"Order in the court! Order in the court!" sigaw nang malakas na tinig ni Hukom Maximiano Cruz ng RTC Branch ng Meycuayan.
"My client moves to suspend the proceedings! A complaint-in-intervention has been filed together and we move to require an answer-in-intervention as a consequence, from the defendant, your honor!"
"I object! That will amend the complaint for the second time filed by my witness-complainant! According to Court-ruled case, in Mactan-Cebu International Airport v. Heirs of Minoza, in general, an independent controversy cannot be injected into a suit by intervention, hence such an intervention will not be allowed where it would enlarge the issues in the action and expand the scope of remedies. According to Rules, the plaintiff has the right to amend a complaint once at any time before a responsive pleading is served by the other party or in case of a reply to which there is no responsive pleading, at any time within ten (10) days after it is served..."
"Objection sustained! Proceed!"
"Objection your honor!" humiyaw ang matandang si Atty. Felix Manuel at tumingin ito kay Doreen.
"Our Rules allow an intervention may be filed at any time before rendition of judgment by the trial court, in the case of Heirs of Antonio Pael vs. Court of Appeals and according to Rules!"
"Objection sustained, counsel of the plaintiff, proceed!" at pinukpukan ni Hukom Maximiano and utos niyang ito.
"My client, William Mortel, has a legal interest in the assets of the heir of Donaldi!" pumamaywang ang abogado ng kabilang kampo na tila nang-aasar pa.
"The intervention after trial and decision can no longer be permitted!" patuloy niya.
"Now, we come to this honourable Court to ventilate the issues we present before you, that the co-plaintiff has a legal interest on the matter in litigation and the success of either parties in the action or against both parties will affect the movant. The movant is so situated as to be adversely affected by a distribution or other disposition of property in the custody of the court or of an officer thereof." At ibinigay niya ang mga titulo ng lupa na may interes si Mortel.
"Naririto ang naging bentahan ng lupa na si Mortel at si Cong. Ernani. Dito sa kasulatang ito nakasaad ang lahat-lahat." Pagkatapos ay kinuha iyon ng hukom at binasa.
"What is the defense of the counsel of the defendant. A motion is necessary because a leave of court is required before a person may be allowed to intervene."
Tumayo si Atty. Aljone na napapailing lamang. Saka ito ay nagtanong sa kabila at nagsabi na hindi kumpleto ang mga inihain na kondisyon para payagan na mag-intervene ang kalaban na kampo.
"Ginoong Hukom, nakalimutan yata ng kabilang panig na ang intervention ay hindi kailan man gagamitin upang maisapeligro lamang ang pagbibigay ng hatol kung sino man ang mga may tunay na karapatan sa pagmamay-ari o sa mana. Ang intervenor ay may mga karapatan naman na pwede niyang ihain sa ibang hiwalay na pagdinig. The intervention must not unduly delay or prejudice the adjudication of the rights of the original parties and the intervenor's rights may not be fully protected in a separate proceeding! These are the other two requisites."
"Mr. Counsel, proceed with that issue." Matamang nakining ang hukom.
"Ano bang legal interest ang sinasabi ng naghahabol ng ari-arian sa Pilipinas?" at ibinaling ni Aljone ang tingin sa abogado ni Mortel.
"Hindi ba, si Mortel ay banyaga?! Si Cong. Ernani ba ang naghahabol o siya?" At kinuha nito ang dokumento at iwinagayway sa kanila.
"Ito ba ang sinasabi ninyo na dokumento?" at iniharap ni Aljone sa mga naroroon.
"Please, counsel of the plaintiff, you may answer the question."
"Iyan nga po ang dokumento na ipinadala sa atin mula sa Embahada ng United Kingdom, kaya nga po kami ay humihiling sa inyo ng pagsang-ayon kagalang-galang na hukom."
"Tama, ito nga iyon. Ito ay forecolosure ng mortgage sa pagitan ng dalawang intervenors."
"Ang kulit naman ng Counsel ng kabila! Ou, yan na nga yan! Kulit mo!" sumabad ang kasamahan na abogado ni Atty. Felix Manuel.
"Counsels of the plaintiff, please use proper decorum in this Court, or you may be enjoined in an indirect contempt!" at pumukpok ang Hukom na nagagalit.
"Makulit? Ito ang dokumento na ibinigay ninyo at aming sinuri para lang masabi na invalid ito!"
Natahimik ang kabilang kampo.
"Sino ang nag mamay-ari ng lupain diyan sa Maestrang Kikay? Sino ang may karapatan na mangasiwa nito at magbenta o kaya ay magpaupa? Kung hindi ang anak ng may-ari ng DACC at ang totoong may-ari ng lupa!"
"Hindi maari ito, nililinlang mo ang Korte, Atty. Dela Cruz!" humiyaw si Cong. Ernani.
"Order in the court! Order in the court!" natahimik ang lahat.
"You may proceed with the deliberation of your case, Atty. Dela Cruz."
PAUNAWA SA MGA TUAMATANGKILIK:
Ang bahagi ng kabanatang ito ay hindi pa kumpleto. Mababasa ang kabuuang kwento nito sa ilalabas na unang aklat ng Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasaysayan. Malapit na!