Chapter 19

11.7K 645 838
                                    

Chapter 19 #jttwbs

Hindi ko maaaring ipagdamot si Fern lalo na sa girlfriend niya dahil kaibigan lamang ako. Kung tutuusin, iyong girlfriend naman ang mas matimbang, 'di ba?

It just tasted sour on my tongue thinking that he'd have a girlfriend to stick with the whole time. Having his attention divided didn't... sit well with my stupid irrational mind. Pero kanina 'yon! Nakapag-isip na ako nang matino!

I just convinced myself that I'd still exist even after this. Ayos na siguro na nasa girlfriend na ang buong atensiyon niya... Basta lang hindi niya ako malimutan. Na kaibigan niya pa rin ako.

"Advance happy anniversary sa inyo sa September 23 sa sunod na taon." I finally had something to say right when the Angelus ended.

Only then that Fern's gaze bore into me. Napawi ang ngiti ko nang mapagtantong masama ang tingin niya sa akin. What? May nasabi ba 'kong mali?

"'Yan ay kung aabot sila next year!"

Napatingin ako kay Marion dahil sa sinabi. He exaggeratedly dug his spoon to the block of his rice while laughing.

"Ang sama mo!" sita ni Camara ngunit nakatawa rin naman.

Pinilig ko ang ulo ko. I didn't like how Marion's idea enlivened me.

Kanina pa ang papangit ng pumapasok sa isip ko, ah? Kailangan ko na atang bumisita sa chapel at dasalan ang bawat beads ng rosary sa harapan ng rebulto ni Virgin Mary! Masaya ka sa makasasakit sa ibang tao? Umayos ka, Eri!

Palihim akong suminghap bago tumayo. "Bibili na ako ng pagkain. What's yours?" I asked Camara instead.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Kahit ano lang sa'kin! But you sure it's okay na ikaw na? I have to review rin kasi I have a quiz sa next subject ko."

"Oo naman, Rara." Umiling ako nang akma niyang kukunin ang kaniyang wallet. "No. I'll treat you." Her eyebrow lifted but she didn't argue anymore.

Nilingon ko naman si Fern. Muntik na akong masamid nang magtama agad ang mga mata namin. As if he didn't detach his gaze from earlier, though it's not a glare this time.

"Uh... Ikaw, Fern?"

He's drumming through his fingers on the table. Saglit pa siyang nanitig bago nagsalita. "Sama ako."

"Okay," sagot ko, kinabahan nang kaunti.

He nudged Marion on his arm before he pulled himself up from the seat. "Pahingi pa rin niyang luto ni Tita Marie, ah."

"Psh!" si Marion.

Fern and I left the table together for the meantime. Pagkadikit namin sa dulo ng maiksi lang namang pila, ipinagkrus ko ang mga braso at tumikhim.

"So... congrats ulit. Hmm. Pang-ilan mo na siyang girlfriend?" tanong ko. Para lang may mapag-usapan kami. It seems like he won't bother opening a topic.

He didn't reply instantly like he spent the first seconds to stare at me. Pakiramdam ko lang... Kasi diretso lang naman ang tingin ko kaya hindi ko masiguro.

"Pangatlo lang."

Tumango-tango ako. "Can you tell me about the first two?" I asked, sounding really invested.

"No'ng first year 'yung una. Eh, crush daw ako tapos gusto kong subukan magka-girlfriend kaya 'yon."

"Nandito sila sa school?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. He's famous in the campus. Kilala ko ang mga naging girlfriend niya kahit hindi ko naman inalam.

"Both of them already transferred. 'Yung sumunod, no'ng second year na. We were muse and escort. Inaasar kami ng klase kaya sinubukan namin. Didn't work."

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon