Chapter 7

13K 557 196
                                    

Chapter 7 #jttwbs

Napalingon ako sa sumabog na ingay ng malaking kumpol sa loob. Maging si Luis ay walang salitang iniwan ako upang bumalik at makisali roon.

I completely turned my body around and leaned my back against the balustrade this time. Pinanood ko sila sa loob. Sinarado ni Luis ang sliding door nang pumasok siya kaya hindi ko na gaano rinig ang kaguluhan nila.

"I heard him."

I transferred my gaze to Camara beside me. Kung ako ay nakasandal na, siya naman ay nakahilig pa rin sa balustrada. Nakatingala siya sa buwan na tinititigan ko rin kanina. Nang lingunin ko si Jiro sa kabilang tabi, abala ito sa cellphone.

"Sorry kung wala akong ginawa. I was... waiting for you to speak up for yourself," dagdag ni Camara, nakatingala pa rin sa madilim nang langit kung hindi lang talaga dahil sa kaunting liwanag ng buwan.

"Sorry rin na nadismaya kita."

Pinilig ni Camara ang ulo. "Honestly, yes. But I'm not blaming you so don't feel bad about it. 'Yang bwisit na Luis Tribales na 'yan ang umiirita sa'kin."

She snorted in annoyance before she reclined on the balustrade too. Nakalitaw talaga ang taglay niyang natural na ganda kahit dis oras na ng gabi at wala namang retouch. Paniguradong nainggit ang marami kay Jiro buong gabi.

"Pero, Ra..." I shot her a soft glance. "I'm grateful for you, you know that. Pero ayaw kong maramdaman mo na responsibility mo ang lagi akong ipagtanggol."

Napamaang siya sa sinabi ko. She then blinked her eyes in attempt to take it in and she slowly nodded after a while. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit.

"Hey, you know I love you and that I'm always here, right?"

My lips curled into a genial smile. I nodded and tightened my arms around her too. Alam ko 'yon... at ramdam na ramdam ko.

Siyempre gusto ko ng maraming kaibigan. Gusto ko iyong nakasusundo ang maraming tao. Who wouldn't want that, right? Pero kung imposible talaga, kahit si Camara na lang ang ibigay sa akin. I would still be the most content.

Kaya kung mangyaring bigla siyang mawala... God, I don't even want to entertain the thought. That should be marked as impossible.

"Ganoon din ako para sa'yo."

"OMG! So dramatic!" Pabiro niya akong sinabunutan habang humahagikhik.

Camara and I shared a light laughter but mine faded because of the fuss getting louder inside that it was hard to pay no heed. Kahit si Camara ay kuryosong napalingon sa loob.

May lumabas na bulto mula sa nabuong kumpol. Natatawa at naiiling si Fern na medyo ginulo ang magulo nang buhok. Patungo siya sa mababang podium habang nagbubunyi ang lahat na chini-cheer naman siya.

I didn't expect his presence here tonight because I didn't see any traces of him earlier at school. Or was I just too engrossed in bowing my head to avoid stares from everyone?

Sumipsip ako sa aking coke habang nakamasid kay Fern na kagat ang ibabang labing nakatayo sa gitna. A few neon hues illuminated by the small strobe lights on the floor colored his physique and his entire backdrop. It was a majestic sight.

"Uy, si Velicaria," sambit ni Camara sa mahina at manghang boses. "He's gonna... I wanna go inside. Pasok tayo?"

Hindi nagsalita si Jiro ngunit ibinulsa ang cellphone at tumayo nang tuwid, senyales na handa niyang samahan si Camara sa gusto nito. Meanwhile, I shook my head.

"You sure?"

"Dito lang ako," I talked to clarify more.

Humugot siya ng hininga bago maunawaing tumango.

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon