Prologue #jttwbs
"Wala kang manliligaw kahit isa, 'no?"
Malakas ang jamming ng nakakumpol kong mga kaklase, sinusulit ang oras habang wala pa ang adviser namin. Makabasag lalamunan at tainga ang kinakanta nila.
But their loudness wasn't enough to defeat my seatmate's voice. Sana pala mas nilakasan pa nila hangga't mamaos. I prefer damaged ears than damaged self-esteem.
My throat ran dry and I was lost for words. Inaninag ko na lamang siya sa gilid ng aking mga mata.
He shrugged. "Pansin ko lang. Ever since I transferred here yata nung first year, lagi na tayong classmates. Parang wala manlang nanligaw sa'yo kahit isa?"
Napaluwag ang kapit ko sa ballpen kaya napahinto akong mag-doodle sa likuran ng aking notebook. Nakuyumos ko sa isang kamay na nasa kandungan ang nakatuping panyo ko.
I stared at my indistinct doodles. They were awful. Katulad ng pakiramdam ko ngayon dahil sa itinanong ni Luis.
I looked at him, who was frankly staring at my entire face. Hindi man lang siya natinag dahilan ng ilang ko. I hope that some people will learn how to stop staring when the other person is already showing clear signs of uneasiness.
"Si Camara kasi... ang daming may gusto. She doesn't run out of suitors!" Luis continued. "Si Hadya, kaibigan mo rin 'yon, diba?"
Binasa ko ang ibabang labi ko. I only nodded timidly. I hate how he was making me feel that suitors are required, and how he was slapping it in my face that I had none. Oo na, ilang taon na kami sa high school at wala ni isang nagtangka.
Gusto ko talagang manahimik na siya kaso hindi ko naman masabi...
"Pila rin mga lalaki sa kanya, e. Dami rin. Sa inyong magkakaibigan, ikaw lang ang hindi ligawin 'no? Wala ni isa?"
Nagsimula nang kumipot ang pakiramdam sa dibdib ko.
"Bakit ba, Luis?" singit ni Pio na nagpapaikot ng panyo niya sa kamay. Siya ang seatmate ko sa kabila. "Liligawan mo ba si Eri? Ikaw, ah."
I wasn't watching Luis but I knew that he jolted. Nausog kasi ang upuan niya at narinig ko ring umirit ang mga paa nito sa makintab na sahig ng room.
"Gago, hindi."
Kinagat ko ang mga loobang pisngi ko. His disgust were like claws that scratched in my constricting chest. Hindi naman sa gusto kong umakyat siya ng ligaw sa akin. Nainsulto lang ako ng natamong reaksiyon.
"Ew! Kadiri ka, Pio," singit ko na may kasamang ngiwi. Para naman hindi mukhang si Luis lang ang nandiri!
"Aba, hanep, choosy ka pa!" bulalas ni Luis.
"Why? Maganda naman si Eri, ah?" nakangising diin ni Pio na tila may ibang kahulugan.
"H-Ha?" si Luis na nagpigil ng tawa.
I thought that they talked mutely because I didn't hear anything next but they both burst into chuckles. Naninikip ang dibdib ko na gusto ko na lang maglaho bigla.
"Eri! Nasa 'yo na folder mo? Pantakip later sa test papers?" Napalingon kami sa kaibigan kong lumapit, dahilan kung bakit natameme ang mga katabi ko sa upuan. Starstruck.
Maganda si Camara kung sa maganda. Hindi na ako magtataka kung crush nilang dalawa. O ng karamihan sa buong eskwelahan. Hindi naman na talaga bago iyon simula noon.
"Hi! Dito ba kayo magre-review ni Eri? Upuan?" alok agad ni Luis.
"Oh..." si Camara. "Thanks, Luis."
BINABASA MO ANG
Just the Ticket
Romance(Whisky Bottle Series # 1) Mostly because of her upbringing, Erisette Veraño grew up painfully empty on the aspect of self-esteem. Even most of the people around her just added up to the weighty pile on her fragile shoulders constantly bringing her...