Chapter 20
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Reign. Paano ba kasi ay bigla na lang akong hinatak pagkababa ko palang ng hagdan. Muntik pa nga ako madapa e, buti na lang ay na-balance ko ang sarili ko.
"Basta. Matulog ka muna. Malayo pa naman tayo." Seryosong sabi nito habang nakatuon sa daan ang paningin.
"Para kang ewan. Clueless na clueless ako sayo! Ang gulo mo?" Inis kong sabi dito. Totoo naman. Parang all of the sudden ay nagbago ito ng pakikitungo nito sa akin.
"Am I?" Maang nitong tanong nito sa akin.
Napairap na lang ako. "Oo kaya! Kahapon kulang na lang kasuklaman mo ako pati nung mga nagdaang araw na parang ayaw mo sa akin. Ni hindi mo nga ako kinakausap ng matino. Tas kagabi naka-receive ako ng comfort message from you. It is not you, you know! Parang di ikaw kasi e! Tas kaninang umaga parang sinapian ka nung kung ano at inaaya mo ako. Biniro-biro mo pa ako! Ano ba talagang motibo mo?" Mahaba kong litanya. Naiinis na talaga ako. Ni hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya.
Tumawa ito ng kay lakas. May sayad talaga! "Sorry kung naguguluhan ka." Sumeryoso ang mukha nito. "Maging ako ay naguguluhan din, Karylle. Ewan ko di ko pa matukoy. Pati ako naninibago." Bumuntong hininga to. "Can we just not talk about it? Just go to the flow . Basta ang gusto ko ngayon matulungan ka." Mahinang sabi nito.
Kumunot ang noo ko. Matulungan saan? "Para saan yung tulong? Enlighten me, please." Sabi ko na matamang nakatingin sa kaniya.
"Maybe someday. Come on, Baby! Drop the topic okay!" Bigla ko naman siyang pinalo sa braso.
"Pwede bang tigilan mo akocsaa kakatawag ng kung ano-anong endearment na iyan! Kanina ka pa sa bahay ha?" Di ko pa rin siya tinitigilan sa kakapalo.
Iniiwasan naman niya ang bawat palo ko. "Hey Karylle, enough! Nagdi-drive ako. Kung ayaw mo pang mong mamatay tigilan mo na yan! Ang pikon mo naman!"
Tinigilan ko na lang siya sa kakapalo. Ayaw ko pang mamatay aber!? Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan. Siya naman ay binuksan ang stereo ng kotse niya.
----
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa pagtapik sa pisngi. Pagmulat ko ay mukha ni Reign na kay lapit sa akin.
"Hey.. where-- Aww!! What the hell?" Paano sinampal ko siya. Ang lapit e!
"Sorry, kaw kasi ang lapit ng mukha mo sa akin e! Naibigla lang ako." Dahilan ko. Paano kasi akala ko--
"Di kita hahalikan noh? Asa ka! Baba na nga!" Sigaw niya. Guilty as charged!
Bumaba na ako ng kotse. Nilibot ko ang paningin ko. Puro puno. Asan ba kami?
"Welcome to my Safe Haven!" Nakangiting sabi niya. Bakit ang gwapo niya kapag nalangiti? Haist Karylle behave nga!
"Safe Haven? Ito?" Sabay turo ko sa mgaa puno. Ano siya unggoy?
Tumawa naman siya. Aba? Napapadalas na ata ang pagtawa niya. "Entrance pa lang ito, Karylle. Mas maganda saa loob. Tara?" Aya niya sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Tiningnan ko ang kamay niya at muling tiningnan siya. "Siguraduhin mo lang na wala kang balak na masama sa akin." Sabi ko.
"Wala akong balak na kung ano. So ano?" Naiinip na sabi nito.
Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang kamay niya. Ewan ko kung ako lang ang nakaramdam pero parang may kuryente dumaloy ng nagtagpo ang mga kamay namin. Sparks ba yun? Nang tingnan ko si Reign ay natigilan din siya. Naramdaman niya kaya?
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Novela JuvenilLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.