Nandito kami ni Bea sa kwarto ko, 11am na, Mamaya 1pm na. Emeghed, kasi diba kasabay nga namin si Ranz papuntang gt. Lalo tuloy kaming excited, sayang wala si Camille. Eh kaso maingay yun kaya okay lang din. Di pa nga niya alam na kasabay namin si ranz eh.
"w/ @callmebeyyy :) :) see u later guys"
After nun, Naligo na ko. Oo, Hindi pa ko naliligo. Baliw ako eh. Hahaha, Pagkatapos ko maligo nagbihis na ko then umupo sa may bed kung nasan si Bea. Simple lang naman suot namin eh, Nakashort lang ako tapos naka chicser shirt. mehehehe, binili ko to before eh. Si Bea naman, naka short lang din and chicser shirt pero iba yung kulay nung kanya, White kasi sakin. Violet yung kanya, Yung kay Camille Blue eh. Sayang di kami kumpleto. First time di kami magkakasama na as in kumpleto papuntang gt. saklap. Miss ko na si camille!
To: Ranz
Message:
uy hi :) text me nalang if ready na or lalabas na kami ng house ha. haha
Feeling close na ko, huhu. Pero siya naman nagsabi sakin na sumabay, so okay na yun. 12:30pm na eh. Kumain na kami ng lunch, and like, malapit na talagang mag 1pm, pero hindi kasi nagreply si ranz sakin. Haha, Okay, Snob. Snob na nga sa twitter. snob din sa text. pakamatay na. joke. Haha.
"Hindi ka nireplyan?" Tanong ni Bea
"Mukha ba kong nareplyan? yung totoo, shunga ka?"
"Nagtanong lang pre." Haha, kami na talaga nababaliw dito.
"Baka walang load"
"Ang poor pala niyang ranz mo! Hahahaha" Wow naman, porket palaging may load tong babaeng to. Kung makapoor kay ranz. Haha
"Loadan ko. wait. hahaha syempre joke lang"
Tapos biglang may nagtext, ang gulat ko naman!
From: Ranz
Message:
yay now na :)
"Now na daw bey" Sabi ko.
"Anong now na? lalabas na?" Tanong ni Bea. Yung totoo, baliw ho kami. Wala kami sa sarili. Haha.
Hinigit ko nalang siya palabas ng bahay, Paglabas namin ng gate, andun si ranz, inaantay ata kami. Naks, kami na ang chix. Biruin mo, YUNG RANZ, as in si RANZ, Pinagaantay lang namin? Hahaha okay joke lang.
"Oh, Hi" Sabi ko habang kumakaway. Ngumiti lang siya, Tapos pinasakay na niya kami sa kotse nila, Kasama namin yung dad ni ranz, Siya kasi yung nagdadrive. Wala ata yung mom niya and sisters, Hindi sumama. Nasa likod kami, katabi namin si Ranz. Yung totoo, Bakit ako nasa gitna. Katabi ko si ranz. Haha. Dapat kasi dun nalang siya sa tabi ng dad niya sa harap huhu. kinikilig tuloy ako.
Ang tahimik, nakakabingi. Si Ranz nakatingin lang sa phone niya, I mean, may katext ata. Tapos si Bea, naglalaro ng temple run sa iphone niya. Kawawa ho ako dito. O.P.