Chapter 15

1 0 0
                                    

Pakiramdam ko para sa akin ang kanta na iyon. Noon hindi ko gaanog iniisip ang sasabihin ng iba tungkol sa suot ko, itsura, o hubok ko, nang dahil sa kaniya nagsusuklay na ako, naglalagay ng liptint, at pulbo. Pakiramdam ko ay malaki ang nagbago sa akin dahil sa pagdating niya sa buhay ko, mas naging pursigido din ako sa pag-aaral, at mas pinilit na ibigay ang best ko. Pakiramdam ko iyon ang magiging takbo ng aming love story na darating ang panahon na ako pipiliin niya, aamin siya sa akin, pursigidong manliligaw, and we will end up happily. Well I just hope that soon it will. 

Natapos silang sumayaw at may iilan ding sumunod sa kanila dahil hinayaan ng host na magpakitang gilas ang iilang mga studyante. Kaya iilang mga studyante ay nagpakita ng kani-kanilang performance kahit ang karamihan ay mahahalata mo nawalang ensayo at hindi hand. Ang iba ay nakakatawa ang kalokohang ginawa samantalang ang iba naman ay nakakamangha ang talentong ipinakita. 

“Uuy Addison sayaw ka din.” Sambit ng President naming. 

“Hala ayoko kahiya. Di naman ako prepared.” Sagot ko sa kaniya

“Kaya mo iyan para naman may ganap iyong section natin. Tunganga lang tayo dito oh.” Na kita ko nga na ang aming mga kaklase ay halatang bored ang iba ay tulog, ang iba ay nakatutok sa kaniya-kaniyang cellphone, at ang iba ang naguusap na lamang. Napa isip din ako sa sinabi ni Miguel dahil hindi naman kami sanay na walang participation sa mga events ng school at talaga namang nakakaboring ang event na ito

“Anong pangalan mo?” Tanong sa akin ng Host. At oo namalayan ko na lamang na andito na ako sa harap at kasama na ang host. Nakakahiya man siguron ay ayos na din dahil kita ko ang mga classmates ko na mukhang na buhayan.

“B-bea po.” Kinakabahan kong sagot. 

“Anong grade at section?” 

“G-grade nine po, b-bayabas.” Muli kong sagot. 

Nang magsimula na ang kanta ay wala na akong na gawa kundi ay sumayaw. Sa sobrang kaba ko at pagkahiya ay basta ko na lamang sinabayan ang beat ng tugtog na aking na pili alam ko ang sayaw na ito pero tila ba na wala ang mga steps sa utak ko lalo na at nakikita ko si Jepoy na nakatingin sa akin ngayon. Gayon pa man ay dinig ko ang hiyaw at palakpak mula sa audience na lalong nagpapadagdag sa aking kapal ng mukha ngayong nasa harap ako ng maraming tao. Habang sumasayaw ay hindi mawala ang tingin ko sa kaniya lalo na at nakikita ko siyang mariing nakatingin sa akin ngayon.

Matapos ang nakakahiyang sayaw ko na iyon ay nasundan ako ng isa ko pang kaklase na nais naman dawn a kumanta. Ganito kami sa bayabas bawat event ay hindi kami papaya na wala kaming ganap isa pa ay napakaboring naman talaga ng gabi na ito. 

“What’s up moa arenaaaa!” Malakas na sigaw ng kaklase kong si James habang nasa harap at hawak ang kamay. Mas lalo kaming na buhayan nagtayuan kaming lahat wala ni isa sa mga classmates ko ang natuugol ang lahat ay gising na at buhay na buhay ang diwa. 

“Ako’y na sa malate alasyete ng gabi nakilala ko doon ang magandang babae na nakabibighani sa aking mga mata…” Kaming lahat ay tumayo at naki indak sa kanya pati ang ibang mga section ay nakisabay na din sa amin. Ang  lahat ay humahagalpak sa tawa dahil sa ginawa niyang pagkanta. Ang ibang lyrcis niya ay mali, wala siya sa tono, at wala din sa beat pero ang lahat ay na tuwa sa kababalaghang kaniyang ginawa. We replaced this boring night to a remarkable one. 

Two days after that ay lunes na naman panibagong araw na naman ng pagpasok ko sa south high school usap-usapan pa din ang ga kababalaghang ginawa naming nung astro camp kahit kami ni Jepoy ay yun ang topic buong weekend. He said  that I slept so soundly that even there’s a person talking and noise going in hindi pa din ako gising. He also told me that boredom is seen on my face because I am reading there for a couple of times. Sinabi niya pa sa akin na baka daw sa kaniya lang nakatuktok ang camera ko nung vinideo ko siya, I honestly found him so proud because of that. He reminded me not to post the video that I capture so I assured him that I won and that the video will only be seen by me. 

SAYAw sAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon