Chapter 10

186 36 27
                                    

Chapter 10

Nandito ako ngayon sa may rooftop. Inaantay sila. Maaga talaga ako pumunta para walang makapansin sa akin. Kahapon parang nagbago ata ang ihip ng hangin. Wala na yung mga mata nilang laging masama kung makatingin. Wala na ring nagpaparinig ng kung ano-ano tungkol sa akin.

Walang nambubully. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila. Basta naging magaan ang pakiramdam ko.

Kinuha ko ang libro ko at nagbasa. Wala naman akong kailangang i-review kaya  yung book na nabili ko sa Bookstore ang kinuha ko.

"Aga mo naman?" It's Dave.

Nagkibit-balikat lang ako. At nagbasa ulit. Hindi ko rin naman siya narinig magsalita pa. Isa -isa naman silang dumating. Si Migz at Luke at nagkukulitan. Si Nathaniel naman umupo lang sa isang tabi at natulog na. Ang tahimik niya talaga. I wonder why. Yung panyo nga pala. Dinukot ko iyon sa may bulsa ko.

Tumayo ako at tinungo ko ang pwesto niya.

"Nathaniel, Thank you dito.." sabay abot ko ng panyo.

Dumilat naman siya at tumingin sa panyong hawak ko.
"Sayo na yan. Marami naman ako niyan." Hmmm... Mahangin din pala ang isang ito.

"Tsk!! You're here not to flirt!" Bumaling ako sa nagsalita. At sino daw ang nakikipag-flirt? Ang bibig talaga niya! "Miss Madriaga, stop flirting with my friend." Then umismid siya!

What the heck! Gago ba siya?

"I'm not! Binabalik ko lang yung kaniya. Excuse me." Hindi ko na lang mapigilang umismid rin. Bwisit siya!

"Whatever. Are you ready for your consequences? There's no turning back.." nakangisi niyang sabi.

"Ano ba yun? Tumutupad naman ako sa usapan e," sabi ko.

"Strip!!" Ano daw? Strip?

"W-what??" Pakiramdam ko namumula ako sa sinabi niya. Pervert!!

"Hahahahaha. Epic ang itsura mo!" Sabi ni Migz.

"Umayos ka, Reign. Hindi katulad si Karylle ng inaakala mo. Hindi siya katulad ng mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan natin." Mahabang sabi ni Nathaniel. Wow! Speech.

"Oo nga bro! Wag ganun! Namumula na si Karylle!" Tumatawa pang sabi ni Luke.

"Bro, ayos ka rin ha?! Naisip mo pa yun!" Si Dave.

"I'm not a Saint, Dave." He scoffed. Hindi nga sya Santo dahil Demonyo siya. "I'm just testing you, Miss Madriaga. Ang totoo, gagawin mo ang research papaer namin sa Humanity."

"W-what? E, ako nga di ko man lang na-uumpisahan yun?" Totoo. Diko nga alam kung saag parte ng utak ko huhugutin yun tas dadagdagan niya pa.

"You agreed with this." Bopols ba siya? Tamad! 

"Tsk! Sige na."

"Lahat ng projects namin sa lahat ng minor subject namin na kaklase ka. Ikaw lahat ang gagawa. Kapaag may inutos ang isa susundin mo. Understand?" Bossy talaga. Tas lahat daw na minor subjects na classmate ko sila? Jusko e, lahat naman!

"Yeah,, Goodluck for me. That's all?" Tamad kong tanong.

"I'm not yet done. Where's your phone?" Sabay lahad ng kamay niya sa  harap ko.

"In my bag. Bakit wala kang phone?" Takang tanong ko. Narinig ko namang tumawa sila Dave.

"No, silly! Give it to me!" Hiyaw niya. Sa gulat ko naiabot ko ang phone ko. Kinalikot niya yun. At may narinig akong tumutunog na phone. At alam kong hindi akin yon. Nakita ko siyang dumukot sa pocket niya.

"Got it! Here.." abot niya ng phone sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Nothing. I will contact you kapag may iuutos kami. And I will monitor you. Kung asan ka man at tinawagan kita. No matter what, kaylangan mong pumunta. I don't need any reason. Naka-save ang number ko dyan. Understand?" Kulang na lang lagyan niya ako ng tali sa leeg. Tsk!

"Yeah.." tipid kong sagot.

"Ang daya, Bro! Kami rin Karylle penge ng number mo!" Si Luke na naka-pout pa.

"A.. ano kasi e.."

"Ako ng bahala dun. On Saturday kailangan tapos mo na yan. And I will text you kung san mo kami i-meet. May ipapagawa pa kami."

"Kami raw? E puro sa kaniya galing yung utos.." bulong ni Migz.

Gusto kong tumawa pero baka magalit ang Devil. Madagdagan pa ang parusa ko.

"I heard that, Migz. Sa Saturday, pwede kayong mag-utos sa kaniya. And hindi lang naman research paper ko ang gagawin niya pati na rin yung sainyo. Maay benefits din naman kayo. Pero if you want yung sa akin na lang ang ipagawa ko." Seryosong sabi ng Devil.

Umakbay naman si Luke sa kaniya. "Joke lang yun, Bro! Wag mo ng intindihin si Migz."

"Tsk! Tara na nga!" Inis na sabi nito. "On Saturday, Miss Madriaga." Paalala nito.

"Oo na.." I snorted.

"Umalis na tayo." Sabi nito at tumalikod na.

"Uyy, Karylle alis na kami." Paalam nila Dave.

Tumango na lang ako.

"Wag ka mag-alala. Hindi ka namin aapihin. Hayaan mo siyang mag-utos sayo pero andito lang kami." Tiningnan ko si Luke at nakangiti ito sa akin.

"Huh?" Takang tanong.

"Hahaha. Nevermind. Sige" ginulo niya pa ang buhok ko.

Naiwan ako rito na naguguluhan. Sino ba talaga kayong lima?

Hayyy... ewan

---

A/n: panget po yan. Naghahabol ng connection e.

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon