Chapter 12

1 0 0
                                    

Kinabukasan wala pa ako sa ulirat ay bumungad na agad sa akin ang  na message galing kay Cedrick na nagpayanig sa aking umaga. 

Cedrick: Ate Addison si Darvin po ulit ito. Kahapon po ay hindi po nakapagreply si kuya Ced dahil po inatake siya ngayon po ay kasalukuyan siyang ginagamot at malubha na daw po ang kaniyang lagay niya nagbilin po siya sa akin mag message sa iyo, 

Cedrick: Ate hindi na po kinaya ni kuya wala na po siya kanina lang po siya bumitaw*crying emoji*

Para bang may isang mabigat na bagay na bumagsak sa aking puso na naging dahilan upang bumigat ang aking nararamdaman. Naluluha ako ngunit wala naman na akong magagawa. 

Addison: Condolence, Sobrang unexpected nito, hindi ako makapaniwala. Kausap ko lang siya kanina eh. Nakakapanghinayang 

Hindi ko alam ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya.  Kung mabigat ang nararamdaman ko ay tiyak na mas mabigat ang nararamdaman niya.Dapat ay naniwala ako sa kanya, dapat hindi ako nagduda dahil totoo naman pala ang sinasabi niya, at ngayong wala na siya wala na akong magagawa. Lumipas ang ilang minute bago siya muling magreply. 

Cedrick: Ate ayos na po si kuya, buhay na po siya. 

Na buo ng pagkalito ang aking isipan wala pang sampong minute ang nakaliipas, na puno ng maraming katanungan ang aking isipan. Wala ba silang ibang pamilya at ako ng ako ang binibigyan niya ng update? Gaano ba ako kahalaga para ako ang inuuna nila para sa mga balitang ganito?  Higit sa lahat. Paano nangyari ito? Totoo ba ito? Ang hininga ng tao ay pwede lang mawala sa loob ng tatlong minute paglipas nito ay ikamamatay niya ito. Hindi pa a siya narerevive nung sinabi niya sa akin yun? Hindi ako makapaniwala. 

Hinayaan ko na lamamg ang araw ko na magpatuloy dahi kung pipilitin koi tong isipin ay mababaliw lamang ako. 

Makalipas pa ang ilang araw ay departmental tes na naming maaga akong nagisng upang mas mag review pa nakagawian ko na kasing gumising ng madaling araw para mag review sa mga magiging test ko sa araw na iyon. 

Maaga rin akong pumasok nang araw na iyon sa unang araw kasi ng departmental test which isa ngayon ay pang umaga kami bukas naman second day ay panghapon. Ang Si Adelene ay pang hapon ngayon at pang umaga naman bukas kaya si mama ay hindi na gumising dahil hindi naman ako asikasuhin masyado sa school na din ako mag-aalmusal siguro. 

Pagpasok ko sa school ay dumaan muna ako sa canteen upang bumili ng dalawang milo. Dumaan din ako ng coop upang makabili ng mga papel at ballpen na din naubusan na kasi ako kahapon. 

Pagpasok ko sa classroom ay sinilip ko ang aking cellphone. 

Cedrick Morandarte sent a message

Cedrick: Prinsesa ko magandang umaga! Good luck sa departmental test niyo ngayon ah! Alam kong kayang kaya mo iyan. Wag kang ma pressure at isipin mo lamang ang mga inaral mo kagabi. Wag kang kabahan alam kong kaya mo iyan. For sure magiging mataas ang scores mo kasi nag-aral ka ng mabuti kagabi. Good luck Prinsesa ko! 

Addison: Good morning

Yun na lamang ang sinabi ko sa kanya at pintay ko na ang telepono ko. Makalipas ang ilang minute ay pumasok na si Ma’am Grace para ibigay ang departmenta test namin. Napakagandang bungad naman nito sa umaga ko. 

“Kayo diyan na nasa may bintana labas na kayo” Saad ni ma’am na naging dahilan upang lahat kami na nasa gilid ay magtungo sa labas. Ang mga tao na na sa harapan ay dumiresto hanggang sa makarating sa dulo upang magbigay pwesto sa aming mga nasalikod na ngayon ay na punta sa harapan at ako ang nasa pinaka. Mas lalo kong ikinagulat nang maglagay si Ma’am ng upuan sa harap ko at dun sa harap ko umupo. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon