Chapter 7
I'm on my way sa canteen. Nagugutom na kasi ako. Ilang linggo na ako sa dito sa Stacey University pero wala pa talaga akong nagiging ka-close. Ang dami palang bitch dito. Rich kid eh?
"Manang, isang hamsandwich at orange juice nga po." Sabi ko sa tindera. Hindi naman na ako sanay kumain ng marami. Basta may laman lang ang tiyan ko ay okay na. Wala pa naman masyadong ginagawa sa lahat ng subjects ko. Maliban na lang siguro sa ilang pa-major na subject. Tsk!
Matapos kong makuha ang order ko. Naghanap ako ng bakanteng table. And there! Sa may sulok pa talaga. Nang makaupo na ako ay may narinig akong tilian. What the hell??? Anong meron?
Sh*t ang gwapo talaga niya!!
Girls, ang hot talaga ni Dave ko!!!
Awwww basta sa akin si Reign!!
Ilan lang yan sa naririnig ko. Lumingon ako sa may entrance ng canteen. Kaya naman pala e, pumasok ang lima na ito. Hayyy bahala na nga sila dyan. Bibilisan ko na lang.
Habang kumakain ako may naramdaman akong umakbay sa akin sa gulat ko bigla ko siyang sinikmuraan.
"What the hell???" Sigaw niya. Oh no? Si Luke pala.
"You deserved it! Walang kang karapatang akbayan ako." Mahinahon kong sabi sabay irap.
"Sus! If I know gusto mo rin!! Admit it or not!" Mayabang na sabi niya. Ano daw?
"Excuse me? I don't care about you. For me, you no longer exist. I don't like you!" Singhal ko. Tahimik naman silang lima.
"Hey babe. Chill!!" Sabi naman nung Migz. Ano ba kasing ginagawa nila dito? Ang dami pa namang vacant tables ha?
"Don't babe me. I'm not one of your girls, Jerk! At kung wala na kayong sasabihin makakaalis na kayo. Can't you see that I'm busy eating here." Inis kong sabi.
"Baka ikaw ang gusto mong umalis?" Sabi naman nung Reign na matiim na nakatingin sa akin.
"Excuse me? Ako ang nauna dito. Wala naman akong nabasa na naka-reserve to sainyo. So technically, first come first serve." I evilly smile.
"Miss hindi mo kilala ang kinakalaban mo." Sabi niya.
"Yeah right. I don't know you all. Kasi nga wala akong pakialam kung may nag-eexist na kagaya niyo. Wala naman akong mapapala." Alam ko nakakakuha na kami ng atensyon.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin sa braso nung Reign. Aba! Masakit ha? Dahilan para mapatayo ako.
"Ano ba?!" Sigaw ko.
Nanlilisik ang mga mata niya. May mali ba sa sinabi ko?
"Don't you dare to talk to me like that?! Your nothing! Hindi mo ako kilala." Madiin niyang sabi.
"Yun naman pala e, I'm just nothing! I don't care! E, bakit niyo pa ako pinag-aaksayahan ng panahon!" Nakakainis na siya. Hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. At lalo pang humigpit ang hawak niya doon. I winced in pain. "Ano ba? Nasasaktan ako!"
"Mas lalo kang masasaktan! Hindi ka ba natatakot? Apologize." Sabi niya.
"Are you nuts? Bakit ako mag-aapologize sayo? Wala akong ginagawang masama sainyo! Kayo itong lumapit sa akin at sinsira ang araw ko!" Tumawa pa ako na parang nang-aasar. Hindi ako magpapatalo.
"You bitch!!!!"
Pak!
"I'm not bitch, Jerk! I'm not like some girls na inaakala mo. Wag nanghuhusga agad kasi hindi mo ako kilala!!!" Naramdaman ko naman lumuwag ang hawak niya. Hindi niya siguro inaasahan ang ginawa ko. Mabilis ko iyong tinabig at kinuha ang bag ko. Sa sobrang inis ko kinuha ko ang orange juice at binuhos sa kaniya.
I heard some gasped! I don't care!
"Sa uulitin Mister wag kang lalapit sa akin. You will never exist in my life. Mamili kayo ng taong aapihin niyo. I'm a girl, yes! Pero hindi ako papayag na aapihin na lang." Tumalikod na ako sa kanila. Alam ko malabo na hindi kami magkikita. Pero hanggat maaari iiwasan ko ang grupong iyon. Wala silang idudulot na maganda sa akin.
____
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Teen FictionLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.