Chapter 18

167 33 20
                                    

Chapter 18

Nagpaalam na kami kay Ate Cess di kasi ako pwedeng magpagabi lalo na't walang tao sa bahay. Nagpalitan kami ng cellphone # ni Ate Cess at nagyakapan. Sobrang namiss ko siya. 'Yun nga lang alam ko na kahit lumipas na ang taon ay di pa siya finally move on.

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Iniisip ko pa rin si Ate Cess. Hindi ko alamkung bakit ayaw niyang ipaalam kay Kuya Isaac na nandito na siya Pilipinas. Simula kasi na nakita ni Kuya Isaac si Ate Faye ay lumayo na siya dito. Naalala ko tuloy yung ibinilin niya.

"Karylle.." tawag niya sa akin.

"Ate?!"

"Promise me one thing. DI mo sasabihin kay Isaac na nandito na ako." Mahina niyang sabi.

"But--"

"No more buts, Karylle. Di pa siguro ito yung tamang oras. Ipapaalam ko rin sa kaniya pero di pa ngayon." Ginagap niya ang mga kamay ko at matiim akong tiningnan.

Napabuntung-hininga ako at napansin ko na lang ang sarili kong tumatango. "Sige Ate. Kung iyon ang gusto mo. I respect your decision."

Niyakap niya ako at nagpasalamat.


"Karylle..." tawa sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad.

"H-huh?" Baling sa ko kay Dave na siyang tumawag sa akin.

"Tulala ka dyan?" Sabi niya. Sandali niya akong binalingan ngunit binalik na rin ang tingin sa daan.

Umiling ako. "Wala. Naalala ko lang si Ate Cess." Sabi ko. Nalulungkot talaga ako.

"May alam ka ba kung ano ang nangyayari kay Ate Cess?" Tanong niya ulit.

Sasabihin ko ba? Nasa lugar ba ako? "Wala masyado. Kung ano man yun respect her decision. And wait kung kaylan niya gustong mag-share." Nasabi ko na lang.

"Parang may nagbago kasi kay Ate Cess." Ani Luke na inilawit ang ulo niya sa pagitan namin ni Dave.

"Everyone needs to change. The only permanent thing in this world is changes." Sabi ko.

"Diba nakasama mo siya sa New York?" Tumango na lang ako. "Bakit ayaw niyang sabihin kay Isaac na nandito siya?" Dugto ba niya.

"Baka gusto niyang i-suprise si Kuya kaya ganun. Hayaan na lang natin siya." Palusot ko.

"May tinatago si Ate." Sabi ni Dave na matiimna nakatingin sa daan. Di na lang ako nagsalita. Baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.

Tahimik na ulit kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba na ako ng sasakyan. Nagsibabaan rin naman sila.

"Salamat." Sabi ko sa kanila.

"Sinong kasama mo?" Huh? Ano daw? "Sa bahay" dugtong ni Migz. Nakita niya sigurong naguguluhan ako.

"Mamaya nandyan na din naman si Tita Meg at Mommy. So pano? Bye." Sabi ko. Tatalikod na sana ako nang may narinig akong tumawag sa gilid ko.

"Karylle...." nilingon ko ang tumawag sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

"Ano pong kaylangan niyo? At paano niyo nalaman kung san kami nakatira?" Mahinahon kong sabi kahit gustong-gusto kong sigawan siya. Baka mapagalitan pa ako ni Mommy kapag nalaman niya.

"I want to talk to you, hija." Sabi nito na may pagsusumamo.

Umiling ako. "Wala po tayong dapat pag-usapan. Sige po." Tatalikuran ko na sana siya ng nagsalita na biglang napanigas sa akin.

"I have a stage 3 cancer..." tiningnan ko siya. Noon ko lang napansin ang pangangayayat niya. Pero paano? Ibig sabihin nung nakita niya ako ay may cancer na siya.

"A-alam na ba ito ni Mommy?"

"Yes."

"Bakit wala siyang nabanggit sa akin?" Tanong ko. Kaya ba gusto niyang magka-ayos na kami.

"Sinabi kong wag sabihin sa'yo. Gusto ko kasing ako---"

"Para ano? Gain my sympathy? Kaaawaan ko kayo at patatawarin? Di ko alam kung anong motibo mo. Kung si Mommy madali mong nabilog ang ulo at konting paawa niyo pa lang ang napatawad niya na kayo.." I fisted my hand. Bumlik kasi sa akin lahat ng sakit at sugatan na iniwanan niya sa nakaraan.

"It's partly true. P-pero Karylle pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko. If maibabalik ko--"

Pinutol ko ulit ang sasabihin niya. Bastos na kung bastos pero talagang kawalan siya ng respeto. "Kahit kaylan di mo na maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari. Maging masaya ka na po na pinatawad ka ni Mommy na sinaktan mo ng lubos. 'Wag mong asahan na naghilom na ang sugat na iniwan mo kahit dalawang taon na ang nakakalipas. Masama na kung masama ang tingin mo sa akin. Pero when someone broked he/she will change. Expect that Dad."

Yun lang ang tinalikuran ko na sila. Kasabay ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit din sa akin na ang mga salitang binitawan ko. Gustuhin ko mang bawiin kaso huli na. Naaawa ako sa kaniya dahil may posibilidad na anytime ay mawawala na siya pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang galit na iniwan niya. Natatakot ako na kapag pinakawalan ko ang galit sa puso ko ay matibag ang pader na itinayo ko. At mas madali sa kanila na saktan ulit ako.

Nang marating ko ang kwarto namin ay agad akong dumapa at umiyak ng umiyak. Isang bagay na di ko nagagawa sa harap ng iba. Makita man nila akong umiyak ay di ganito. Para akong batang pinagalitan at the same time ay inagawan ng laruan. Isang bata na inabandona na lang basta. Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan hudyat na umalis na sila.

✂✂✂
----

A/n: short update.

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon