Chapter 24 #jttwbs
Maybe it's because of my curiosity about having a boyfriend, mostly fueled by Camara and her relationship escapades where I had always been in the front row as a witness.
Maybe it's because I wanted to savor the luxury of a guy directing that kind of feeling I never thought I would receive for the first time.
Or maybe it's because I realized and admitted deep within me that I wanted Fern Velicaria in my life just like the way he wanted me in his... as how he impose it.
"Veraño! Bawal lumabas!" harang sa akin ng lalaking kaklase na ginawa yata nilang look out.
I mentally grimaced. Sumilip ako sa bintana at hindi ko na nakita kahit ang anino ni Fern sa abot-tanaw kong pasilyo. Binalingan ko ulit ang kaklase.
"Tawag daw ako sa faculty..."
His eyes turned into slits that made me want to divert my eyes. Kaso ayoko namang mahuli na nagsisinungaling ako kaya hindi ko ginawa.
"Thanks..." sabi ko nang pagbuksan niya na ako ng pinto. Pero may duda pa rin sa klase ng tingin niya sa akin.
Mabilis akong lumingon nang makatapak palabas ng classroom. I was able to catch Fern's back physique on the far corner of the hallway and I didn't think twice in killing our distance by running as fast as I could.
"Fern!"
His long legs didn't stop that made me waver a bit. Nagtaka ako pero itinuloy ko ang humabol. Hindi niya lang siguro ako narinig? Sabi ni Rara, soft-spoken daw ako.
"Fern!" tawag ko ulit nang medyo nakahahabol na.
This time around, I was certain that there's something odd when my loudened voice didn't manage to even put him on pause. Nanliliit ang mga matang mas binilisan ko.
Hmm... Kilala ko na 'to... Hilig niya talaga sa mga ganitong eksena, huh... Matampuhin!
"Fern!" I called and gripped on his forearm.
Ni hindi ko kinailangan magbigay ng lakas upang mapaharap siya sa akin. He did that on his own without much help from my grip and pull which surprised me a bit but I brushed aside.
Huminga siya nang malalim na parang ganoon kabigat ang dinadala sa dibdib. Nakalagpas na kami sa lilim ng building kaya naman nasisinagan ng kaunting init. I wanted to point that out but Fern seemed to be engrossed in his internal thoughts and feelings.
"Fern, I'm so—"
"Ikaw..." he cut me off breathily, "at 'yung... partner mo nung pageant..."
"His name is Kiel." Napansin ko kasing iyon lang lagi ang tinatawag ni Fern kapag tinutukoy si Kiel.
"Inaasar ba kayong dalawa ng mga kaklase n'yo sa isa't isa?" he asked without the slightest care about the name.
Muntik na akong makahakbang paatras sa gulat. I understood what he meant. It's just that I doubted if I understood clearly. Ba't niya naman natanong 'yon?
He exhaled a puff of air maybe upon seeing my confusion. "Nakahugis puso ang mga kamay nung nasa likod n'yo sa picture," he supplied and looked away.
Si Pres? Napaisip ako sa sinabi ni Fern habang hinihintay siyang balingan ulit ako. Hindi naman kami inaasar sa isa't isa... Oo, may loveteams sa block. Pero hindi kami kabilang ni Kiel!
"Hindi naman kami inaasar ni Kiel. Baka pose lang ni Pres 'yon sa picture, Fern," paliwanag ko nang magtama na ulit ang mga mata namin.
Bumuntong hininga siya at umiiwas ulit ng tingin nang tumango. Magkasalubong rin ang mga kilay nito. It's as if no explanation was sufficient for him to believe that.
BINABASA MO ANG
Just the Ticket
Romance(Whisky Bottle Series # 1) Mostly because of her upbringing, Erisette Veraño grew up painfully empty on the aspect of self-esteem. Even most of the people around her just added up to the weighty pile on her fragile shoulders constantly bringing her...