Chapter 40

95 6 3
                                    

Chapter 40

"Luther.."

"Stephanie.."

Bakit pakiramdam ko biglang tumigil 'yung oras? Ito na ba iyon? 'Yung panahon na kinakatakutan ko?

Para akong naging estatwa dahil sa narinig ko. Magkakilala sila. 'Yun ang kumpirmasyon. Pero parang may mali. Ano ba sila? Natatakot akong magtanong. Natatakot ako na kapag nagsalita ako may pagsisihan ako at sana hilingin ko na di ko na lang dapat nalaman. Luther... iyon ang tawag sa kaniya ni Stephanie. Walang tumatawag sa kaniya ng ganoon. Kahit ang pamilya niya ay Reign ang tawag sa kaniya.

Sino ba si Stephanie? Espesyal siguro siya kay Reign. May nakaraan? Ang hirap manghula pero mas mahirap ang magtanong. Ngunit, paano ko malalaman kung di ko susubukan?

Mariin akong nakapikit. Humugot ng isang malalim na hininga at hinanda ang sarili kong magsalit. Composing the right words to begin. "Magkakilala pala kayo?" Na sinabayan kong isang ngiti. Isang ngiti na parang naging ngiwi dahil alam kong pilit iyon.

"H-huh?... u-uhmmm.." tila di maapuhap na sabi ni Reign. Naiilang siya na ewan. At base sa gesture niya ay parang ayaw niyang sabihin sa akin. Ano ba Luther Reign? Sabihin mo na kasi. Nang maihanda ko na ang sarili ko sa sakit. Gusto ko mang isatinig pero di ko magawa.

"Y-yes. Di ba ako naikwento ni Luther sa'yo?" Nakangiting baling sa akin ni Stephanie sa akin.

Luther. Strike two.

"S-stepha--"

"Hindi e." Putol ko kay Reign na may kasamang pag-iling. "Bakit? May dapat ba siyang ikwento tungkol sa'yo? Di naman siguro ako magtatanong diba?" Medyo naiinis ko ng sabi ngunit di ko na lang pinahalata.

"Ohhh.. Akala ko kanina ibang Reign ang tinutukoy mo. Di ko akalain na iisa lang pala. Sorry ha? Luther kasi ang madalas kong itawag sa kaniya."

Luther. Strike three.

"It doesn't matter anyway. Wala naman sa akin 'yun e. Saka are you related to each other or what?" Finally I asked. Malapit na kasi akong sumabog.

"Stephanie is my ex." Deretsong sabi ni Reign.

"Owww.." yun lang ang nasabi ko. Para kasing tinarak ng kutsilyo yung dibdib ko. 'Yung feeling na harap-harapan sasabihin saiyo. On the spot talaga? Si Stephanie? Si Stephanie na maganda at pang-modelo talaga. Ano ba ang laban ko?

Kinakain ako ng insecurity ko. Para kasing ipinapamukha sa akin na walang wala ako sa kaniya. Ex nga siya. Pero alam kong minahal siya ni Reign.

Dahil malinaw na sa akin ang lahat. Kaya siya pamilyar. Kaya pala  sinabi ko na nagkita na kami. Hindi. Hindi sa mga bulletin board sa New York o kung saan pa man ko siya unang nakita. Kundi sa picture.

Siya.

Siya yung babaeng yakap ni Reign. At marahil siya ang dahilan kung bakit naging ganun ang pagtingin ni Reign sa mga babae.

Gusto kong umiyak. Dahil sa kaniya.

Mabilis akong tumakbo paapasok ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni Reign at Mark pero ayokong lumingon. Kasi baka lumingon ako pagsisihan ko. Narinig ko ring tinawag ako ni Tita Ingrid pero di ko rin siya pinansin. Masakit.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko doon na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napaupo ako sa likod ng pinto. Pilit iniisip kung tama ba yung ginawa kong pagwalk out sa kanila. Pero iniiwas ko lang ang sarili kong masaktan.

I heard someone knocking the door. And hopefully that its him.

"Karylle? Can we talk please?" He said using his pleasing tone. I didn't answer. Ayoko. Ayoko muna siyang kausapin. "I know naririnig mo ako. Please, open this door then we talk."

I took a breathe. "P-please, wag muna ngayon. Masama ang pakiramdam ko Reign. Umuwi ka na." I tried my best not to suppress my sob. But I failed.

"Hey... Are you crying? Please, naman Karylle. Buksan mo ito. Di ako aalis dito hanggat di mo ako pinagbubuksan. Kausapin mo ako."


"I'm not. Umalis ka na."


"It's all about Stephanie? Sorry for not telling you. Alam ko may mali ako dun. Pero ngayon gusto kong makinig ka." Sabi niya. Pero huli na.


"Tapos na Reign. She's back. She's that girl right? Siya yun diba? Please, I don't want to talk to you." Mariin kong sabi.



"Yes. But its all past and--"


"Past na di mo kayang kalimutan. Past na di mo kayang mag-move on. Past na di mo kayang i-let go. At si Stephanie ang past na iyon. Are you really sure about your feelings for me?" I asked.


"I already did. Wala na sa akin iyon, Karylle. Wala--"


"But based on your reaction while ago. You didn't. You stiffened when you saw her. Meaning di pa tapos. Maybe di pa nga." I said while I cut him off.


"What should I do para maniwala ka? Mahal kita Karylle. Ikaw na yung ngayon. I will do everything para maniwala ka." Tila nanghihinang sabi niya.


"Leave me alone." Tanging sabi ko sa kaniya.


"It's all that you want? Leaving you alone? Para kang bata Karylle. Grow up. All of this sudden you doubt about my feelings to you? Kanina ayos pa naman tayo diba?" He paused for a while. "I don't know what I'm going to do. I want to make things right. I want to end all this sh*tty things. But..." I heard him sighed. "Okay fine. I leave you know. But always remembet this. I love you, Karylle."



Narinig ko ang mga yabag ng paa niya palayo. All I could to do is huggibg my knees while crying. Di ko na alam kung anong iisipin ko. I feel his love for me but other part of me doubting his love. Paano kung di pa talaga love yung nararamdaman niya. Paano kung awa lang? Ang hirap. I love him but I'm afraid. Sabi ko kaya ko pero di pala.

Sorry Reign. Sorry.

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon