KABANATA 26: Hiling ng Kapalaran at ang Paghatol

5 0 0
                                    


Nakaupo ang matandang si Carmen na nakadungaw sa bintana. Nakikita niya ang mga larawan ni Grospe na malapit sa kanyang tukador. Kahit na mahina na ito, sinubukan pa rin niyang lapitan ang mga larawan nila ng yumao niyang asawa at mahawakan ito. Hawak niya ang purpurang panyo. Sa kanyang kaliwang kamay ay naroroon ang pulseras na kanyang pinipisil.

"Ando, kung nabubuhay ka pa, matutuwa si Esther para sa iyo. Alam ko Alejandro na sa iyo ito galing at ipinabibigay mo sa aking asawa. Grospe, hindi mo naman ibinalik, para kay Esther ito. Ipinasa mo na sana ang titulo dahil hindi naman sa iyo. Pustahan kayo ng pustahan para sa ano? Para sa amin. Pinagpupustahanan ninyo kami?"

At yumuko ito habang hawak ang lumang litrato ni Grospe.

"Ikaw Narciso, marami ka nang kasalanan kila Narsing at Basyo. Si Berting lumayo sa akin dahil sa iyo. Si Zeny, si Zeny na lang ang laging laman ng isip mo, Grospe. Grospe, bakit mo ko ginaganito?" umiiyak si Carmen.

"Carmen, huwag ka na kasing gumanti. Tama na!" sigaw sa kanya ni Grospe.

"Ako, ako pa ang may mali! Nagagalit na sa kanila si Tito at si Papa, bah! Hindi na tama na pinagloloko nila ako sa mga lupang wala naman na titulo! Niloloko ka rin ba nila?!"

"Kaya nga Carmen, ang iyo ay iyo, ang sa kanila sa kanila. Tapos na!"

"Bakit, hindi ba namin mabibili ang lupa? Kanino ba ang mga iyan? Nagpakahirap ang tatay ko na magpulak ng puno kasabay si Ando. Ikaw Grospe at ang iyong ama, tinustusan mo lamang ang mga makinarya nila. Anong ginawa nila Narciso at Basyo? Pinilit nilang angkinin ang mga lupa na hindi kanila? Pinalalabas pa nila na ang tatay ko at si Ando ang huling nangalaga ng lupa? Por Diyos, por santo!"

"Lupa lang yan Carmen, lupa lang yan! Diyan ka rin ibabaon!" sigaw ni Grospe.

"Mauuna muna sila! Babawiin naming ang aming pera at kung hindi ibabaon sila ni Tito sa hukay!"

"Masama yan, masama ng iniisip mo!" sumigaw si Grospe.

"Bakit, alin ang masama? Ang mang-gantso? Ang magsugal? Bakit, kalokohan ang ipangtaya ang lupain na hindi iyo! Bakit nila niloloko si Tatay. Ngayon na Kapitan pa rin, niloloko pa rin nila. Hindi na makatiis si Tito. Gaguhan ang gusto nila, matatanggap nila! Sirvinguenza! Ang dapat sa mga iyan, ibinabaon ng buhay at inuuod!" naiyak si Carmen.

Para makabawi ang mag ama sa lugi at panloloko ng ibang mga tao, itinayo nila ang CALUSINCo bilang sanglaan at pautangan sa mababang interes.

"Aba, Carmen mas maganda ang naisip ninyo na 'yan. Umaasenso na ah! Pasensya ka na Carmen at nagamit tayo ng mga taong ang alam lang ay gumamit din ng ibang tao. Para hindi ka na magalit sa akin, mahal ang pulseras na ito, para sana kay Esther. Kaya lang, tutal nasa akin na ang totoong titulo ng lupa, mas mabuti kung ito na lamang ang ipambayad ko sa hindi nabayaran nila Narciso at Basyo. Huwag ka nang magalit sa kanila. Bayaan mo, bibigyan ko sila ng parte sa lupa. Patayuan na lang nila ng bagong building ang paaralan na iyan para may trabaho at pinagkaka-abalahan sila at hindi ang pagsusugal."

"Tutulungan mo pa ang mga walanghiyang iyon????!" galit na tugon ni Demetrio kay Ando.

"Pare naman, tutulungan din kita, para maging Kapitan ka ng lugar na ito, hihilingin natin na maging Maestrang Kikay ito sa ama mo na Alkalde at mag-aaya tayo ng mga dayo na mamumuhunan para umunlad ang lugar na ito. Handa akong ibigay ang kalahati na lupa sa iyo bilang pagpapanumbalik ng mga ari-arian nating lahat. Bahala ka na. May asawa na ko. Manunuluyan na kami sa Maynila. Iiwan ko muna pansamantala ang lahat ng pangangasiwa sa iyo. Na kay Esther ang titulo. Bahala ka na muna pare." At sinuot nito ang kanyang sombrero at lumisan sa lugar nila Carmen.

"Marami na ang umalis, marami pa ang aalis. Nawala na ang iba, may mawawala pa na kasunod." 

Lumuluha ang Carmen sa sakit niya. Ilang buwan na lamang ang itatagal niya at tinaningan na siya ng kanyang duktor.

PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK:

Marami pa na istorya ang kulang sa bahaging ito. Mababasa mo ang kabuuan sa kumpletong aklat ng Pink Diaries....

Pink DiariesWhere stories live. Discover now