Chapter 9

12.4K 573 333
                                    

Chapter 9 #jttwbs

It wasn't a surprise that I got a grade of 94 over 100 when our MAPEH activities were distributed after a few days.

Malaki ang tiwala ko sa gawa ni Fern ngunit hindi lamang iyon ang basehan ng score. Malaki rin ang tiwala ko na ang kinulang na 6 points ay dahil sa naging presentation ko.

Pero abot langit ang tuwa ko at iniwan iyon sa sala kahapon.

I know it's wrong to steal the credit from someone else. But I just wanted my parents to think that I can get a grade that high. Parang nakatatak kasi sa kanila na ang baba ko lagi. Kahit na... iyon nga naman talaga ang totoo.

I went downstairs right after waking up because I was excited to find out if they indeed saw it.

"—ko 'yung papel sa sala."

"Kuwento nga ng anak mo sa akin kahapon, tungkol 'yun sa pagkakagusto niyang maging ano... flight attendant daw."

Awtomatiko akong tumigil nang marinig ang boses ni Mommy at Mamala. I held on the banister and stayed on the staircase as I decided to eavesdrop on their early conversation.

Napangiti ako. Nakita na nga!

"Nakita mo rin ba 'yung pagkakaguhit? Ang galing, 'no? Hindi ka ba proud sa anak mo?" magiliw na sabi ni Mamala. I knew she was fishing for compliments from my mother's mouth.

I heard Mommy click her tongue. "Flight attendant, Manang? Pagsabihan n'yo muna ang alaga ninyo na alagaan ang mukha. She's not even that tall."

"Ano? Grabe ka naman, Erenea..."

"What, Manang? It's true. Sa tingin ba ninyo, papasa 'yon si Erisette sa mga screening?"

"High school lang siya. Anong malay mo, hindi na tigyawatin ang anak mo pagdating ng panahon saka... tataas pa 'yon."

I heard Mommy breathe deeply. "Saka niya na siguraduhin na 'yun ang gusto niya kung maganda na siya sa mata... Baka hindi ganahan sa kaniya ang flight passengers o kahit nga ang mga airlines."

"Bakit puro naman sa panlabas ang mga sinasabi mo, Erenea?" Mamala responded with a sharp tone this time.

"Bakit ho, Manang? Kahit naman hindi sa panlabas..." she cleared her throat, "walang masasabing maganda, hindi ho ba."

Kasi walang utak. Bobo sa eskwela. Kahit sa talento, namumulubi rin.

"Susmaryosep, ano ka ba? Ano ba naman 'yang mga iniisip mo sa anak mo?"

"Nagsasabi lang ho ng totoo. She dreams to be a part of the cabin crews. Malaki ang parte ng physical appearance sa ganoon, Manang, aba... Saka unang-una, makaka-graduate ba 'yan? Hindi nga nag-aayos sa pag-aaral..."

Humigpit ang kapit ko sa barandilya nang dumaplis ang mga mata ni Mommy sa akin. Tumulin ang kabog sa dibdib ko kahit ang sikip-sikip na rito.

"Akyat na muna ho ako. Baka ma-late ako sa trabaho," ani Mommy at dire-diretso tungo sa hagdanan kung nasaan ako.

Napasapo sa noo si Mamala nang mamataan din ako. But my eyes were fixed on the woman who brought me into this world.

Napatuwid ako ng tayo nang magkatapat kami sa hagdanan. "M-M—" I coughed to condition my throat because no voice came out. There was a bile in it. "Mommy..." I called as my tears uncontrollably flowed.

Patuloy lang si Mommy sa pag-akyat habang tumuloy rin ang paglandas ng mga namuong luha ko. My view turned blurry but I clearly saw no traces of sympathy in her face before she disappeared from my sight.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon