Chapter 15

13.2K 651 574
                                    

Chapter 15 #jttwbs

Graduating from high school was the least thing to happen. It didn't feel like an achievement. That's how I felt.

Lalo na noong nasulyapan ko si Ashtine kasama sina Tita at Tito na ngiting-ngiti. Tita even went home from outside the country for this. Of course, the Valedictorian deserved that.

"Sa leeg mo pa..." mahinang saad ni Fern na pinanonood akong magpunas ng pawis.

I riveted my attention back to him. "Uhm..." Nailang pa ako dahil naisip na ang oily ko na siguro at hulas na ang makeup. "Iuuwi ko na lang muna 'to. I'll wash it first."

He shook his head smilingly. "Sa'yo na."

"But how about you?" tanong ko habang nakatingin sa may pawis niya ring noo.

Pero kung ikukumpara, mas pawis nga ako. Kasi naman wala masyadong tornado fan na nakararating sa may upuan ko! Sa dulo dahil Veraño at wala sa top 10! Si Fern din naman ngunit nasa kabilang hati ng upuan silang mga lalaki.

"May extra towel ako."

Tumango na lang ako at iniba na ang usapan. "May handaan kina Ashtine. Nasa'n ang mga kaibigan mo? Sasama ba kayo?"

"Kung sasama ka?" balik niya, nakataas ang isang kilay.

"Siyempre! Pinsan ko kaya ang maghahanda."

He nodded. "Okay, sabay na tayo?"

I nodded with a huge grin that eventually faded when a stressed Keno being followed by a woman nearing us caught my attention.

"Nasaan nga kasi ang mga barkada mo at kukuhanan ko lang naman kayo!"

Kakamot-kamot si Keno sa ulo nang nagawi ang tingin sa amin ni Fern. "Oh, ayan, Ma! Si Fern! 'Wag ka nang maglakas ng boses..."

Nawala ang pagkakasalubong ng kilay ng ginang nang sipatin ang kasama ko. Malaki ang naging ngiti nito. "Nariyan ka pala, Fern! Magtabi naman kayo nito ni Keno ko nang makuhanan ko kayo ng picture. Ayos lang ba 'yon?"

"Oo naman, Tita," Fern agreed with a grin.

"Saka ayan pa si Erisette..." dagdag ni Keno.

"Ay, ikaw rin? Oh, sige! Sina Marion, Keno? Dalian mo na nga at naghihintay ang tatay mo!" sermon ng ginang na akmang pipingutin na si Keno.

"Wait lang, Ma! Chill!"

"Kanina pa kasi pinahahanap ang mga barkada!"

Humahalakhak si Fern nang harapin ako. "Samahan mo muna si Tita. Samahan ko lang si Keno'ng hanapin sina Visa."

Nakakagat ako sa ibabang labi nang tumango. My heart raced in a panicky manner as I watched Fern and Keno detach themselves from us. Boring ako kasama, e!

Buti na lang, nagsalita ang nanay ni Keno. "Maupo lang ako rito at tingnan ko ang pictures dito sa digi cam, ha? Dami kong kuha sa anak ko kanina."

Mabilis ang naging pagtango ko. "Sige lang po."

Naupo siya sa isa sa mga natirang upuan na inililigpit na ng mga cadets. Binuksan niya ang camera at lumabas ang lente mula sa pagkakalubog. I considered that as her busy state so I dared not to strike a talk. Not that I had the face to do so.

I remained standing near her. I crossed my arms and looked for Fern and Keno in the vast ocean of people. Pero si Ashtine ang nakatagpo ng tingin ko. My arms loosened a bit when I realized that she was heading to me.

"Are you coming later? Sa bahay?" bungad niyang tanong. Her face was straight that I felt like nodding my head would disfavor her to the extremities.

"Ash... Oo, siyempre—"

Just the TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon