Chapter 39

83 5 3
                                    

Chapter 39

[Busy?] Bungad niya agad sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.

"Nope! Nasa baba kasi ako kaya di ko agad nasagot yung tawag mo. May inaantay kasi kaming bisita ngayon." Paliwanag ko sa kaniya.

[Bisita? Sino?] Tanong niya.

"'Yung pamangkin ni Tita Ingrid galing ibang bansa. Kaya ayun medyo busy ang lahat. May pa-welcome party pa ata sila. Ikaw ba di ka busy?" Ang alam ko ay nasa bahay ng parents niya siya ngayon. Umuwi daw siya dahil umuwi rin sila Dave.

[Di naman. Boring nga dito. Saka kakagising ko lang.] Tila tinatamad niyang sabi.

"Grabe ka! Alas-diyes na ng umaga nakahilata ka pa rin?"

[Tsk! Wala naman akong gagawin ngayon dito. Punta na lang kaya ako dyan?] Panakang tanong niya.

"Hmmm? Pwede rin. Para may makausap rin ako dito. Kaso baka naman magalit sila Tita kapag umalis ka ng bahay. Baka sabihin nila ay araw-araw mo na akong pinupuntahan."

I heard him 'tsk'. [Pakiramdam ko ay ayaw mo. Di ka lang makahindi. My parents don't get mad by that. Saka wala rin naman sila dito.]

"Ganun ba? O sige. Baka kasi mamaya magalit na sila sa akin and they will think na inaagaw na kita sa kanila. Minsan ka na nga lang dyan diba?" Paliwanag ko. Of course, masaya ako na pupuntahan niya ako. 'Yun ngaa lang ayoko naman na kulang na lang ay paikutin niya ang mundo niya sa akin.


[Are you kidding? My parents love you. They like you for me. And by thought, na ikaw ang nagpapasaya sa akin di sila magagalit.] Paliwanag niya.

Napabuntung-hininga na lang ako. "Oo na nga lang. Basta magtext ka kapag papunta ka na ha?"

[Okay. I will meet Dave first. May usapan nga pala kami. Goodbye. I love you.]

Di ko namang maiwasang mapangiti. "Okay bye. I love you." Then I hang up.

Dirin naman nagtagalay sinabihan na akong bumaba dahil nandyan na daw yung pamangkin ni Tita Ingrid at ang fiance nito. Napakunot ako. Ang alam ko kasi ay yung pamangkin lang ni Tita ang darating.

Minabuti ko na lang bumaba. Nakakahiya naman kung pag-antayin ko sila. Pagkababa ko ay nakita ko si Daddy na nasa wheelchair. Magkatabi naman si Mommy at Tita Ingrid. At sa tapat nila ay isang babae at lalaki. Di ko kita dahil nakatalikod sila sa gawi ko.

"Karylle, halika at ipapakilala kita." Lumapit naman ako sa kaniya. Agad naman niya akong hinila sa kaniya.

"Mark?" Agad kong tanong ng makilala ko 'yung lalaki.

"Hi K!" Nakangiti niyang sabi.

"Magkakilala kayong dalawa?" Takang tanong ni Tita Ingrid.

"Yes po. Magkaklase po kami noong highschool." Si Mark na ang sumagot dahil nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Wala e, di ako makapaniwala.

"What are you doing here?" Tanong ko pagkuwan when I totally composed myself.

"Siya 'yung fiance ng pamangkin ko. Si Stephanie nga pala." Doon na ako napabaling sa babaeng katabi niya.


And she looks familiar.

"Hi." Nakangiting bati sa akin ni Stephanie.

"Hi. Do we met before?" I asked out of the blue.

Let the Love Find You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon