Chapter 31
Nagdecide kaming tumambay kay Ate Cess. Pagdating namin doon ay kay rami ng tao kahit umaga pa lang. Nagpresinta akong tulungang magserve si Ate Cess. Kulang kasi sila ng tauhan ngayon dahil mga nag-take ng leave. Tumulong rin naman yung lima sa amin.
Nang matapos na ang pagseserve ay pumwesto na kami sa dati naming pinagpwepwestuhan.
"Nakakapagod naman yun, Ate Cess!! Dinaig ko pa ang nag-jogging dun! Arayyyy naman!!" Sabi ni Luke sabay himas sa ulo niya. Paano binatukan siya ni Ate Cess.
"Makapagreklamo ka dyan! Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako? Leche 'to! Di sana di ka na tumulong!" Sigaw ni Ate Cess kay Luke na akala mo ay isang kanto ang layo nila sa isa't isa.
"Joke lang naman, Ate Cess. Ang sa--" hindi na niya natapos ang sasabihin ng tinakpan na ni Dave ang bibig niya.
"Wag ka na ngang magsalita dyan! Ang daldal mo!" Sabi nito. Kami naman ay natatawa sa kanilang dalawa.
Kinuha ko naman yung bag ko na nasa ilalim ng table. Hinalungkat ko yun. Nasan na ba yun? Ang tanong meron ba akong dala?
"Hinahanap mo?" Bulong ni Reign sa akin.
"'Yung panyo ko. Tsk! Asan na ba kasi yun?" Ako na patuloy pa rin sa paghahalungkat.
"Hoy Karylle! Para kang tanga! Eh di ka naman sanay na may panyo eh! Kaya I'm sure di mo nabitbit yun!" Sigaw sa akin ni Ate Cess.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Ah,, eh.. "
"Here." Sabay abot ni Reign sa akin ng panyo.
Tiningnan ko yun. Eh pawisan rin siya ah? "Pano ka?"
"Sige na gamitin mo na yan? After mo na lang." At ngumiti siya. Wala patay na!
Kinuha ko na lang yung panyo niya at nagpunas ng mukha. Tsk! Nakakailang grabe! Pano ba naman pinapanuod niya ako.
Nang matapos na ako ay iniabot ko sa kaniya yung panyo. Pero tiningnan niya lang iyon at muling ibinalik ang tingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Wag niyang sabihing choosy siya?
"Kung ayaw mong ibalik ko sayo dahil nagamit ko na. Sabihin mo lang. Isasauli ko na lang sa'yo kapag nalabhan ko na." Deretso kong sabi.
Ilalagay ko na sana sa bag ko ang panyo ng magsalita siya.
"Wala akong sinabi na ayaw ko ng gamitin 'yan. As long na ikaw ang gumamit kahit ipamunas mo pa iyan sa ilong mo wala akong pakialam." At nahigit ko ang aking hininga sa sumunod niyang sinabi. "Ang gusto ko lang naman ay ikaw ang magpunas sa akin."
Teka? Ano raw? Tiningnan ko siya. Nag-iwas siya ng tingin at napansin ko ang pamumula ng tenga niya. He blushed!
"W-what?" Nauutal kong sabi.
"Ang bingi mo naman, Karylle!" Singit ni Migz. "Naglalambing sa'yo ang Loko!" Pang-aasar pa niya na sinabayan ng tawa ng iba.
Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko.
"Sige na, Karylle! Punasan mo ng pawis si Reign! Ayyyyiiieeehhhh!!! Kinikilig ako!!!" Udyok sa akin ni Ate Cess.
"Aa..ee.." nahihiya kong sabi. Kinakantyawan nila ako. Habang ang lalaaking ito ay malaki ang pagkakangiting nakatingin sa akin. Mukang inaantay nga niya!!!
Dahan-dahan kong inilapit ang panyo sa mukha niya. Tsk! Habang pinupunasan ko siya ay nakingiti lang siya sa akin pero ako ay ramdam kong pulang-pula ako! Mas mapula pa ata sa mansanas na kinain ni Snowhite! Jusko Karylle!
"O Karylle! Bakit namumula ka?" Pang-aasar ni Dave sa akin pagkatapos kong punasan ang pawis ni Reign.
"A-ano kasi..." ano ba? Karylle isip! "..m-mainit! Tama mainit kasi!" Sabi ko sabaay paypay sa mukha ko gamit ang mga kamay ko.
"Panong iinit? Aircon ang cafe ko ha?" Sabi ni Ate Cess.
"Palusot.com!!!" Hiyaw nila.
Hala? Ground eat me now, please!
"Tigilian niyo na nga 'yan!" Sabi ni Reign. "Kumain na nga kayo. Mainit ba?" Baling niya sa akin. Tumango ako. Kahit alam kong di naman. Ngumiti siya sa akin. 'Yung pagkatamis-tamis. "Katabi mo kasi ako e." Aba!
Inirapan ko siya. "Hmmp! Ang kapal ng mukha mo!" Tumawa naman siya. "Ate Cess, pa-CR nga po!" Sabi ko sabay tayo at deretso sa comfort room.
Grabe nakakahiya! Dahil lang sa panyo! Peste talaga! Kaso nakakainis talaga! Bakit pakiramdam ko hinahalukay ang tiyan ko ng dahil kay Reign.
It is the sign? Am I ready? I finally find Mr. Right?
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Novela JuvenilLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.