Chapter 1
"Class dismissed!" Sabi ni Ms. Cortes na s’yang last subject teacher na namin para sa araw na iyon.
Tuwing ganitong oras, ang saya-saya nila. Pero ako? Parang ayaw ko pang umuwi sa bahay namin. Ano na naman aabutan ko doon?
Makikinig na naman sa away nilang dalawa? Nakakafrustrate na.
"Karylle!!!!"
What the hell? Wala na bang itatahimik ang babaeng ito?
"What?" Walang emosyon kong sabi.
"Sabay na tayong umuwi. Di na rin tayo kasi madalas magkasama at sabay umuwi." Sabi pa niya.
"Kaya ko nang umuwi mag-isa, Lezie. No need to accompany me." sabi ko sa kaniya. "And hindi ba, may sundo ka?" Tanong ko pa.
Ngumuso pa siya. "Yup! Kaya nga sabay na tayo. Napansin ko kasi na, di ka na ihinahatid at sinusundo ng Daddy mo, e." sabi niya at may kung anong gumuhit na sakit sa aking puso pero hindi ko na lang iyon ipinakita sa kanya.
Ang alam ng lahat, we are a perfect family, pero behind those rumours at sa loob ng bahay namin, doon mo makikita ang tunay na estado ng buhay namin.
Si Daddy? Akala ko noon, he loves us so much, pero mali pala ako. Mas mahal niya ang pera at negosyo niya. And what’s worse? He has a mistress.
My Mom? Akala ng lahat ay wala siyang problema. She always give her sweetest smile to everyone. Ang hindi nila alam, as the day ends, when she’s alone, she’s silently crying. My Mom is suffering from so much pain.
Minsan hiniling ko na sana we could live a normal life, yung simple lang. At kahit wala kaming maraming pera basta masaya lang.
Ngumiti ako ng tipid kay Lezie. "I'm fine. He's busy. Anyway, I'll go ahead. May dadaanan pa kasi ako. Thanks for the invitation."
‘Yun lang at tinalikuran ko na siya. Kasabay ang pagtulo ng luha ko. What more?
******
Isinara ko agad ang gate when I heard na may kung anong nabasag, kasabay ang malakas na hiyaw ni Mommy. Mabilis akong tumakbo papasok. Hindi pwedeng ma-stress si Mommy. She’s sick. At kaming dalawa lang ang nakakaalam.
"What's going on?" I asked when I finally reached our house.
I saw Mom sitting on the floor and Dad was standing a few meters away from her. Nakita ko rin ang ilang basag na figurine at flower vase.
"It's nothing, Baby. Just go upstairs." My Mom said while wiping her tears.
Tumawa ako ng pagak.
"Nothing? So, this is just nothing? Paano pa kaya kung may something na talaga? I'm not a six year old girl na kapag sinabing wala ay okay na." Mariin kong sabi.
Hindi ko na maiwasan ang maluha. Ang sakit na naglilihim sila sa akin at tinatago ang pag-aaway nila. I saw sadness in my Mom's eye.
"D-do you really care for me?" Pumiyok kong sabi.
Lumapit sa akin si Mommy, she hugged me tight.
"B-baby, everything will be okay. Don't worry."
"Then, w-what’s the meaning of this mess?" matapang kong tanong.
"Makikipaghiwalay na ako sa Mommy mo, Karylle. I already filed an annulment. It's up to you kung kanino mo gustong sumama." Sabi ni Daddy na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi niya.
"Why Dad? Para magsama na kayo ng kerida mo? Don't you love us?" Mas lalo pa yatang lumabas ang mga luha ko.
So this is the end?
"Karylle! Our marriage isn't working! And my decision is final." ‘Yun lang ang sinabi niya at lumapit sa mga bagahe na malapit sa hagdan. Niyakap ko si Mommy ng mahigpit. Lalo na at narinig ko ang impit niyang iyak.
Tiningnan ko si Daddy, nakaramdam ako ng galit at poot. Parang wala lang kami ni Mommy sa kaniya. Ang almost 16 years of marriage ay itatapon niya lang ng basta-basta.
"Don't worry Karylle. I'll support your financial needs. I can still be your father." Aniya.
"I don't care if you wouldn’t support me financially. You can never be a father because of money. Nang magfile ka ng annulment niyo ni Mommy, parang sinabi niyo na rin na itinatakwil niyo na rin ako. I'm sorry to say po, but I will always choose Mom over you. No matter what happens. Once you step out of this house, you’re also stepping out of our lives. Kalimutan niyo na po na may naiwan kayong pamilya sa bahay na ito." Mahabang litanya ko. Mabuti at hindi ako pumiyok.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita, hinila ko na si Mommy paakyat.
I love my Mom so much. And I don't want to see her like this.
She's the only one na meron ako ngayon. I'll do everything para wala nang makasakit sa kaniya, especially my Dad.
****
Edited: September 12, 2015 (Saturday) 5:30 p.m
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Teen FictionLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.