Sa kalye ng España, malapit sa Unibersidad ng Sto. Tomas, nag-uusap ang magkaeskwela na Pacis at Aljone.
"Pare, alam mo ba yung binabanggit ni Atty. Bright Ladia kanina, Regalian Doctrine at Doctrine of Incorporation? Magkapareho ba iyon?"
"In a way, they are related but are different in their applications and effects. Regalian doctrine is the power of eminent domain that the state can assume ownership over parcels of land in question on who owns it. In relation to property rights on immovables, all lands of public domain belong to the State and lands not otherwise appearing to be clearly within private ownership are presumed to belong to the State. Doctrine of Incorporation and Doctrine of Transformation are related, for they govern the municipal laws or domestic laws of a given country which are being derived from international laws and being adopted or incorporated thereto. They normally become part of the laws of the land. Kaya nga may mga salitang incorporation at transformation, hindi ba?" Nangiting paliwanag ni Aljone.
"Ok lang pare yun lumabas sa exam niya. Naipaliwanag naman niya iyon ng maayos sa review..." dagdag pa ni Aljone.
"Pare yun bang prinsipyong Renvoi, Lex Rei Sitae, Lex Situs at Lex Loci Celebrationis, saan siya related na mga batas? Parang nagkamali ako ah. Nakakalito na kasi." tanong muli ni Pacis.
"Lahat ng mga nabanggit mo ay may kinalaman sa Aricles 15, 16, 17. Yun naman sa batas ng komersyo o sa Code of Commerce, sa Article 18 ng New Civil Code mo yun mahahanap. Kapag ang property ng isang Pilipino ay maging subject ng appropriation o paghahati-hati, ang batas natin ang dapat na susundin ngunit kung siya ay banyaga na walang ari-arian dito sa Pilipinas at ang mga ari-arian niya ay ipapamahagi mula pa sa ibang bansa para sa mga Pilipino, maaring ito ang mga prinsipyo na gamitin upang makuha ang mga ari-arian ng kanilang mga anak o kamag-anak dito ngunit may limitasyon pa rin ang applikasyon ng batas natin sa batas ng ibang bansa. Sa batas naman ng kasal ang Lex Loci Celebrationis."
"Ah, ganun ba. Ang galing mo talaga Aljone, sana mataas ang makuha natin na marka kapag tayo ay kumuha ng iksamen ng Bar. Minsan ang dami-daming batas, ang hirap na tandaan. Mamaya maalala mo pagkatapos ay makakalimutan mo pa kung kelan andun na nga yung tanong na alam na alam mo saka hindi mo masasagot dahil kinakabahan ka..." nakangiting sabi ni Pacis sa kanya. "Maiba nga tayo pare, sino naman ang inspirasyon mo sa lahat ng iyong pagpupunyagi at pag-aaral?"
Nang marinig ni Aljone iyon, ito ay kinabahan at saka nangiting muli na may iniisip na naging kasintahan niya noong sila ay kolehiyo pa lamang sa Bulacan.
"O, Aljone siya ba ang iyong inspirasyon? Hmmm, sino ba siya pare? Minsan ikwento mo. Hindi mo pa naman sinasabi ang pangalan niya. Malay mo matulungan kita."
"Pare, saka na lang ibang batas na iyang itinatanung mo e. Lahat ng batas na nalaman natin sa klase ni Atty. Ladia, nakaukit sa isipan ko, itong isa na batas ng pag-ibig, sa puso ko. Mahirap na ipaliwanag wala akong basehan."
"Naku, naku. Aljone, ni minsan hindi kasi kita nakitang may kasama kahit noon pa man na unang taon natin sa kolehiyo..."
"Alam ko naman pare na masaya na siya. Nasa malayong bansa na iyon. Hindi na saklaw ng mga batas natin ang kinaroroonan niya. Wala iyon pare, ibahin na lamang natin ang usapan. Kung pwede sana..."
"Naku, ikaw naman. Aminin mo na. Sa batas ng pag-ibig, kahit pa man incorporation at transformation pa yan, sigurado ako magkakalapit din kayo. Sino ba talaga siya?"
"Kung ako pare ang Estado, hindi na kayang saklawan ng eminent domain ang kinaroroonan niya para ma-claim ko lang na ako ang nagmamay-ari ng puso niya..." malungkot na tinig ni Aljone habang bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.
PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Ang bahaging ito ay mababasa mo sa mga kumpletong kabanata ng Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasaysayan... Abangan!