Ang Norfalk sa Central London ay kilala bilang tambayan ng mga mayayaman at may magagarang sasakyan. Naririyan ang mga Cafeteria at Coffee Shop na may iba't ibang lasa at uri. Ang mga makukulay na salamin ng mga nilulumang imahe ng glass art sa mga bintana ay matutunghayan. Ang mga puno ay nagsimula nang mangaluntoy. Kapag nagawi ka naman sa kanan o dakong silangan, makikita roon ang Parliament House na katatagpuan ng tanyag na orasang Big Ben. Habang ito ay tumutunog sa bawat oras, binubugaw nito ang kalapati at mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid pabalik muli sa Big Ben. Ang simoy ng hangin ay lumalamig na sapagkat sasapit na naman ang buwan ng Disyembre. May tunog ng mga tren at usok ng sasakyan na humaharurot. Lahat ng mga naglalakad ay naka-jacket at may mahabang mga alampay. Minsan pa ay umaambon subali't hindi na iyon alintana ng mga abala sa paghahanap-buhay dito. Paroo't parito ang kanilang mga lakad sa mataong distrito ng Norfalk. Kung minsan makikita mo ang ilang mga Pilipino na abala naman sa pagkuha ng mga litrato ng kanilang mga sarili sa mga makasaysayang lugar na ito sa London.
Makikita ang isang babae na nakasalamin ng itim, may head cover, nakajacket ng mapusyaw na brown na palabas na ng sasakyan...
"You get straight to the suite. Don't let me wait for too long or I'll strangle you and get your manners straight, we have a very important appointment with a business partner. Don't ever think you'd go anywhere."
At malakas ang pagkakabagsak ng pintuan ng sasakyan....
"Holy crap! You never learn Merlina, you always upset me!"
Hindi kumibo si Merlina at waring nagbingi-bingihan siya. Umibis mula sa sasakyan si Donaldi at hinawakan ang braso ng asawa.
"So, you're starting to mess it up again, right? You're acting like a kid, what are you!"
Umiiyak si Merlina habang hinahawakan ng kamay ni Donaldi ang braso nito.
"Stop it Donaldi, you are hurting me again, stop you silly and bastard brat!"
"Merlina, I had enough of this last night. So I rest my case. We'll finish this in an hour and I will let you stay in the lodge for the rest of your life!" at sabay bitiw sa kanya ni Donaldi.
Habang inaayos ni Merlina ang nagusot niyang jacket, hinawakan siya sa kamay ni Donaldi at hinila patungong Times Square, kung saan makikipagkita sila sa mga kaibigang negosyante.
Mga ilang sandali pa ay nakarating na sila sa lugar ng pagdarausan ng piging. Pagpasok nila sa bulwagan, sila ay ipinakilala sa mikropono.
"Ladies and gentlemen, now we have the sweet couple we've been wating for a while, Messieurs Donaldi and Merlina. Come on here..."
"Before we take a toast to our new and better partnerships in this corporate world, allow me to introduce my friend and his fiancé, the host of this luncheon, Sir William Mortel and Lady Margaret Brunswick. But of course, this moment would have not been complete without one of the magnates of car business here in London, please welcome Sir Donaldi Huggins and with her better-half, Madame Merlina Huggins as they join us in this ceremonial toast."
At matunog na mga palakpakan ang ibinigay ng bawat isang naroroon kasama ang mga empleyado ng magkabilang kumpanya ni Mortel at ni Donaldi.
"Oh wait, wait for just a minute. Madame Margaret, Mortel's fiancé and Donaldi, we know are close associates of this entire business. But of course, we even feel honoured and grateful that Madam Merlina, whom we missed so much came back to witness a very historic moment in our company, a new future between the Deutsche Auto and Car Corporation and the partnering Honduras Wheels, Inc. because both Mortel, its owner and Madame Merlina, now a co-partner of the DACC would make the first toasts for us. So friends, raise your glass and we begin to say, Auld Lang Syne!"