Ang Brgy. Maestrang Kikay ay isang barangay sa Meycuayan, Bulacan na dinarayo ng mga haranista at manganganta ng kundiman noong unang panahon. Kultura sa Bulacan ang magdala ng mga panabong na tandang hindi para ilaban sa tuwing may gaganaping cockpit derby kundi maging bahagi ng sinaunang panliligaw ng mga tagaroon para sa kanilang mga sinisinta. Madalas na inilalagay ng mga manliligaw na lalaki ang kanilang mga tandang sa bakuran ng kanilang mga nililigawan sa madaling araw upang patilaukin sa bahay ng kanilang mga nililigawan. Sa gayong paraan, magtataka ang dalaga na naroroon na maririnig ang tilaok ng tandang at magigising habang ang ilang binata naman ay pupunta sa ilalim o silong ng bahay upang ulusin ng patpat ang natutulog na dalaga at mapansin ang kanyang nararamdamang pag-ibig para rito.
"Pssst... Neneng. Pssst... Neneng, gising!"
"Sino ba 'yan? Kaaga-aga eh nanggigising ka! Inaantok pa 'ko... sabay talukbong ni Neneng ng kumot dahil noon ay Abril kakatapos ng pista sa barangay, kaya puyat lahat ang tao.
"Neneng, ano ba. Si Domeng ito! Mahal, may umagahan ako para sa iyo usap tayo..."
"Domeng, naku Domeng... nandyan lang ang lola ko magigising na 'yun huwag kang maingay. Pwede ba 'yun tandang na dinala mo na 'yan, ano ba 'yan, maligno!? Kung tumilaok parang tumatawa, ssshhhhh! Patahimikin mo!
'Di kalayuan sa tabi ni Domeng ay may mga barakong pabo na gumagala sa ilalim ng bahay kubo kung saan matatanaw ang dalaga na katabi ang kanyang ina sa papag na kawayan. Naalimpungatan si Tasing.
Samantala, pagkarinig ni Domeng sa bulong ni Neneng, bigla niyang inapuhap ang ulo ng tandang at akmang hahawakan niya ang leeg nito ngunit may nahawakan ito na matalim na tuka at kinagat ang daliri ng pobreng binata.
"Araaaaaay! Hala, ang buset mong tandang ka daliri ko na yan ah! Grrrrrr! Mamaya ititinola na kita! Grrrrrr! Aguy."
May humiyaw sa hindi kalayuan ng bahay.
"Aba, Neneng andyan na naman pala yang lalaki na yan! Talagang hindi na nagtanda, peste!" Kinuha ni Aling Tasing ang sisidlan ng ihi at ibinuhos sa silong.
"Waaaaaaah! Ihi na maasim pa, waaaaah!" Sabay talilis ng binata mula sa pagkakatayo sa silong. Siyempre bitbit ang tandang na halos maluray na sa sakal na inabot niya kay Domeng.
Samantala sa ibayong-dagat, ganito ang klase ng panliligaw...
"Hey, Donaldi... this car isn't working, no ignition yet? It hardly moves. Fix this, will you? A shot in the arm will do."
"Yes, that's bloody fine. Is it sick? Don't worry for that. Everything is okay. Just honk it and try to move the wheels. Test drive it. It works as good as new."
"What the heck..."
"Now what? If you can't do it, at least don't ruin everything, you silly lad. We're in London, now what!?"
"Do you see that girl in that skimpy shirt?"
"Where, I can't see her. Who's she? That's a boner."
"You silly brat, take off your glasses. That pisses me off. What are you, a true-blue pheasant! That girl is so pretty. It's damn good and perfect match for you!"
"Rubbish, I am not interested. Take off yours. Ahm, well, turn down that window, quick!"
"Holy shit! Is she a model or what? What a beautiful lass. Hohoho, here we go!" at pinatakbo ni Donaldi ang sasakyan para sundan ang dalaga habang ito ay naglalakad patungong Thames.
"Hey, hey... pssst. Hey, hey pssst. I am Donaldi... what's yours?" Sumilip si Donaldi mula sa bintana at ngumiti. Nailang ang dalaga kaya binilisan nito ang lakad niya.