Umagang-umaga sa Norfalk, England. Gabi sa Pilipinas.
"Mr. Mortel, a call from you. From Cong. Ernani..."
"Yes, please shut the door, Henry. Thanks." At umalis mula sa opisina ang dating tauhan ni Donaldi.
"This is William Mortel, President and CEO of DACC and Honduras, Inc."
"Mortel, si Cong. Hilaro Ernani ito.."
"Aba, kumpare.. Kamusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkakausap? Nakakarating ba ang mga padala ko diyan?"
"Sobra-sobra naman ang mga padala mo dito... Kamusta ang Pamilya ni Donaldi?"
"Eto, malapit na natin na makuha ang negosyo ni Donaldi. Dalawang bilyong dolyar kapag nagkataon."
"Nahahalata ka ba nila? Sana hindi nila nakikilala kung sino ka. Balita ko ang galing mo raw na mag british accent?"
"Siyempre naman, marami naman na naloloko tayo sa negosyong ito.." at tumawa nang tumawa si Mortel."
"Ngayon na buo na ang plano, nakuha mo na ang kumpanya ni Donaldi, kaya na natin na bumili ng kinakailangang boto na hihigit pa sa populasyon ng Meycuayan at Malolos.."
"Sure, all properties will be ours. Including that from your niece. We'll make a good fortune out of that, a very good one indeed..." sabay na humalakhak ang dalawa.
PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Ang kabuuang bahagi nito ay mababasa mo sa buong libro ng nobelang Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasaysayan. Malapit na ikaw ay magkaroon ng kopya. Talagang pakakaabanagan mo ang mga piling kabanata sa nobelang ito at kakapulutan mo pa ng maraming kaalaman tungkol sa pag-ibig... Konting hintay pa!