Chapter 13
Monday..
Kahit tamad na tamad akong pumasok pero pinilit ko. Dumeretso na ako sa room at yumuko pagdating ko sa upuan ko. Tsk! Mas masarap sanang matulog kesa pumasok. May naramdamaan akong umupo sa katabi kong silya pero di ko pinansin.
"Umuwi ka kung di mo kaya."
Huh? Bigla kasing nagsalita yung katabi ko. Sino naman kaya kausap nito? Baka sarili niya. Alam ko naman kasi na wala pang katao-tao sa room.
"Karylle..." tawag niya kaya itinaas ko ang ulo ko.
"Uyyy Nathan ikaw lang pala yan. Bakit?" Takang tanong.
"Umuwi ka na. Mukhang di maganda ang pakiramdam mo."
Umiling ako. "No. I'm fine. Inaantok lang talaga ako. Aga mo ha?"
"Lagi naman." Yun lang ang sinabi niya at naglagay ng earphone at pumikit. Hindi ko tuloy maiwasang titigan sya. Round-shapre ang mukha niya na lalong nagpakita ng kaamuhan. Manipis din ang mga labi niya. Matangos ang ilong at ang haba ng pilik mata niya na bumagay sa kilay niya. Ang cute din ng tenga niya. Hindi kasi ganun kalaki na binagayan ng cut ng buhok niya.
"Stop staring is rude." Sabi niya na nagpapiksi sa akin. Kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya.
Ganun lang kami tahimik hanggang sa nagsipasukan na yung iba.
"Aga mo, bro ha?" Sabi ni Dave.
"Ang ingay kasi ni Ate Trinity kaya yun inagahan ko na lang ang pasok." Sagot ni Nathan.
Hindi ko na lang sila pinakinggan. Kumuha ako ng Notebook at Ballpen. Nagsusulat kung ano ang mga dapat kong gawin.
"Karylle.." tawag ni Dave kaya lumingon ako sa gawi nila.
"Huh?"
"Okay ka na?" Tanong niya.
"Okay lang. Bakit?" Tanong ko.
"Wala lang. Kasi yung nangyari ng isang araw-"
"It's fine. Wala yun. Saka past na." Putol ko sa sinabi ko.
"So, okay na tayo? Hindi ka galit sa amin?" Paninigurado niya.
Umiling ako. "Walang dahilan para magalit ako sa inyo. May ginawa rin ako kaya tayo nagkagulo. Sabi ko nga Past is Past."
"Friends?" Tanong naman ni Luke.
"No problem. Saka kahit ng isang araw okay na tayo. Wala naman siguro akong nakikitang mali doon." Sagot ko. Hindi naman siguro masama na makipagkaibigan sa kanila. Oo, hindi maganda ang unang meet up namin pero hindi pa naman huli ang lahat diba?
"Yun oh? May muse na tayo!" Sabi naman ni Migz. Napailing na lang ako.
"Edi lagi ka na naming kasama?" Amused naman na tanong ni Luke.
"Diba parang sobrang clingy nun? Saka baka kung ano pa ang isipin ng iba dyan?" Nag-aalangan kong sabi.
"Sus! Wag mong isipin yun. Okay lang. Diba Reign?" Tanong ni Luke kay Reign. Kaya lahat kami napatingin sa gawi ni Reign.
Nagkibit-balikat ito. "It's fine with me..." tumayo ito sa upuan niya at pumwesto sa tapat ko. "..friends?" Seryoso niyang sabi sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Ngumiti naman ako sabay abot ng kamay niya. "Friends."
Umakbay naman si Dave kay Reign. "Okay na tayong lahat. And you, Karylle wag mo ng isipin ang sasabihin ng iba."
Nagkwentuhan na lang kami after nun. Pero di pa rin kami nag-uusap ni Reign parang awkward pa rin saming dalawa. Ang tagal naman pumasok ng prof namin almost 10 mins late na rin.
"Classmates..." agaw-pansin ng isa naming kaklase. Nakatayo sya malapit sa teacher's table. "Pwede na daw tayong umuwi. May urgent conference daw na pupuntahan ang mga prof. Kaya sinuspend na lang nila ang buong klase ngayong araw." Sabi niya. Tuwang-tuwa naman ang lahat kasi walang klase. Ako? Kung alam ko lang hindi na ako pumasok. Sayang ang effort.
Nagsilabasan na halos lahat. Kaming anim na lang ang natira sa room.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko.
"Sama ka samin." Yaya ni Migz.
Umiling naman ako. "Hindi na. Uwi na lang ako."
"KJ mo naman! Sige na please.." pacute ni Luke. "..saka celebration na rin natin to." Dugtong pa niya.
Napabuntung-hininga na lang ako. "Andali lang tawagan ko lang si Kuya. Para magpaalam." Kinuha ko ang phone ko and dialled Kuya Isaac. After kong magpaalam at good thing wala pala sila sa bahay dahil umuwi silang mag-anak sa Province ni Ate Faye kaya di niya ako masusundo ngayon. Wala pa rin si Mommy at Tita Meg.
"Okay na guys. Saan ba tayo?"
"Kapatid mo?" Tanong ni Dave na ang tinutukoy ay yung kausap ko.
"Nope. Friends lang ang mother namin. Saka sa kanila kami nakatira ngayon pasamantala."
"Bakit doon kayo nakatira?" Usisa ni Nathan.
"Long story. Saka na lang." Sabi ko. Hindi pa ako handang magkwento sa kahit na sino.
Nang makarating kami sa parking lot ng University ay nagtanong ako kung saan ba kami pupunta.
"Sa Mall na lang siguro. Kain tas gala." Sabi ni Dave.
"Saan tayo sasakay?" Tanong ko ulit.
"Edi sa sasakyan!" Pilosopong sabi ni Luke. Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang. Kay Reign na lang. Sya lang naman may dalang sasakyan e." Sabi niya.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Reign. Si Reign ang driver. Ako, sa mga shot gun seat ako pinaupo. Ang ingay nila. Nagsasalita lang naman ako kapag kinakausap nila ako. Nakarating din kami sa Mall.
Pagbaba ko ng sasakyan may napansin akong isang bulto ng tao na papasok ng mall. Kilala ko ang taong yun. May kasama rin syang babae. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nakita kong lumigon ang taong yun. Sh*t!!! Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya. Pakiramdaman ko huminto ang oras ng magtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mata niya. Nakita ko pang nagpaalam sya sa kasama niya na pati ito ang nagulat rin. Sh*t talaga.
"Karylle.. okay ka lang? Bakit parang namumutla ka." Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita.
"Umalis na tayo rito. Magtake out na lang tayo sa iba. Bilis! Dun na lang tayo sa tinutuluyan niyo." Sabi ko at tumalikod na. Palapit na kasi siya sa amin. Alam ko naguguluhan rin sila sa sinabi ko at kilos pero sumunod naman sila. Narinig ko pang tinawag ako ng taong yon pero di ko sya nilingon. Pagsakay ko sa sasakyan napahawak ako sa dibdib ko. Sumakay na rin sayo.
"Ano bang nangyayari sayo?" Inis na tanong ni Reign. Kahit naman sino siguro maiinis sa kinilos ko.
"I'm sorry.." lumingon ako sa labas ng bintana. Malapig na siya. Pati rin sila Reign ay napatingin sa tinitingnan ko.
"Sino-"
"Tara na! Mamaya ko na lang sasabihin." Putol ko sa dapat na itatanong ni Luke. Tsismoso talaga.
Pinaandar na rin ni Reign ang sasakyan. Nakita ko pa sa side mirror na tinatanaw niya ang sasakyan naming palayo. Hindi pa talaga ako handa na makita sya. Hindi pa ngayon.
---
Vote & comment please :) I want to hear your feedback guys! -pinkyyours
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Teen FictionLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.