Sa loob ng kanilang bahay tuwing umaga ay makikita ang dalagang si Doreen na nagsesipilyo habang ito ay nanonood ng cartoon. Paborito niya talaga noong bata pa siya ang panoorin na "Blues Clues" sa Cartoon Network. Mas paborito niya ito kaysa sa "Hello Kitty" dahil interesado siya sa mga sorpresa at pakulo ng bibong aso na ito. Kapag siya ay nagsesipilyo na at maririnig na ipinahuhula na kung saan matatagpuan ang primyadong aso sa palabas, bigla niya huhugasan ang kanyang bibig at mabilis na uupo sa sala para dali-daling manood.
"Ay, brown-out! Anak naman ng... wushu!" at napabuntong-hininga na lamang si Doreen. Malalim siya na nag-isip at nalungkot. Sinambit niya ito sa kanyang sarili.
"Kamusta na kaya si Paula... Sayang naman sila ni Vincent. Kung kelan niya birthday at saka nawalan siya ng pinakamamahal niyang kaibigan."
Ilang sandali lang, tinawag na siya ng kaniyang yaya at kaanak na kung tawagin niya ay Tiya Moreen, na siyang nag-alaga kay Doreen buhat nang ito ay hindi na magbalik sa London at magpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas.
"Ai, Doreen anak, kain na kayo habang mainit pa ang sabaw nitong tinola."
"Sige Tiya Moreen, pasunod na po... I'm coming..."
Bago siya umalis ng kwarto, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Vincent na naglalaman ng ganito:
"IMYSM..." na ang ibig sabihi'y "I miss you so much..." ngumiti lamang si Doreen at hindi na niya ito sinagot pa.
"Chow, attack!" kinuha ni Doreen ang isang mangkok ng ulam na naging paborito niyang putahe sa Pilipinas, ang Tinola.
"Tiya Moreen, nasaan ba sila Lola Carmen at Lolo Grospe? Hindi pa ba sila makakauwi mula sa farm?" usisa ni Doreen.
"Naku, alam mo Doreen, may sorpresa sa iyo ang dalawa. Narinig ko usapan nila..."
"Ano po yun? Nakaka-excite naman."
"Basta, bibilhan ka daw ng... basta. Wala nang suspense iha kapag sinabi ko..."
"Naku Tiya Moreen, alam ko na... alagaing aso na naman 'yan.."
"Pa'no mo nalaman 'yun, Doreen? Mukhang narinig mo rin yung usapan nila ha?" tanong ni Moreen na may pagtataka.
"Hindi naman, Tiya Moreen. Alam ko na po noon pa na 'pag ako ay nag-birthday, bibilan daw nila ako ng aso na kapalit nung nawala ko. Matagal na yun Tiya, wala pa kayo dito sa bahay..."
"At ano naman ang itsura ng alaga mo na aso noon? Pare-pareho lang ang mga iyan.." sambit ni Moreen na naghihiwa ng ipang-sisigang niya.
"Wala, Tiya. Basta nami-miss ko na yung alaga ko noong bata pa ako ilang taon na rin ang lumipas mula nang mawala iyon sa lugar na di ko na matandaan po. Bata pa ako noon e..."
"O siya, sige at gumayak ka na raw sabi ng lolo mo, sa hapon na lang daw kayo magkita."
"Tiya Moreen, nakagayak na ako kanina pa. Eh ngayon ka lang naman nakatapos magluto ng paborito kong ulam. Hinuli mo pa yata yung manok na ito dyan sa ospital, haha kaya nagtagal?"
"Sa ospital??? Batang ito talaga... Natural papalambutin mo pa yung manok na yan, native eh..."
"Ganun ba, Tiya Moreen... 'Di ko alam magluto kasi neto... Pero masarap kasi kaya matatagalan pa akong pumasok..Chomp! Chomp!.
Samantala, sa bahay nila Aljone.
"Nay, ako na ang magluluto para sa iyo. Huwag ka nang tumayo diyan. Di ba mag-birthday na ko bukas. Hayaan mo ipagluluto kita ng tinolang manok. Walang tandang sa palengke Nay, puros matatanda lang ang inabutan ko doon na nagtitinda."