Chapter 6

226 38 33
                                    

Chapter 6

"Good morning, Honey!" Bati sa akin ni Mommy.

"Good morning, Mom." Sabay halik sa pisngi niya.

Today is my first day of school. Hindi ko nga namalayan na nakapasa ako at lumipas ang isang buwan. Nung nag-enrol ako marami akong nalaman. Lahat ng major subject same course ang makakasama ko. Yung mga minor lang halo. Irreg student din kasi ako kaya nagkaganun. Buti nga maganda ang nakuha kong sched. Hindi masyadong maaga at hindi naman masyadong late. Pinaka maaga ko siguro ang 7:30 tuwing monday lang naman.

"Parang di ka naman excited sa unang araw mo ha? My summer syndrome ka pa ba?"

Umiling na lang ako. Kung ano-ano na naman sinasabi niya. "Mom, normal lang naman sakin ito. First day of school it's just nothing. Ordinary day lang po sya para sa akin."

"Hayyy, bata ka. Parang walang espesyal na araw sayo." Napailing siya sa habang sinasabi yun.
.
"Mom, lilipas rin naman ang bawat araw. Same routine lang naman ang gagawin ng lahat. Change topic na nga Mom. Nasaan na nga po pala si Tita Meg?" Pag-iiba ko ng usapan. At oo, dito pa rin kami nakatira kila Tita Meg. Ayaw na rin kasi nilang payagan kami na lumipat sa iba. Kaya eto dito pa rin kami. Nakakahiya na nga pero they always said na we are family na.

"Mamaya darating na rin sila. Hala, sige kumain ka na. Baka ma-late ka na."

Tumango na lang ako at nag-umpisang kumain.

***

Welcome to me. Ipinakita ko sa guard ang I.D ko. Binaybay ko na rin ang hallway papunta sa una kong klase. Magulo sa hallway lalo na at yung iba ata ay mukhang naliligaw. Napailing na lang ako buti na lang at tinuro na sa akin ni Kuya Isaac yung mga classroom.

I heard the bell rang. Nagkagulo na talaga. May nakakabunggo na nga sa akin e, kaso parang wala lang. Ako? Eto, mabagal pa ring maglakad hanggang sa narating ko na ang una kong klase. Sa may bandang likod ako dumaan. Buti at wala pang masyafong tao kaya napili kong umupo sa may likod.

"Good morning, class!" Bati sa amin ng prof namin. Dumami na rin ang mga estudyante. Nakatingin kasi ako sa may labas ng bintana kaya di ko napansin.

"Good morning, Ma'am!!" Masiglang bati nila.

"You may all take your seat. By the way, I'm Ms. Mariel Castro and I'm your Prof in Humanity foe the whole sem. Since, this is our first meet up. Introduce yourself first." Nakangiting sabi niya.

What the eff---? Ano kami elementary student? Kaya nakakatamad sa first day of school e.

Hinihintay ko ang term ko ng biglang bumukas ang pinto. May pumasok na limang lalaki. Tiningnan ko ang wristch watch ko. 20 mins na silang late.

"Guys, can you explain why are you late?" Tanong ni Ms. Castro.

"We're sorry Ma'am. Nagkamali po kami ng pasok sa ibang room e." Sabi nung isa na naka-blonde na buhok.  Palusot.com

Narinig ko namang nag-tsk yung ilan. Pasaway ang mga ito malamang.

"Okay, but next time don't be late. Find your sit. And wait your turn to introduce yourself."

Pinagmamasdan ko sila kung saan sila uupo. Only to find out na may limang bakante na lang ang natitira. At lahat yun ay sa side ko. Jusko naman! Ang daming makakatabi e yung mukhang mga gangster pa. Naupo na sila. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa unahan. Paki ko ba sa kanila. Ngayon ko lang naman siguro sila makakasama.

Nakita ko na malapit ng matapos yung nasa unahan namin at ako na ang susunod. Nang matapos na yung babae tumayo na ako sa upuan.

"Nice meeting you all. I'm Karylle Madriaga. Taking up Bachelor of Science in Fine Arts." Walang emosyon kong sabi. Umupo na rin ako.

Sa periphial view ko nakita kong siniko nung katabi niya yung katabi ko dahilan para magising ito. Nag-tsk pa ito.

"Nathaniel Cruz. Business Ad major in Management."

"Luke Sebastian. Business Ad major in Management."

"Migz Valerio. Same like them." Then he wink. What a flirt???

"Dave Lim. BA major in management." Siniko nito yung nasa dulo. Tahimik naman nun. Tumayo ito at nilagay sa bulsa niya ang kamay niya. Angas nito ha?

"Luther Reign Montecillo.." yun lang at umupo na ito. E anong course niya? Baka katulad din nila kasi mukhang magkakaibigan ito. Paki ko ba?

Hindi rin naman nagtagal at dinismiss na kami. Akala ko okay na ang lahat kasi malakas ang kutob ko na di ko na ulit sila magiging kaklase ulit. Peri heto at classmate ko sila sa 3 consecutives na minor subject. Ewan ko ba sa mga babae dito makita lang ang limang ito parang nasa palengke na. Hayyy ewan ko sa kanila.

Kainis oh!

_____

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon