SM Southmall

1.6K 35 3
                                    

Hi guys, Pasukan nanaman! wooo. Medyo madedelay nanaman ako sa paguupdate :( Huhu. Thank you sa mga nagvote and comments! I love youuuu :* Anyway, Malapit na to matapos, sadly. :( Ilang chapter nalang? Hmmm. You'll know. HINDI KO MUNA SASABIHIN PARA INTENSE =))))

Tweet me! @heyitsmichi

---------

First time ko ulit magshort na pupunta ng GT ng chicser... Actually hindi naman to GT eh. Close Encounter to =)) Kaso for sure! Pag aawayan namin to ni Ranz... Eh kasi pinilit ako nila Sarah na mag Shorts :(( Si Bea, Camille at Sarah kasi, Mga nakashorts. Eh di daw nila ako kilala pag di ako nagshorts... Anak ng tinapa, ang babait na kaibigan.

From: RanzyBaby

Message:

nakashorts ka?may usapan tayo dun diba . sige nikka ha . :| 

Ay grabe :( Alam agad? Like seriously? Papunta pa nga lang kaming Cinema... Wala pa nga sila dito, kasi nga galing silang Party Pilipinas. Wow diba ranz, May updater talaga -___- 

"Oy Ahhh, Alam agad ni kyle na nakashorts ako." Sabi ko.

"Sinabi ko eh, sabi ko magshorts tayong lahat. Sabi ko kay Clarence" Sabi ni Bea.

"Wow, Pasapak isa lang" Sabi ko

"Hayaan mo sya, wala naman syang magagawa" Sabi ni Bea.

"Hoy jude, bat di mo sinasama si jude?" Sabi ni Camille

"Tamad yun eh." Sabi ni Sarah.

"Nakanino tickets?" Sabi ni Bea.

"Sila naman magbibigay ng mismong ticket eh.. Hahaha. Nasakin yung pinaparint" Sabi ko

"Anong seat ba tayo" Sabi ni Camille

"Sa C tayo. Haha" Sabi ko.

Ayun, nakarating na nga kami sa Cinema, Laki pala ng southmall :(( Di kasi ako nag gagala masyado dito. Tapos grabity, nung on the way kami sa Cinema, alam nyo yung puro lovers sa sulok ng mga pader. Kajirits!? Haha.

Deretso kami dun sa may bilihan ng popcorn sa Cinema =)) Di kami pumila, nakakatamad pumila, ang haba haba. Eh kahit naman huli kami, papasok parin at amin parin naman yung seats. Emegerd.

Nagchichikahan lang kami dun sa pwesto namin.. walang upuan kaya nakatayo. 4PM kasi kami nakarating dito, Ayun nga.. 5:30PM ata start ng event. Haha. Inaayos ni Camille yung scrapbook na ibibigay nya kay Owy eh. Grabe nu, effort parin ang bruha, puro picture nila at ni owy yung laman ng scrapbook. Sweet :((

Si Bea, Ang daming skittles na dala. Nakakatanga. Hahaha. Di naman ganun kadami, pero wala lang. Skittles... Hindi ba nagsasawa dun si Cav :(( Lagi nalang sya nakakakuha ng skittles. Pero ang bongga talaga nung mga nasa unahan na pila eh, ang lalaki nung dalang teddy bear eh. Nakadress at heels pa mga girls eh. Pinaghandaan talaga eh... Nahiya naman kami sa teddy bear nila, grabe, ang laki. Tig-iisa ata chicser, 6 yung teddy bear eh.

To: RanzyBaby

Message:

sorry na :( may dala akong pantalon dito :D tyaka di naman maikling maikli to eh.. to naman! :* pero kasi :( 5:30pm na eh... bat di padin nagsstart :(

Grabe lang, 5:30PM na... Di padin nagpapapasok sa loob. Anak ng -____- Eh anong oras mismong start netong event. Ay grabe, pagpapapasok palang, 30mins na ata eh. Haba kaya ng pila... Kami lang naman tong di napila. kasi nakakatamad nga =))

And opo, nakakapagtext na po ako, active na yung line ko sa globe. Hahaha yung isa, yung tempo sim ko dati, yun na yung public number. Pero di ko naman ginagamit masyado, minsan lang... Binabasa ko mga messages.

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon