Chapter 12
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.
Ano ba ang nangyari?
"Reign, wala ka na bang puso? Alam mo na putlang-putla na siya pero inutusan mo pa siyang maglinis ng kwarto niya?!" May narinig akong sumigaw. Di ko nga lang alam kung sino.
"Can you please low down your voice, Dave? Baka magising siya. Ano bang malay ko? Tinanong niyo naman siya diba kung okay siya? And she answeres yes! Bakit sobrang concerned kayo sa babaaeng yan?!!" Sigaw ni Reign. Alam kong sya yun. Sya lang naman ang galit sa akin e,
"F*ck you, Bro! Sobra na yun! Babae pa rin siya! Sana matauhan ka na!"
"Don't dictate me what to do! Ako ang magpapatino sa babaeng yan! She deserved that! Dapatcalam niya kung saan lumugar!"
Bigla akong nakarinig ng isang bumagsak na kung ano.
"G*go ka na talaga, Reign! That's enough! You beyond your limit!"
I can't handle it anymore. I try my best na bumangon.
"Sh*t!!" Sigaw ko. Masakit na nga ang ulo ko sumabay pa ang tiyan ko.
"Karylle!!" Rinig kong sabi nila.
"Finally, you're awake! Pinag-alala mo kami." Sabi ni Luke.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong ko.
"You black out. Dala na rin sa gutom at pagod." Sabi ni Dave na seryoso ang mukha.
Nakita ko rin si Reign na pumasok. Seryoso din ang mukha niya.
"Yun ba? Pasensiya na kayo ha? Naistorbo ko pa pala kayo. Sh*t!!" Sigaw ko ng bigla akong may maalala.
"Bakit?" Gulat na tanong ni Migz. Di ko naman siya pinansin at pilit kinuha ang phone ko sa pocket ko. 46 missed calls & 70 msgs. At karamihan dun galing kay Kuya Isaac. Lagot! 5:30 na pala. Panigurado nag-aalala na yun.
Tumayo na ako. Kahit medyo umiikot na ang paningin ko pinilit ko pa rin.
"Hey! Relax Karylle!" Sabi ni Dave.
"I'm fine. Uuwi na ako. Hindi kasi ako nakapagpaalam." Pero bago pa ako makuha ang bag ko ay tumunog na ang phone ko.
Kuya Isaac calling....
Eto na nga ba e,
I cleared my throat. "Kuya.."
["My God Karylle!! Asan ka ba? Maghapon kang wala sa bahay! Tumawag na ang Mommy mo ng 2 beses sa landline. Hinahanap ka. Kung ano-ano na lang na alibi ang ginawa ko. Asan ka ba?] Hala? Galit na nga.
"Sorry, Kuya! Hindi na ako nagpaalam kasi tulog pa kayo kanina. Don't worry I'm fine. Andito lang ako ngayon sa classmate ko." Paliwanag ko.
["Classmate? E wala ka pa naman naka-close ha?"]
Ang oa talaga ni Kuya. I rolled my eyes. "Kuya, highschool classmate. Namiss niya daw ako. Kuya, pauwi na rin ako later. I will call Mom. I promise." I lied. Manong sabihin ko na nandito ako sa bahay ng nang bully sa akin.
["Okay. Just take care."]
Yun lang at binaba na niya ang phone.
Naglabas ako ng isang bugtong hininga. Nakita ko naman yung lima sa akin.
"Uuwi na ako. Thank you."
"Ihahatid ka na namin." Sabay sabi nung apat.
Umiling ako at ngumiti sa kanila. "No, thanks. I can manage."
"Ako na maghahatid sayo." Nagulat ako ng magsalita ni Reign.
"Hindi na."
"I don't take no for an answer. Come on." Yun lang at hinila niya ako. Wala man lang ka gentleman gentleman sa katawan ang taong ito.
"Hey, Bro! Easy! Baka mapano si Karylle. Take care Karylle!!" Sigaw ni Luke.
Nakarating kami sa garahe. Huminto kami sa isang Mercedes Benz na sasakyan.
"Sakay." Utos niya.
"Kaya kong umuwi." Mahina kong sagot. Ayaw kong makasama siya.
"I said ako ang maghahatid saiyo. Whether you like it or not." Mahinahon niyang sabi.
Wala rin naman akong nagawa. Wala rin ako sa mood makipagtalo sa kaniya.
Habang nasa byahe ang tahimik namin dalawa. Wala naman kasi kaming dapat pag-usapan. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
"Karylle..."
Huh? First time niya akong tinawag sa first name ko.
"Hmmm..?" Lumingon na ako sa kaniya.
"Stop flirting with my friends.."
Nagpanting ang tenga ko.
"W-what? I'm not flirting with your friends! Ganyan ba ang tingin mo sa lahat ng babae? E sayo ano ang tawag?""Lahat ng babae ay flirt. No exemption." And he smirked.
"Well ibahin mo ako! Wala kang karapatan yan! So kung lahat? Pati yung babae na kasama mo sa picture flirt din?" Tanong ko sa kanya. Hindi ata ako magpapatalo.
"Picture? You saw it? Pakielamera.."
"Pakalat-kalat kasi.." sabi ko.
Hindi na siya umimik. Pero parang naging itim ang aura niya nung binanggit ko yung babae. She's something to him.
Tahimik na rin ako. Itinuro ko na lang ang daan pauwi. Nang malapit na sa bahay ay pinahinto ko na.
"Dito ka na ba?" Tanong niya. Mukang okay na sya.
Umiling ako. "3 blocks away pa."
"Pero bakit pinahinto mo na? Ihahatid na kita hanggang dun."
"Hindi na kaylangan. Malapit na rin naman. Saka baka makita ka pa ni Kuya. Ibaa pa isipin nun. Alam niyang sa classmate ko ako galing." Lumabas na ako.
Lumabas rin siya. "Sige. Maglakad na lang tayo. Kapag malapit ka na sa gate ng bahay niyo iiwsn na kita." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Okay. Di naman kita maaawat."
Nang malapit na kami sa gate ay huminto na ako. "Sige. Dito na ako. Salamat."
Tumango lang siya pero hindi kumikilos.
"Pasok ka na." Sabi niya."Sige. Salamat ulit." Tumalikod na ako sa kaniya. Nang tinawag niya ako. "Hmm?"
"Sorry nga pala sa sinabi ko." Sabi niya na tila nahihiya.
Ngumiti naman ako at saka marahang umiling. "Wala yun. Hindi ko naman dinamdam. And Reign, whoever man yan na nagpabago ng tingin mo sa mga babae. Isipin mo na lang na hindi lahat ng babae ay ganun. May nanay ka, pinsang babae, may mga ina rin ang mga kaibigan mo. Sa tingin mo matutuwa sila kapag nalaman nila na ganyan ang tingin mo sa lahat ng babae? I guess they got mad & disappointed to you." Hindi naman siya kumibo sa sinabi ko. Kaya tumalikod na ako at pumasok ng gate.
Sana matauhan siya. Malaman niya na mali ang alam niya. Naramdaman ko nag-vibrate ang phone ko. 1 message received. I open it
From: Luther Reign
Thank you. I'm now enlighten. Goodnight.
Napangiti naman ako.
Sana nga Luther Reign...
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Novela JuvenilLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.