklase na kapwa ko naglilinis para sa extrang grades

“Uyy  alam mo ba ang talino pala ni Jeffrey nag post yung papa niya ata iyon, yung card niya grabe walang line of eight tapos yung grade niya sa math ninety nine, halimaw! ” ang aga aga ay ito agad ang bungad sa akin ni Jazlyn. Mukhang may gusto rin siya ka Jeffrey ah. 

Kasalukuyan kaming naglilinis sa TLE department ngayon tuwing umaga na naming itong ginagawa para sa extra grades. 

“Talaga? Siya yata ang lumalaban sa math contest ng school natin eh” singit naman ni Richalle. 

Lalo tuloy akong nagiging interesado sa kanya. Matalino, talented, tindig pa lang nakaka inlove na. 

“Uyy ito oh may load ako nakita ko yung grades niya”  pagpapakita ni Richalle. 

“Science ninety eight, english ninety two, filipino ninety four, araling panlipunan ninety five, edukasyon sa pagpapakayao ninety six, MAPEH ninety seven research ninety three, at math ninety nine” kinikilig kilig pang banggit ni Jazlyn sa grades ni Jeffrey.

Ang talino naman niya kaya siguro nagkagusto rin sa kanya si Jazlyn. Marami siguro ang nagkakagusto sa kanya parang nasa kanya na kasi ang lahat. You know that talent, and academic performance that usually some of girls fantasize.

Hanggang sa pagsimula ng klase naming ay usap usapan ang grades ni Jeffrey sa classroom namin. Most of my classmate are talking about it at ngayon pati si Ma’am Grace na aming math teacher na math teacher din nila ay iniitriga din nila dahil sa grades ni Jeffrey. 

“Ma’am yun po ba ang pinkamataas na grades na naibigay niyo?”

“Eh ma’am paano po yun bali sa lahat ng pinagawa niyo isa lang yung mali niya?”

“Ma’am tao pa po ba yun?

“Ay edi ma’am may mga ilang mali po siya kasi di ba po kasali sis a MTAP”

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon