Bumabagyo ng mga panahon na iyon. Malakas ang ihip ng hangin at waring humuhuning parang mga ibon. Buwan iyon ng pagsusungit ng panahon. Isang binata ang makikitang nagkukubli sa isang anino, nakatapat sa isang kandilang umaandap-andap. Nag-aalimpuyo ang hangin. Halos hipan nito ang nakasinding kandila. Marahang bumukas ang pinto sa likuran ng binatang ito at may kamay na unti- unting patungo sa kanyang balikat.
"Hoy! Ang sipag ah!" sabay pabiglang hawak ng balikat.
"Susmaryosep! Nay, naman e! Bakit ka ba nanggugulat!" sabay tingin ng binatang ito sa mata ng maamo niyang nanay.
"Aba kanina ka pa riyan nag-aaral ah! 'Di ka ba matutulog!? Pasado alas-onse na baka di ka magising anak ng maaga..." Sabay haplos sa pisngi ng binata.
"Eh Nay naman iksamen po namin bukas, hindi po ako makatulog eh. Saka mahaba-haba pa itong babasahin ko mahirap na walang masagot sa pagsusulit bukas..."
"Aljone, anak gumising ka na lang ng maaga, itulog mo na yan oy, masama ang pagpupuyat, sige ka maaga kang tatanda baka kung kelan ka umibig saka ka pumangit. Nakakapangit ang pagpupuyat..."
"Di bale na Nay na pumangit, basta naman may laman itong ulo natin okey na 'yun. Saka Nay, mana-mana lang yan ah, tayo 'ata ang pinakamapangit sa mga magaganda..."
"Naku, itong batang ito nagiging bolero pa, kaya love kita. Siyempre, sa lahat ng mga anak, ikaw ang pinakagwapo sa akin. Sige matulog ka na at ipagluluto kita ng masarap na agahan."
"Promise yan Nay ha. Eh si Tatay, kelan ba uwi niya?" agad na tanong ni Aljone sa ina. "Matatagalan pa Tatay mo na makabalik galing ng Saudi. Hindi pa siya pinapayagan ng amo niya doon na bumalik ng Pinas. Sige tulog ka na, anak..." At tinanggal ng Nanay niya ang salamin ni Aljone.
Si Aljone ay isa sa mga honor students sa pinapasukan niyang paaralan dito sa Bulacan, ang St. Wesley Academy. Bata pa man ito ay mahilig na siyang mag-aral at magsulat. Kinakitaan si Aljone ng husay sa pagsulat ng tula at paggawa ng mga kanta na labis na hinahangaan sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Inilalaban siya sa mga patimpalak ng pagsulat at maging sa mga pang-akademikong kompetisyon din, lalung-lalo na sa pagtatalumpati at balagtasan.
Mag-iikalawa na ng madaling araw. Habang natutulog ang binata ay pinagpapawisan ito ng malapot. Halos ang katawan ay hindi magkandatutong ibaling kung saan na bahagi ng kanyang kama.
"Huwag, huwag mo kong iwan! Please, pakiusap... Huwag mo akong iwan. Huwag!"
"Gising, Aljone! Gising, anak! Ang batang ito binabangungot na! Gising!" sabay balikwas ng binata sa higaan at pagpuyos ng kanyang mga mata na lumuluha.
"Nay, nasaan na siya?"
"Sino siya anak? Sino ba yung tinatawag mo na yun sa panaginip mo? Sabi ko na nga ba eh sa susunod na matutulog ka huwag ka nang kakain pa ng marami. Hindi ba kabilin-bilinan ko baka di ka matunawan niyan!"
"Nay naman e, nagugutom ako. Siyempre masarap matulog kung busog, para kahit matuluyan ka eh busog ka na lang, 'di ba?"at nagpupuyos pa ito ng kanyang mga mata.
"Oi, Aljone ha, hindi biro yan ha..." Sabay duro ng daliri sa noo ni Aljone.
"Eh Nay, di naman kita iiwanan eh. Bakit naman ako mawawala, di ba pangarap mo ako na maging lawyer muna bago ka umalis sa mundong ito? Di ba Nay, marami pa tayong pagsasamahang dalawa kahit wala pa si Tatay ngayon eh nandirito ka pa rin at si Tita na nakakasama mo palagi. Kaya wag kang mag-alala Nay, hindi naman ako mawawala sa iyo. Dito pa ako humihinga kahit bad breath oh, hah!"
"Anak, ou na magsipilyo ka nga muna. Umaamoy yun adobo sa bibig mo." Sagot ng kanyang ina na naiirita. "Ano ba anak yung napanaginipan mo yan ha!?"
"Wala ito Nay. Hindi nga siya siguro totoo. Isang babae na bigla na lamang na nagpakita sa akin, sa aking panaginip. Hindi ko alam kung bakit kailangang habulin ang hindi ko naman nakikilala. Kakaiba ang tibok ng puso na nararamdaman ko kanina. Nararamdaman ko na malapit lang siya, karugtong ng aking kaluluwa... Kaya nga biglang tinawag ko siya sa panaginip ko at naglaho siyang parang bula..."
"Aljone, anak baka naman crush mo yun napanaginipan mo ha. O baka naman may girlfriend ka na 'di mo lang sinasabi! Ang anak ko talaga nagbibinata na... Alam na kung paanong umibig... Uyyyy!"
"Nay naman, hindi ba abala lang sa pag-aaral iyan? Saka Nay, matagal pa ako na mag-aasawa. Wala pa akong napupusuan. Sige ka Nay, iiwan kita pag nag-asawa na ako malulungkot ka!"
"Aba Aljone, matutuwa ako sa iyo dahil unang una totoong lalaki ang anak ko di katulad ni Brenda na kapitbahay natin ayun bumigay na at nagpupuyat hanggang ngayon kasama yung kinalolokohan niyang mga lalaki sa tapat natin. Saka magkakaroon na ako ng apo, o 'di ba masaya yun. Meron na naman tayo na magiging kasama sa bahay na ito hindi lang ikaw, si Japhet at ang Tita mo."
"Nay, nag-aaral pa ako ng kolehiyo kahit na pa-graduate na ako, di pa iyon okey. Magtrabaho pa ako saka di ba itreat kita sa una kong sweldo. Pano yun, pag mayroon na ko na girlfriend? Sige ka pang-date ko na iyon palagi ka na lang maiiwan sa bahay, bahala ka.."
"Ay, subukan mo at wala kang masarap na agahan bukas! Pag pala ikaw nagka-girlfriend iiwan mo na ang nanay mo...Geh matulog ka na!"
"Nay, siyempre naman in my dreams lang yun, siyempre. Ikaw pa eh Nanay kita. First love ata kita hehe."
"O tama na ang bolahan ha, ala singko ka pa gigising niyan. Mahirap gumising kapag puyat. Geh matulog ka na bata ka at uminom ka na ng isang basong tubig at nang mawala yang hingal mo..."
"Excuse me Nay, binata at unico iho mo!"
"Aba at marunong pa na mangatwiran ha. Lawyer ka nga. O, siya tulog ka na ha. Madaling araw na hano.
"Geh po, Nay... Pasensya na po at naabala ko pamamahinga ninyo. Di na ko mananaginip, promise po yan..."
At hinipan na ang kandilang aandap-andap habang ang mga tandang ay nagsisimula nang tumilaok sa nagbabadyang pagdating ng isang bagong umaga.... sa buhay ni Aljone....