KABANATA 14: Mga Kulay at Hugis ng Puso

9 0 0
                                    


Sa isang maliit na casino na malapit sa Kalye ng Guadalupe, Maynila ang magkakabarkadang sina Vincent, Drayfus at Marco ay nagkakainitan sa paglalaro ng bilyar.

"Batang-bata ah! Paano ba 'yung tira mo na yan? Magic shot! Sisiw!" sigaw ni Marco kay Drayfus.

"Ah, wala. Ano eh. Bilog ang bola?" sabay tawa ni Drayfus. "Hindi ko namalayan na napapasok ko yung ball no. 4 sa kanto. Sablay nga lang sa ball no. 5. Haha!" at sabay ipinunas niya ang mukha niya sa kanyang basang-basa na t-shirt na panay pawis habang ito ay nagyayabang.

"Ako naman ang titira ng mga hindi mo natira. Tisaang puwit ni Marco, iharap mo!" at ipinadaan ang cue stick sa gawing puwitan ni Marco.

"O, ayan kaya mo ba yan, Drayfus? Umiikot ang bola at ang ball no. 5 ang nalaglag sa side pocket, haha! Matatalo ka na sa pustahan!" kantyaw ni Vincent na ipinupunas ang bimpo na may pangalang "Doreen" sa gilid nito. Napansin iyon ni Drayfus.

"Mukhang para kay Doreen iyan. Bilog na bilog!" Pagtira ng stick ni Drayfus hindi tinamaan ang ball no. 7 at ang puting bola ang siyang nahulog sa gilid na pocket ng billiard table. Si Vincent ang nakapagpalusot nito sa kaliwang dulo ng laruan.

"Palibhasa kasi hindi ka sasagutin ni Doreen, kung tumira ka kasi baklang-bakla. Ayun ang Brenda hinahanap ka pa hahahaha!" pang-iinsulto ni Vincent kay Drayfus.

"Di bale na lang. Eto ang tatsulok nasa akin. Pantay lang ang laban natin para sa kanya. Natalo mo ako ngayon, ako naman ang mananalo kasunod.."

"Umasa ka diyan, boy?! Tumatawag ba sa iyo si Doreen, ha?! Hindi ka nga niya pinapansin, eh. Tapos lampa pa ang tira mo bro! Titira ka na nga lang, nagmimintis pa haha!" muling inasar ni Vincent si Drayfus.

"Ganun ba?!" at ubod lakas na tinira ang nine-ball na nakahilerang patatsulok. Naghihiwa-hiwalay ang mga bola ng marble at ang puting bola ay tumalbog sa bilyaran pabagsak sa sahig. Binali ni Drayfus ang kanyang stick pagkatapos.

"Ano ba ang gusto mo?! Nakakalalaki ka na eh!" saka ibinagsak niya ang nabaling piraso nito.

"Oy, Vincent at Drayfus awat na, laro lang 'yan eh. Awat na kayo. Hindi tamang pag-awayan ninyo si Doreen na wala siya rito." Gumitna si Marco sa dalawang lalaki na malapit nang magpambuno.

"Eh, sa ikaw Vincent ang nauna eh. Namumuro ka na!" galit na galit si Drayfus.

"Eh ikaw ang nang-aagaw kay Doreen eh. Mali 'yan pare. Ako ang kausap hindi ikaw. Palibhasa, pumapasok ka na naman sa relasyon na alam mo naman sa sarili mo na mali ka! Mali ka dun pards!"

Dumating ang dalawang bouncer mula sa casino at sa tulong ni Marco at ng mga kasama ay naawat ang dalawang malapit nang magsuntukan.


PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Ang bahaging ito ng nobela ay matatagpuan sa kabuuan ng aklat.  Salamat po sa patuloy ninyo na tangkilik at suporta!


Pink DiariesWhere stories live. Discover now