Kinabukasan, mag-iikapito na ng umaga, bago ang nakatakdang bakasyon ng mga mag-aaral makikita ang batang ito na sisikot-sikot sa isang parke ng paaralan habang naglilinis ang hardinero na kilala sa tawag na Mang Basyo.
"Lalaluluhluh, lalaluluhluh... Kamusta ka na my dear Santan? Ikaw naman Ms. Rose ang pula pula mo at ang bango bango mo pa! Ayan, tatanggalan na kita ng natutuyo mong dahon. Lalaluluh, lalaluluh. Kaygandang umaga..."
"Pssst, mga klasmeyts.. Nico at Raymond, Kulet, yohooo! Dito tayo, dito tayo, daliiiiii!" pabulong na aya ni Japhet sa kanila."
"Naku, magagalit ang hardinero kapag nahuli tayo, lagot tayo kay Gng. Pacencia...." babala ng isa nilang kasama.
"Ako ang bahala, peks man kahit mahuli pa ni Batman at Spiderman, ako ang bahala!" at itinapat ni Japhet ang kanyang daliri sa labi upang sawayin ang mga mag-iingay na kamag-aral para hindi mapansin ng hardinero na naroroon sila.
"Lagot ka, Japhet... Kung nagawa lang natin ang assignment na ibinigay ni Ms. Sushi at ni Ms. Shabu Shabu, di tayo magkakaganito. Malapit na mag-bell. Huhu..." sising sabi ni Kulet.
"Ang ingay mo, ang kulet kulet mo pa! Sabi ko na nga sa iyo mas magaling tayo kila Spiderman at Batman. Super hero tayo di ba? Hindi tayo mahuhuli..." pilit na kinukumbinsi ni Japhet si Kulet.
"Ikaw, isang superhero? Sa taba mo na 'yan!. Ahhhhhh! Baka ikaw ang nawawalang alaga ni Spiderman at Batman!"
"Ang kulet mo talaga! Kapag maingay tayo, maririnig tayo ni Mang Basyo... Magtago na tayo daliiii! Gaya nila Spiderman at Batman, nakatago..." at yumuko sila Japhet, Nico at Raymond sa malapit na halamanan ng mga santan samantalang si Kulet ay nakatayo pa rin.
"Naku, maniwala ako sa iyo! Che! Idadamay ninyo pa ako sa mga katamaran ninyo...hmmmf! Asar! Happmmmmmmpffff! Hmmmmmmmpffff!" at tinakpan ni Japhet ang bibig ni Kulet sabay haltak dito pababa upang magatago sa isang mataas na halaman.
"Ano ka ba?! Japhet naman! Ang lake lake ng kamay mo muntik ko nang masubo! Kuuuuuuu!" at sumilip-silip ang mga mag-aaral sa paparating na hardinero.
"Sino yan?! May tao ba dyan? Sabay tanaw ni Mang Basyo na nag-uusyoso. "Sige ha lagot kayo sa Principal kapag nahuli ko kayo, dadalin ko kayo kay Gng. Pacencia! Malinaw ha, bawal mamitas dito ng halaman, bawal! Ayan nakasulat na nga! Bawal ang nakasimangot! Anye?! Basta, bawal umistambay dito at lalong bawal mamitas ng mga bulaklak!" Habang hinahanap ni Mang Basyo ang mga bata na panaka-nakang umiiwas sa kanya, sa di-kalayuan ng kanyang kinatatayuan ay may isang binibini na nagagandahan sa bulaklak na rosas. Akmang pipitasin na sana niya ito...
"Hoy, hestas at barabas na may medyas! Bawal yan, bawalllllll! At nag-aapura ang hardinero patungo sa binibini na hinahawak-hawakan ang isang malusog na rosas.
"Mga guys, ngayon na, attack!" sambit ni Japhet na nagmamadaling kumuha ng mga dahon at iba't-ibang uri ng mga bulaklak bilang bahagi ng kanilang assignment sa Elementary Science sa pang-umaga nilang klase. Halos maubos na ang mga bulaklak dahil bawat isa ay binigyan ng kanilang guro ng hahanaping tig-sasampu. Nag-aya pa si Japhet ng iba pang mga kasama na naroroon at halos buong klase na nga ang nagtungo sa hardin upang mamitas.
"Oh, Looooord, thank you! Mwah! She loves me not, she loves me, she loves me not, she loves me! Mang Basyo, I love yah!" nagkalipumpunan ang mga batang mag-aaral habang si Mang Basyo ay nakatalikod at nagmamadali ng pag-hakbang patungo sa isang binibini sa di-kalayuan. Nang ito ay kanyang datnan, tinanggal niya ang kanyang sombrero at bumati."