Chapter 37 #jttwbs
"O? Napagalitan ka na naman ni Chief?"
It's as if I was afloat in the air while walking abreast Fern. Natulala ako sa sinabi niya kanina. Halos wala ako sa sariling sumunod nang iginiya niya na kaming maglakad.
Ngayong naayos ko na ulit ang sarili ko, hindi ko naman siya makausap. His cellphone rang for a call and I couldn't just barge in his conversation with someone.
"Oo. Kamote talaga nito. Tapos si ano—alam mo na—naririndi na talaga 'ko kakamura sa'kin. Hinayupak na 'to."
Hindi naman naka-set ng loud speaker ang cellphone ng lalaki ngunit naririnig ko talaga ang boses ng katawagan niya. It was a voice of a man fueled with exasperation.
"Chill ka lang. Marinig ka," si Fern, natatawa.
"Mas mayabang pa sa mga opisyal ang hinayupak. Ikaw, 'di mo ba miss ang dagat at kubyerta? Kailan ka sasampa ulit?"
Fern slowed his pace until he stopped which affected mine, too. Tiningala ko siya na nasa malayong harapan namin nakatingin.
"Supposedly next, next month. Pero ngayon, depende na..." Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami. "Depende pa."
I felt something flicker in the pit of my stomach. Pinilig ko ang ulo at iniwas na lang ang mga mata.
I was already familiar with the alley, so I went ahead of him. Malinaw pa rin ang boses niya sa bawat paglayo ko dahil sumunod din naman sa akin.
"Ano, bakit? Ayaw ka na pakawalan ng girlfriend mo? 'Yung Rikit? O iba pa... Sino ba sa mga babae mo?"
Minura ni Fern ang humagalpak na kausap bago sinagot ang mga tanong nito. "Break na kami ni Rikit."
There it is again! So, tama nga ang narinig ko at hindi guni-guni lang? Pero... bakit?
"O? Sayang! Ganda no'n!" the man's voice went loud as if Fern lost a lottery. "Pero wala naman na pala, e! Sampa na! Tulungan mo 'ko ihulog sa gitna ng dagat 'tong si ano..."
"Siraulo," Fern uttered with heavy disapproval.
"Pa'no kung may balak din sila? Unahan nang kumilos, aba! Bago tayo ang iligpit nila!"
"Siraulo. Pinag-iisip mo."
Humalakhak nang todo ang lalaki.
"Sampa na kasi! Masyado ka nang chill porke't abot-kamay na ang pag-angat ng ranggo! Diretso opisyal ka na sana nang taasan mo 'tong mayabang na 'to! Promoted ka na nang 'di lalagpas tatlong taon, 'no?"
Fern chuckled. "Sana..."
"Hinayupak na 'to. Bilis na. 'Di mo ba kami miss?"
"S-S'yempre... Mi—i—i—ss nam—an... Tut. Tut. Tut."
Shocked and offended, I snapped my head to Fern beside me. Ngumising aso lang naman siya at ibinulsa ang cellphone.
"Tagal kasi ibaba. Sayang oras ko kasama ka," he explained, coolly pocketing his hand in front of his jeans as we walked.
One more flicker occurred in the pit of my stomach. Inignora ko ito at ibinaling na lang ulit sa daanan ang mukha. Pero naalala ko agad iyong narinig ko sa usapan nila kanina.
"Mapo-promote ka na?" I raised the topic, not glancing at him.
"I don't know," he replied, but a hint of hope was evident. "Paborito kasi ako ni Kapitan kaya siguro 'yon ang tingin nila. 'Di nila alam, magaling lang naman ako sumipsip."
He laughed a little to himself and I couldn't join him on that. Napangiti lang ako. Iyong klase na tipid at kalmado pero totoong-totoo.
"Wow. You will be a successful seafarer soon." Umismid ako sa sarili. "That is kung hindi ka pa successful niyan..."
BINABASA MO ANG
Just the Ticket
Romance(Whisky Bottle Series # 1) Mostly because of her upbringing, Erisette Veraño grew up painfully empty on the aspect of self-esteem. Even most of the people around her just added up to the weighty pile on her fragile shoulders constantly bringing her...
