Sa lugar ng mga libingan na kung tawagin ay "Cementerio de Asul" makikita ang dalawang sepulturero na naghuhukay habang ang isa ay naghahalo ng semento at buhangin.
"Malalim na ba? Kanina ka pa diyan, ang tagal mong humukay!" galit na parinig ng kanyang kasama.
"Ikaw naman, Pidring nakuha mo pa ako na pagalitan..." buong lakas na pinala pa niya ang lupa para magpatuloy sa halos gabaywang na na hukay.
"Kanina pa ako gutom, bakit hindi muna tayo kumain?!" pakiusap niya sa kasama. Kinuha nito ang pitsel at uminom ng isang basong tubig. Humihip ang malamig na hangin.
"Si Yoleng ang nagdala nito mula sa burol. Saluhin mo nang makakain ka!" inihagis ni Pidring ang isang supot ng pagkain na may laman na piniritong manok.
PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Ang bahagi ng kabanata na ito ay matatagpuan sa buong libro ng Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasyasayan... Abangan...