Chapter 29

131 33 13
                                    

Chapter 29

"Yes! Tapos na rin ang sem!" Hiyaw ni Dave. Nandito kami ngayon sa usual tambayan, ang rooftop.

"Haha. Si Migz at Reign may exam pa!" Sabi ni Luke.

May isang subject kasi na di daw nakuha sina Reign at Migz last sem dahil di daw nailagay sa registration card. Kaya ngayon nila kinuha.

"Luke, tara kain tayo nagutom ako sa exam natin." Aya ni Dave kay Luke.

"Sige. Nagugutom na rin kasi ako e." Sabi nito sabay himas sa tiyan niya. "Kayong dalawa?" Tanong niya saming dalawa ni Nathan. Umiling lang si Nathan kaya tumingin naman sa akin si Luke.

"Mamaya na lang. Antayin ko lang si Reign." Sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko. "What?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"Wala naman. Iba na talaga nagagawa ng pag-ibig. Tara na nga Dave." Sabi nito at umakbay kay Dave. Kumaway naman si Dave sa amin. Tumango na lang ako.

"You love him?" Napabaling ako kay Nathan. Bigla kasi silang nagsalita.

"H-huh?"

"Reign." Simple niyang sagot.

Napangiti ako. "I don't know. Pero masaya ako kapag nandyan siya. Yung sa simpleng bagay lang na ginagawa niya napapngiti na ako. Basta right now gusto kong lagi siyang nandyan sa tabi ko. Para kasing siya yung pinaghuhugutan ko ng lakas." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"You indeed inlove with him." Sabi niya.

Nagkibit balikat na lang ako. "Ewan. Siguro. Pero bahala na. Alam naman niyang di pa ako handa."

"I have no chance at all." Sabi niya at bahagyang tumitig sa kaniya.

"What do you mean thay you have no chance at all?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"It's okay to you na mag-confess ako?"

"Teka nga. N-naguguluhan kasi ako--.."

"I like you." He chuckled. "Nung nakita kitang umiiyak ginulo mo na ang isip ko."

"Nathan..."

"Naging kampante ako e, akala ko kasi di ka niya makukuhang mahalin e. Pero mali ako. Siguro tama siya di ka mahirap mahalin. Ayokong mailang ka kaya di ako makaamin." Mahabang sabi niya. Nakatingin siya sa akin. Di ko alam pero ramdam kong totoo yung sinasabi niya. "It's hard lalo na at kaibigan ko pa. Pero anong laban ko? Kung pareho kayo ng nararamdaman." Ngumiti siya bahagya.

"Nathan.. I'm sorry I-I don't know.."

"Okay lang.." tumingin siya sa malayo. "Ako itong mabagal. You don't need to say sorry. Ginusto ko din itong naramdaman ko. Gaya nga ng sinabi ko di ka mahirap mahalin pero ang hirap mong kalimutan. I never been feel like this kind of feeling. Kaya siguro nanibago ako. Akala ko naaawa lang ako sa'yo pero mali."

Pinagmasdan ko siya. I don't know what I'm going to feel. Gusto ko siyang yakapin kaso ayokong bigyan siya ng false alarm. I like Nathan pero iba pa rin yung nararamdaman ko para kay Reign. Yung nararamdaman ko sa kaniya ay bilang isang kaibigan lang.

Hinawakan ko ang balikat niya kaya napalingon siya roon. "I'm sorry. Manhid siguro ako kaya di ko naramdaman yun. Maybe I like you too pero hanggang pagkakaibigan lang. Kahit ang tahimik mo nafi-feel ko pa rin yung presence mo. Ayoko rin magkaroon tayo ng harang sa isa't isa. Naging mabait ka sa akin and thank you for that. I'm not deserve someone like you. Hindi ako yung babaeng nakalaan sa'yo. Siguro nandyan lang siya pero di pa ito yung right time para pagtagpuin kayo ng tadhana. Siguro kaya Niya pinaranas sa'yo yung nararamdaman mo sa akin para kapag dumating na siya ay di ka na manibago." Mahaba kong litanya. Inalis ko na rin ang kamay ko sa balikat niya.

Hindi na rin naman siya nagsalita after nun. Kaya isa pang ayokong ma-attached kahit kanino dahil doon.

Sana dumating na yung babaeng nakalaan sa kaniya. Nathan is a mysterious guy and I know one of this day he will find his perfect match.

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon