Chapter 9
"Karylle, wait!" Pigil ni Kuya Isaac sa akin. Pababa na kasi ako ng sasakyan.
"Bakit?"
"About dun sa pinag-usapan natin kahapon?" Sabi niya. Alam ko ang tinutukoy niya. Actually napag-isipan ko na.
Marahan akong tumango. "Yes Kuya. Hindi ko nakalimutan yon. Ayoko na may mangyari pa kay Mommy bago ako gumawa ng aksyon.. Kahit na alam kong di tama.." mahina kong pang sabi sa huling sentence ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Kuya sa balikat ko. "I'm so proud of you , Karylle. Alang-alang sa Mommy mo you'll do anything. Kahit ibaba mo pa ang pride mo."
Ngumiti na lang ako sa kanya. Kapagkuwan ay bumaba na ng sasakyan niya. I also thanked him.
Pagpasok ko pa lang sa gate ramdam ko na ang masasama nilang tingin. Pero wala naman silang ginagawa. Hmp! Mga galamay lahat ata ito ng devil na iyon. Ay teka!? San ko nga pala hahanapin yun? Bahala na nga!
Bakit pumasok pa yan?
Wala pa rin takot ha?
Buti na lang nasa rooftop sila Reign at di nakita ang pagdating ng bitch na yan! Hmp!
Ilan lang yan sa naririnig ko. Nagpanting man ang tenga ko sa huli kong narinig ay di ko na lang pinansin. Kailangan kong umiwas sa gulo.
Tumakbo na ako. Maaga pa naman para puntahan sila. Sa rooftop, tama!! Dun ata tambayan nila. Sa may low beam ako dumaan para hindi pansin. Nang makarating ako sa may rooftop andun silang lima. Mukang di nila ako napansin.
"Bro, ano ng plano?" Tanong nung Dave.
"Plano? Tsk! Ano pa ba? Edi pahirapan! Di niya kilala ang nakabangga niya. Kahit pamilya niya damay para lang madala siya!" Nakangising sabi nung Reign na yun!
Argh!! Kalma Karylle!!
"Montecillo!!!" Sigaw ko kay napalingon sila sa gawi ko.
Lumakad naman ako papunta sa kanila. Ayoko pero ito yung dapat diba?
"What?" Bored niyang sabi. "Nadala ka na ba? Hindi pa nga kami nagsisimula." Mayabang niyang sabi. E ano yung ginawa nila sa akin kahapon? Nung isang araw? Practice lang? Tsk!
"You know what? Ang yabang mo! Actually wala naman talaga akong balak makipag-ayos sayo!! Wala akong pakialam kung parusahan niyo ako araw-araw at gawing impyerno ang buhay ko! Pero bakit kaylangan pa ang pamilya ko?! Ganun na ba kayo kasama?" Mahaba kong sabi. Nakakainis!
"Woah! Relax Babe!" Sabi nung Luke!
"Don't Babe me, Jerk!" Singhal ko sa kaniya.
"So? Hindi ka pa rin natatakot? I don't give a damn na kahit pamilya mo ang damay! It's your fault! And wala pa akong ginagawa." And yhen he smirked!
"Alam mo? Hindi ko alam kung paano ka pinalaki! Ang sama mo! Ako lang ang may kasalanan sayo at labas ang pamilya ko dito!!!"
"Don't tell me what to do!! I don't fucking care kung mag-suffer kayo!" He shout back. "Tara na! Wala siyang kwenta!" Then tumalikod na sila.
Hindi ko na napigilang umiyak. My Mom is my priority here. Gagawin ko ang lahat kahit ibaba ko pa ang pride ko.
"Montecillo!!" I shouted. Then they turn around and shocked written on there faces. I don't care kung makita nila akong umiiyak. "P-please.. I'm begging you! Ako na lang ang gantihan mo wag mo ng idamay ang Mommy ko! She's the only one I have! I don't want to see her hurting! Please!! Burden my life I don't care! Pero wag mo syang idamay!!" Napayuko na lang ako.
"Desisyon mo yan, Madriaga! All you have is to apologize. And face some consequences." He said.
"C-consequences?" I asked in confused.
"Yeah.."
"Fine! I faced that stupid consequences of yours! Then promise me one thing.." matatag kong sabi.
"Your unbelivable! Ikaw itong may kasalanan tas may hihingin ka pa?" Sabi nung Migz ata.
"What is that?" Sabi nung Montecillo na parang di interesado.
"Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo pero promise me hinding-hindi niyo guguluhin ang pamilya ko especially my Mom.." mahina kong sabi.
"Yun lang ba? Tsk! Fine.. then now Apologize.." tsk! Ang bossy!
"Okay, sorry for what I've done.." alam ko na medyo sarcastic ang tono ko.
"Hmmm.. okay na yan Bro kahit mukang napipilitan.." Dave said.
"Halika na.. Tomorrow morning, Miss Madriaga meet us here in rooftop. Magsisimula ang consequences mo. And tutuparin ko ang hinihiling mo. Basta sumunod ka lang.." yun lang at tumalikod na siya. Yumuko na lang ako. I know it's not me. Pero ito yung sinasabi ni Kuya Isaac na dapat.
Nagulat na lang ako ng may nag-aboy ng panyo sa akin. Pag-angat ko si Nathan pala.
"Here... don't cry. I know napipilitan ka lang. And hindi bagay sayo ang umiyak." Nagsasalita pala siya. Ang tahimik niya kasi e, inabot ko naman ang panyo.
Bigla naman siyang tumaliko. "Thanks..!" Sigaw ko. Lumingon naman sya at ngumiti bago naglakad ulit. Nagulat naman ako sya? Ngumiti? Wow!
---
BINABASA MO ANG
Let the Love Find You (COMPLETED)
Teen FictionLoving someone is hard when your heart is full of hatred and hard to forgive.