Chapter 13 #jttwbs
My heart kept on rattling inside my chest the whole time his name was flashing on my screen. Isang beses niya lang sinubukan ang tawag at chat na lang uli ang kasunod.
Fern Velicaria:
Galit ka ba? Na 18 minutes akong late reply?Nabasa ko agad ang bago niyang chat. He waited and I didn't mean for him to do that. Hindi ko lang talaga alam ang isasagot ko. I was under a mental block!
Fern Velicaria:
Sorry na uyI squeezed my eyes close. I opened it again while heaving a sigh to soothe my insides that had gone mad a while ago.
Iova Erisette Veraño:
Hala hindi ako galit!Iova Erisette Veraño:
Tumawag lang kasi si Rara.He didn't have to know that I intentionally just watched his incoming call until it ended. Hindi lang kasi ako sanay na may ibang makausap sa tawag bukod kay Camara at sa mga kaibigan namin. In addition, he's a male.
I am already sort of comfortable with Fern... Yes, but just to an extent. I guess, a phone call with him is not yet included in the package.
Fern Velicaria:
Ah hahaha. Sorry.Fern Velicaria:
Pero sa new year, aagahan ko. Mamalasin buong taon at susunod na taon maunang babati sakin. Bawal akong unahan.Iova Erisette Veraño:
Haha we'll seeLagot si Camara, I thought.
Pagkatapos ng maiksi lang namang chat namin ni Fern, nagpaalam siya dahil kailangan siya sa bahay nila upang kumilos.
In just a short span, I came to notice that he's too domestic and he does household chores. Siguro kasi siya ang panganay sa kanilang magkakapatid saka nanibago lang din ako na lalaki siyang ganoon... at hindi babae.
Hindi na rin iyon nasundan. We didn't talk after that... the next day... and the next.
"I'm gonna miss you, Mamala," I mumbled with my breaking voice. I was leaning on the door frame of her bedroom located on the ground floor of our house.
Mula sa inaayos niyang bag, tiningnan niya ako ng nakatawa. "Ano ka ba! Babalik din naman ako pagkatapos ng New Year, ah!"
Mas lalo lang akong napanguso sa lungkot. Gusto kong hilingin na makasama siya sa New Year. But that would be selfish of me. She can choose to celebrate in her hometown with her own kin.
Dito naman na siya noong Christmas, eh. If not for Mamala, I wouldn't feel the spirit of it. Maybe I should just hope for the best for New Year... even though I already had a hunch of its woeful outcome. For me.
Pinilit kong kunin ang nag-iisang bag na impake ni Mamala at sinamahan siya palabas ng bahay. I shoved it in the backseat of Daddy's awaiting vehicle. Hinintay kong makapasok si Mamala sa loob bago ako sumampa sa harapan.
"Mga anong oras na ho kayo makakarating sa Liminangcong niyan, Manang?" tanong ni Daddy habang kinakandado ko ang aking seatbelts.
"Depende, Ian... Hindi naman ako gagabihin."
"Kailan naman ang balik n'yo niyan dito?"
BINABASA MO ANG
Just the Ticket
Romance(Whisky Bottle Series # 1) Mostly because of her upbringing, Erisette Veraño grew up painfully empty on the aspect of self-esteem. Even most of the people around her just added up to the weighty pile on her fragile shoulders constantly bringing her...