Chapter 8
So much for this day. I can't believe this! I can't imagine that I'm now living in hell!
Grabe naman kasi. Simula ng nangyari sa canteen nung isang araw ay kung ano-ano na ang nangyari sa akin. Mas malala na ata ngayon. Hindi pa nga ako nakakapasok ng gate puro kamalasan na.
May mga maninisod sa'yo. Tas yung uupuan ko! Jusko! Lagyan daw ba ng pintura! Hayun, para akong tinagusan! Tsk!
Nakakainis!! Especially, yung mga mean girls na may gusto sa kanila. I don't know what is something special about them. They are just a ordinary college guys. Who happen to act like a cool guy. Pero big deal sa kanila ang ginawa ko. Owww, men and their ego!!
Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng may marinig akong mahinang katok mula sa labas ng aming kwarto.
"Pasok po!!" Sigaw ko.
"Karylle, Can we talk?" Si Kuya Isaac pala.
"Sure Kuya. Ano po ba yun?" Tanong ko. Nakita ko pa syang nag-aalangang magsalita. "Spill it out." Kinakabahan ko na ring sabi.
Bumuntong hininga siya. "I heard about what happened few days ago to you." Mahinahon nyang sabi.
"W-hat is that?" Tila nahuhulaan ko na ang nalalaman niya.
"Sa canteen. Tungkol sa encounter mo sa The Bachelor in Town ng University."
"Bachelor in Town? Ahh, I get it. Yung 5 na lalaki. So what it is?" Bachelor in town? Psh! Korni.
"Karylle, dapat umiwas ka na lang sa kanila. Hindi mo na dapat sila pinatulan."
Hindi ko alam pero parang nairita ako sa sinabi ni Kuya Isaac."What its so big deal na sinagot at kinalaban ko sila? Ipinaglaban ko lang kung ano yung tama!" Naiinis ko ng sabi.
"Can you please calm down? Ang sa akin lang bago ka palang at hindi mo alam ang background nila." He using his monotonous tone.
"As if I care about them. Ayoko kasi Kuya sa lahat e yung minamaliit ako." Hindi ko na napigilang mapahilot sa sentido ko.
"Karylle, listen to me first. Dahil sa ginawa mo hindi ka na nila patatahimikin. They will make you suffer for what you've done to them. They will make your life living in hell. Karylle, hindi ka nila titigilan hanggang hindi ka sumusuko o humihingi ng patawad sa kanila. Karamihan sa kumakalaban sa kanila ay lumilipat ng School or worst ayaw ng lumabas ng bahay nila. I want you to think para na rin sa safety mo. They have their connections pwede ka nilang gantihan sa ibang paraan. Pwede nilang idamay ang Business nila Mommy and hindi sila titigil hanggat hindi ito bumabagsak." Mahaba niyang paliwanag.
Tinitigan ko si Kuya Isaac ng mabuti. "So ano ang dapat kong gawin? Apologize to them? Okay lang kung ako ang parurusahan nila pero kung kasali na si Mommy ay ibang usapan na." At aaminin ko kinabahan talaga ako. Ayoko ng mahirapan si Mommy. Handa akong tiisin ang lahat pero kung damay niya siya ay tila hindi ko kakayanin.
"Think if what is the best. Yung nararapat kahit alam mong against sayo. If saying sorry ang dahilan upang tigilan ka nila then do that. You are like a sister to me, Karylle. And I want the best of you. Pag-isipan mo. Alam ko na you are strong lady but I know your weaknesses. At kapag ginamit na nila yun mas mahihirapan ka. Just think of it." Sabi niya.
"Thank you, Kuya. I think about it." Sabi ko.
"Okay. You take a rest. Alam ko na pinatikim ka nila ng lupit nila. You being bully in the whole day." He chuckled. Hindi ako kumibo. "Goodnight, Karylle" then hinalikan niya ako sa may tuktok ng ulo.
Hindi na niya ako hinintay sumagot at tumalikod na siya. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Isang malalim na paghinga lang ang ginawa ko at tuluyan ng humiga sa kama.
Alam ko na hindi ko nature ang magpakumbaba. Lalo na at alam kong ako ang nasa tama. Pero ayokong madamay si Mommy dito. She the only thing I have. She is my strength and the same time my weakness. Hindi ko yata kayang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Tama kaya ang gagawin ko?
Ano ba ang dapat? Gawin ang isang bagay na alam kong mali pero iyon ang nakakabuti para sa lahat o panindigan ang tama pero mahal ko sa buhay ay damay? Nasa ganun akong pag-iisip ng nakatulog ako. Dala ang tanong na hindi ko magawang masagutan.
****
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Ficção AdolescenteLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.