KABANATA 23: Mga Laro at Taguan sa Tulay

6 0 0
                                    


Mula sa ilalim ng tulay ng London malapit sa River Thames, may dalawang magkasintahan ang nag-uusap, magkaakbay na waring hindi na matatapos pa ang malayang gabi ng kanilang pagmamahalan.

"Doreen, kasing ganda mo ang iyong pangalan. Hindi ko makalimutan kung bakit ganito ako sa iyo at ganito ka rin sa akin..." bulong ni Aljone na may kasamang haplos at hinagkan niya ang namumulang pisngi ni Doreen.

"Bakit?"

"Wala lang. Parang kailan lang. Parang napakaikli ng panahon para sa atin..." malungkot na tugon ni Aljone sa katabi.

"Ano ka ba!? Kasama mo naman ako hindi ba? Kahit umagahin na tayo dito, basta kapiling kita wag kang mag-alala..."

"Hindi iyon ang iniisip ko eh..." bigkas ng marahan ni Aljone.

"Eh, ano? Ayan ka na naman... Napakakulit mo talaga!"

"Hindi ako makulit. Sobra lang na mahal kita. Mahal na mahal kita. Natatandaan mo pa ba noon na minsan tayo nag-away. Nang makita ko na kasama mo si Miguel Jaime... Lalo akong nasaktan at nawalan na ng tiwala sa iyo." Napabuntong-hininga ang binata.

"O, talaga. Why would you do that to the woman you love?" tanong ni Doreen kay Aljone.

"Because each time I see you, I keep falling in love with you, and each time I see you with others I keep growing in faith..."

"Aljone..."

"Bakit?!"

"Kung mahal mo nga ako talaga, kaya mo bang tumalon sa bridge na 'yan?" usisa ni Doreen at ito ay ngumisi na parang nang-uuyam.

"Bakit nga hindi? Tara, samahan mo ako para forever na lang tayong magkasama..."

"Wag na lang!" sagot ni Doreen na naiiyak ng kaunti.

"Bakit mo kasi ako inaaya na mawala sa iyo, gayong andito naman tayo humihinga pa..." takang tanong ni Aljone sa kasintahan.

"Kasi nga po, ayokong matapos ang panahon, nag-aalala ako na baka iwanan mo ako katulad ng iba na dumating sa buhay ko."

"Kalimutan mo na sila... dahil kinalimutan ko na rin ang nakaraan natin..." nalungkot si Aljone.

"Ibig bang sabihin, galit ka pa sa akin dahil may nakaraan tayo? Does it mean dapat mo na kalimutan iyon?"

"Ang ibig kong sabihin, past is past. What is important today is we will build a memory..."

"May USB ako dito at formatted na, Aljone... saksak natin sa ulo natin para madagdagan pa ng memorya yan.." at hinawi ng kamay ni Doreen ang ulo ni Aljone.

"Hindi yan, tabi mo na yan... Ikaw ang makulit eh, dyan ka na nga!" at tumayo si Aljone.

"Hep, hep... wait Aljone I will come along with you..." at hindi makatayo si Doreen dahil namanhid ang kayang mga paanan..."

"Doreen, on my back, lover's carry ang tawag dito. Lalakad tayo patungo sa bridge na yan. Hahanapin natin ang nakaraan natin at gagawin nating mabuti at kaaya-aya kay God..."

"Sige..."

PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Ang kabanatang ito ay siguradong todo sa kilig na eksena subalit minabuti na ng sumulat na mabasa mo nang kumpleto ang buong libro nito. Kaya kaibigang mambabasa, konting pasensya para sa isang napakagandang istorya na sigurado akong sulit ang iyong pagbabasa sa kakaibang pagsinta nina Aljone at Doreen. Konting hintay pa... 

Pink DiariesWhere stories live. Discover now