Chapter 30

11.2K 533 459
                                    

Chapter 30 #jttwbs

content warning : mention of rape and abortion

An unpleasant sensation surged in my chest together with the sinking of my heart for unknown reason. Hindi ko talaga alam ano ang isasagot doon. 

"Velicaria, tawag daw tayo saglit!" 

I panicked hearing that another voice for that would mean ending the line. Ayoko pa. Pero wala na akong nagawa kasi pinutol na nga ni Fern ang linya nang hindi man lang nagpaalam. 

My eyes drifted to Caelan who was keenly watching me. Nanatiling nakadikit sa tapat ng tainga ko ang cellphone nang nakipagtitigan. He knowingly returned my stare and it ignited troubled feelings in me.

"Kami pa, Caelan," I said in the weakest shade of conviction. "Kami pa," ulit ko, mas tinapangan ang boses.

Matipid lang siyang ngumiti. "An' sabi niya ba?"

Napalunok ako at saka lang inabot sa kanya ang cellphone. "H'wag daw ngayon at pagod siya."

He inhaled slowly. "May nasabi yata si Tito Luigi sa kanya kaya problemado rin. Sana maintindihan mo." 

Napakunot ang noo ko. 

The last time that Fern and Mr. Estancia were together... it was before he left and they were in good terms. So, this conflict must've happened during the days that I didn't actively talk to him? 

Kaya hindi ko alam ang tungkol doon?

"Saka..." Caelan drew my attention again. "May damdamin din 'yung tropa natin, Eri." Malungkot siyang ngumiti. "Hindi siya bato. Nasasaktan din. May damdamin siya... tulad ko, tulad mo. Sana hindi mo nakakalimutan 'yon."

"A... Alam ko naman," I answered breathlessly.

He just gave me a single nod. "Uuwi ka na? Hatid na kita. Malalagot ako kay Fern kung hindi..." Mahina siyang natawa.

"Hindi na."

"I insist. Anong oras na rin. Kukuha lang ako ng jacket—"

"I'm serious, Caelan. H'wag na. I went here alone, so I can go home alone. Kung magalit siya sa 'yo, sabihin mo na ako ang nagpumilit," tuloy-tuloy kong sinabi na halos hingalin ako.

My heart dropped in the abysmal anxiety for a reason I was yet to figure out. Parang ang daming tumakbo bigla sa isipan ko at sa dami nila, hindi ko na matukoy kahit isa lang sa lahat.

Caelan's lips remained ajar, stunned by my eagerness to go home solo. Our eyes locked for a jiffy before I turned around and exited their yard, closing the rusty gate behind me. 

Kung gaano kabilis ang paglabas ko, ganoon naman bumagal ang lakad ko sa eskinita nila. Pinili kong sa kabilang dulo lumabas upang madaanan saglit ang bahay nina Fern.

Napahinto nga lang ako at napaangat ng tingin nang makarinig ng masayang usapan. I recognized Ingrid reclining against the contemporary glass railing of their capacious terrace.

And the one she was happily spending this late night with... Ang Mommy ko.  

Maayos naman akong nakauwi ng gabing iyon. Pero iyong estado ng isipan ko, ginugulo naman ngayon ng totoong relasyon ni Mommy at Ingrid. 

I realized, I've been thinking too much all my life. I realized, minsan mas maigi rin na hindi gumagana ang utak lalo kung ganito naman.

Rest if I must, I realized. Pero minsan kasi... ang mga napagtatanto, mahirap din isabuhay talaga. 

Dahil din sa bago kong iniisip, hindi ko napaglaanan ng oras ang tawagan muli si Fern mula noong nakitawag ako kay Caelan. He didn't reach out to me too. And two days had occurred since then.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon