Chapter 35
"Mark!"
Lumingon ako upang makumpirma na siya talaga 'yun. Sakto namang paglingon ko ay dumako ang paningin niya sa akin.
Malaki na ang pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo at naging mas malaki na ang katawan niya. Siguro ay palaging laman ng gym.
"K-karylle.." he said using his low tone.
"Hi. Musta?" Nakangiti kong bati sa kaniya.
Lumapit naman siya sa akin. At ikinabigla ko ang sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako at sinabing "God! I miss you!"
I stunned pero agad ko rin naman inalis yung pagkakayakap niya sa akin. Naku nasa tabi ko pa naman si Reign!
"A, eh Mark.." sabi ko pagkatanggal ko ng sa yakap niya.
"You better stay away from her." Nagbabantang sabi ni Reign. Seryoso siyang nakatingin kay Mark.
Ngumisi si Mark kay Reign. "At bakit ko naman gagawin iyon, Montecillo?"
"She's mine, Arevalo." Madiin na sabi niya sabay hawak siya kamay ko. Pero teka?
"Magkakilala kayo?" Panabay na sabi namin ni Lezie.
"Long story." Singit ni Luke na seryoso din ang mukha.
Bakit pakiramdam ko ay nabalutan ng itim na aura ang paligid. Ano bang nangyayari?
"Mark.." tawag ko dito.
"Yes? Miss me too?" He used his husky tone.
Napairap na lang ako. "Asa ka! Ni hindi ka nga sumagi sa isipan ko!" That's the trurh!
"Ouch! Parang wala tayong pinagsamahan oh!" Kasabay nun ay ginulo niya ang buhok ko. Nagulat na lang ako na hampasin ni Reign ang kamay ni Mark sa ulo ko.
"I warn you, Arevalo. Don't. Touch. What. Is. Mine." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila niya ako patayo at kinuha ang mga gamit ko. Pero bago pa kami makalabas ng canteen ay nagsalita si Mark.
"Hindi na kita hahayaang manalo kaylanman, Montecillo. Hindi mo man maibalik ang nakaraan pero tandaan mo na pwedeng maulit ang nakaraan." Makahulugang sabi niya.
------
Pinagmasdan ko si Reign. Nakatiim-bagang siya. Kitang kita ko ang masamang aurang nakabalot sa kaniya. Nakakatakot. Seryoso kaming naglalakad sa hallway. Masakit na rin ang paa ko dahil sa mabilis at malaking hakbang na ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ganun siya towards Mark. Napapansin ko rin ang paghawi ng mga tao sa daraanan namin na tila natatakot sa nakikita nila. Hindi na ako makatiis. Hinila ko siya sa may low beam. Walang dumaan doon. Maaga pa naman kaya okay lang na mag-usap kami.
"Ano bang problema mo?!" Di ko alam kung bakit nasigawan ko siya. Hawak ko na ang kamay ko na kanina lang ay hawak niya. Namumula iyon. Hinilot ko iyon at napansin ko ang pagtingin niya sa mga kamay ko.
"I-i'm sorry..." sabi niya sabay hawak sa kamay kong iyon at marahang hinaplos. "S-sorry for hurting you." Mahina ang boses niya. Bagay na di ko nakikita sa isang Luther Reign Montecillo.
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Bakit pakiramdam ko na sobra ang galit mo kay Mark? May nangyari ba between the two of you? May dapat ba akong malaman?" I cupped his face at matamang nakatingin sa mga mata niya. Umiling-iling siya.
Niyakap niya ako. "Promise me one thing, Karylle. Hinding-hindi mo ako iiwan." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"I promised. I will never leave you." Sabi ko. Rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya.
"Promise me, na walang makakapaghiwalay sa atin. Na hindi siya ang pipiliin mo kung sakali. Na handa mo akong patawarin kapag may mali akong nagawa. Promise me, My Karylle." Hinawakan niya ang mukha ko.
Alam ko nalilito pa ako sa naging kilos niya lalo na nung nakita niya si Mark. Marahan akong tumango. "Pangako. Hindi ko man alam kung ano ang ibig mong sabihin pero I trust you. Maghihintay ako kung kaylan mo gustong i-share ang nakaraan mo na involved si Mark. Handa akong patawarin ka hangga't alam kong tama." Sabi ko.
Ngumiti siya at inilapit ang mukha niya sa akin. And before I knew, his lips met mine. One brief kissed but an unforgetaable one. Matapos niyon ay tumingin siya sa akin.
"We sealed your promise. Our promised. I love you." Malambing na sabi niya.
"I love you too." And when I said those words. It sent a million butterflies in my stomach. Napangiti siya upon hearing those words.
Hinawakan niya ang kamay ko. At inayos ang mga bag namin sa may balikat niya. "Halika na. Hatid na kita sa klase mo." Tumango na lang ako.
Tahimik kaming naglalakad sa may low beam. Doon na kami dumaan. Sinu-sway ko ang kamay naming magkahawak-kamay. Nakangiti akong nakatingin dito.
"Matagal mo na bang kilala si Mark?" Pambasag niya sa katahimikan.
Tumango ako. "Since, first year magkaklase kami. Pati si Lezie. Silang dalawa yung madalas kong kasama. Parang bestfriends ko na yung dalawa iyon. 'Yun kasi ang sinasabi nilang dalawa. Ang kulit kasi nilang pareho. Kapag kasama mo sila parang nakalunok ng microphone araw-araw." Nakangiti kong sabi at matamang nakatingin sa mga kamay namin.
"M-may alam ka ba tungkol sa kaniya? Sa buhay niya? Sa pamilya niya?" Sunod-sunod na tanong niya.
Umiling ako. "Wala masyado. Kapag magse-share lang. Ganun. Kasi ang gusto magkaroon ng privacy ang isa't isa. If you want to keep a secret then fine. Di kita pipigilan. Ganun kasi akong tao. Ayokong nakikialam sa ibang tao o pumasok sa buhay ng isang tao lalo na kung di naman niya ako pinahihintulutan. Si Mark, alam kong may sikreto siya pero never siyang nag-open. Bakit?" Baling ko sa kaniya.
Huminto kami. Di ko napansin na nasa tapat na kami ng room ko. Ngumiti siya at umiling.
"Wala naman. Pasok ka na. Kita na lang tayo mamaya." Tumango ako sa kaniya. Hinila niya ako papasok. Nasa bandang likod kasi yung pinto kaya di kami pansin. Inilapag niya ang mga gamit ko sa table.
"Salamat. Sige na baka ma-late ka pa. Saan nga pala tayo magkikita?" Sabi ko.
"Sa Parking lot. Antayin mo ako sa kotse ko." Pagkatapos nun ay hinalikan niya ako sa noo.
"I love You.." at lumabas na siya ng room.Napangiti na naman ako. He never failed to send those tingling sensation in my stomach.
----
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Teen FictionLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.